Lyn Ching, Mikoy Morales defend Jennylyn Mercado over Arnell Ignacio’s “unsolicited advice”

by Bernie V. Franco
Aug 4, 2020
Kapuso personalities Lyn Ching (center) and Mikoy Morales (far right) come to Jennylyn Mercado's (left) defense after Arnell Ignacio told the actress not to comment on things political and stick to acting.
PHOTO/S: @mercadojenny and @mikoymorales on Instagram / Facebook (Lyn Ching)

Nakahanap ng kakampi si Jennylyn Mercado mula sa ilang personalidad matapos siyang bigyan ng unsolicited advice ni Arnell Ignacio.

Aktibo ngayon si Jennylyn sa social media sa paghahayag ng saloobin tungkol sa current at political issues.

Sinabihan naman ni Arnell ang Kapuso actress na huwag nang manghimasok sa mga isyung pulitikal at ituon na lang ang pansin sa pagiging artista.

Buong komento ni Arnell: "Payo lang, wag niyo na pasukin ang hindi ninyo linya. You have very successful careers dahil mahusay kayo sa linyang pag-aartista.

"Do not ever think the power of popularity will instantly translate into mastery of the political jungle. Wawasakin ninyo mga careers ninyo."

Pero tanong ni Jennylyn sa tweet niya kahapon, August 3: “May qualification ba dapat bago ka magkaron ng karapatan na magkomento sa mga isyung panlipunan?

"Hindi ba sapat na mamamayan ka ng Pilipinas at nagbabayad ka ng buwis? Bakit kung kelan Pandemya na lahat tayo ay apektado saka ang iba ay pilit na pinatatahimik?”

Continue reading below ↓

LYN CHING AND MIKOY MORALES

Kinontra rin ng Unang Hirit host na si Lyn Ching ang unsolicited advice ni Arnell kay Jennylyn.

Inalmahan ni Lyn ang paglilimita ni Arnell kay Jennylyn sa kung ano ang dapat nitong ihayag dahil sa propesyon nito.

Tweet ni Lyn nitong Lunes, August 3, “Before she is an actress, she is a FILIPINO.

“Therefore may karapatan syang maglabas ng saloobin. Huwag ikahon ang isang tao base sa kanyang propesyon.”

Continue reading below ↓

Tahasan ding binatikos ng Bubble Gang mainstay na si Mikoy Morales ang “unsolicited advice” ni Arnell kay Jennylyn.

Sabi ng Kapuso actor, ang mentalidad ni Arnell ang dahilan kung bakit may stigma sa mga artistang manahimik pagdating sa mga makabuluhang isyu.

Tweet niya ngayong Martes, August 4 (published as is): “Arnell Ignacio’s ‘unsolicited advice’ to Jennylyn is exactly why most artists aren’t speaking up – baka daw masira ang career.

“Break the stygma. Pilipino muna tayong lahat before anything else.”

Continue reading below ↓

Si Arnell, na isang masugid na supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay itinalaga bilang assistant vice president sa PAGCOR at bilang deputy executive director sa OWWA.

Sa kasalukuyan ay wala siyang posisyon sa gobyerno.

Bago ito, nakilalang host si Arnell ng mga programang GoBingo, K! The 1 Million Videoke Challege, at Katok Mga Misis.

HOT STORIES

MORE CELEBS LAUD JENNYLYN

Laman ng balita si Jennylyn nitong mga nakalipas na buwan dahil sa paghahayag niya ng saloobin tungkol sa political issues.

Hindi siya nangiming suportahan ang ABS-CBN hinggil sa franchise renewal issue nito. Nakiisa rin siya sa Kapamilya stars sa pagpapahayag ng saloobin laban sa ilang government officials.

Hindi rin inuurungan ni Jennylyn ang matinding pamba-bash sa kanya ng netizens na halatang kampi sa gobyerno.

Bagamat matapang ang sagot ni Jennylyn, madiplomasya pa rin ang kanyang tono.

Dahil sa kanyang paninindigan, umaani ng papuri ang Kapuso actress mula sa mga kasamahan sa industriya.

Continue reading below ↓

Kabilang na rito ang Megastar na si Sharon Cuneta, director Dan Villegas, ang actor/poet/writer na si Juan Miguel Severo, at ang aktor na si Jerald Napoles.

Noong July 17, pinuri nina Dan, Juan Miguel, at Jerald si Jennylyn dahil sa pahayag nitong hindi siya natatakot magsalita tungkol sa isyu ng ABS-CBN dahil naniniwala ang aktres na ito ang tama.

Ito ay sa kabila ng banta ng ibang netizens na ibu-boycott ang aktres dahil sa pagiging vocal nito.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Noong July 18, isang Instagram post ang inalay ni Sharon kay Jennylyn dahil sa pakikisimpatya ng Kapuso actress sa pagdadalamhati ng mga Kapamilya.

Bahagi ng mensahe ni Sharon: “Thank you Ms. Jennylyn Mercado. Good for you and other Kapuso, sympathize with our sadness and mourning for our family.

“In this industry, we only have one family and heart.

“Thank you for your solidarity with us. I hope everyone is like you and other Kapuso that feels sad and involves us.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso personalities Lyn Ching (center) and Mikoy Morales (far right) come to Jennylyn Mercado's (left) defense after Arnell Ignacio told the actress not to comment on things political and stick to acting.
PHOTO/S: @mercadojenny and @mikoymorales on Instagram / Facebook (Lyn Ching)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results