Rufa Mae Quinto & Trevor Magallanes: From LDR to love lockdown in the U.S.

by Rachelle Siazon
Aug 4, 2020
Actress Rufa Mae Quinto on her life in San Mateo, California during COVID-19 pandemic: "Miss na miss ko na Philippines. Puwede ko naman pilitin na umuwi. Pero yung mga ganung bagay, huhulihin mo rin. Siyempre kapakanan ng asawa ata anak mo ang iisipin mo."
PHOTO/S: @rufamaequinto Instagram

Mula sa dati rati'y long-distance relationship (LDR), nauwi sa love lockdown sa U.S. ang mag-asawang Rufa Mae Quinto at Trevor Magallanes.

Noong pang October 2019 namalagi si Rufa Mae sa San Francisco, California, para simulang mag-apply ng kanyang U.S. citizenship.

Doon ipinanganak at lumaki ang asawa niyang si Trevor.

Pero hindi raw akalain ni Rufa Mae na matatagalan bago siya makabalik sa Pilipinas, kunsaan plano pa rin niyang ipagpatuloy ang kanyang trabaho.

"Siyempre yung asawa ko nandito, nandito career niya, bahay ko rin nandito.

"Pero hindi ko planong walang uuwi ng Pilipinas. Kasi ang career ko nasa Philippines," lahad ni Rufa Mae.

"So yun ang ganap. Fifty-fifty diyan sa Manila tsaka dito sa U.S.

"Kaya lang, sa nangyari nga, walang choice, e. Ang daming quarantine. Ang daming kung anu-ano bago makabalik."

Nagpaunlak si Rufa Mae ng eksklusibong panayam sa PEP.ph noong Lunes, August 3 (Philippine time).

Kuwento niya, nakauwi pa siya sa Pilipinas kasama ng kanyang anak na si Athena noong January. Two weeks lang sila nanatili sa bansa bago bumalik ulit ng U.S.

Continue reading below ↓

Nang mga sumunod na buwan, mula March hanggang June, ipinatupad din sa California ang "shelter in place" o stay-at-home protocol dahil sa COVID-19 pandemic.

Aminado ang aktres na nanibago siya noong unang lockdown sa U.S.

Kuwento ni Rufa Mae: "Masyadong nakakapraning yung una.

"Nakakatakot dahil talagang parang ghost town. Nawala yung mga tao. Puro essential lang ang bukas, shelter in place...

"Siyempre nahirapan ka. Hindi mo alam gagawin mo. Para kang tanga, nagpa-panic ka din.

"Lalo na, may anak ka pa na hindi naman nakakaintindi pa. Kaka-three lang ni Athena."

Sakto namang nakalipat na sila sa sarili nilang bahay sa San Mateo, California noong February 7.

Sabi ni Rufa Mae: "Oo, meron na. Dati kasi busy siya, e. Kaya di kami makahanap ng bahay.

"Pagkatapos namin magkaroon ng sariling bahay at kuwarto ng anak ko, biglang nag-lockdown.

"Kaya di kami hirap, kasi may puwestuhan."

LOVE LOCKDOWN IN CALIFORNIA

Naging daan daw ang lockdown para mapagtibay ang relasyon nila ng asawang si Trevor.

Continue reading below ↓

"Siyempre, ngayon mas nakita namin difference ng long distance sa near distance! Charot! Hahaha!" kuwelang hirit ni Rufa Mae.

Sabay seryosong dugtong niya, "Na-realize namin, 'Ay, kumpleto ang bahay.' Hindi kayo empty.

"Marami kayong malalampasan na pagsubok, kahit na nakakatakot, nakakalungkot, nakakabagot, di ba?

"Pero, we're doing okay. Kasi nasu-survive ko naman dito.

"Kaya niya na rin kami buhayin, di ba? So, okay naman kami."

Ang asawa niyang si Trevor ay dating financial analyst bago ito sumailalim sa police training sa San Francisco Police Academy.

Dagdag ni Rufa Mae, "Pero siyempre, marami pa ring nakakanerbiyos, kasi nga hindi naman ako taga-dito."

Halos apat na taon na silang kasal, pero "never-ending" daw ang nadidiskubre nila sa isa't isa.

Ngayong palagi na silang magkasama, mas masusubukan kung paano nila i-handle kung mayroon man silang pagkakaiba ng ugali.

Ayon kay Rufa Mae, "Pag mahal niyo ang isa't isa. Lahat magiging okay din, di ba?

Continue reading below ↓

"Siyempre normal din, nagugulat ka pa din, 'Ba't siya ganun?' Naiinis ka pa rin.

"Minsan may hindi pinagkakasunduan, pero mag-a-agree pa rin at magbabati kasi nga pamilya kami at mahal namin ang isa't isa ng todo."

Na-appreciate raw niya ang pagiging pasensiyoso ni Trevor.

"Pag halimbawa meron akong nagawa na hindi niya nagustuhan, pero after that, iniintindi na lang niya."

Malaking bagay ring likas na masiyahin at komedyante si Rufa Mae kaya raw madaling lampasan kapag may kaunting misunderstanding.

"Siyempre minsan sasagot-sasagot ka din. Pero hindi naman. Never nga. Hindi ako ganung tao. Gusto ko happy lang."

Hindi raw naging big deal ang eight-year age gap nila ni Trevor, na 34 years old na sa November. Si Rufa Mae ay 42 years old.

Ani Rufa Mae sa mature na disposisyon ng asawa, "Hindi. E, kasi independent 'yan, e. American, di ba?"

Simple lang naman daw ang kaligayahan ni Rufa Mae.

Continue reading below ↓

Aniya, "Hindi naman ako kailangan i-please. Huwag ka lang lokohin."

Laking-pasasalamat naman daw niya dahil wala silang selosan issue kahit noong LDR sila.

Tiwala rin naman daw si Trevor sa kanya.

"Hindi siya seloso. Wala naman dahilan din para magselos. Gusto lang niya lagi kami maayos mag-ina."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

TIMING IS EVERYTHING

Simula't sapul ay malaking factor ang perfect timing sa love story nina Rufa Mae at Trevor.

Wala sa plano, pero dumating daw si Trevor sa buhay niya noong panahong ramdam ni Rufa Mae na gusto na niyang lumagay sa tahimik.

Tiyempong nakabakasyon si Rufa Mae sa U.S. noon.

Balik-tanaw ng sexy comedienne: "Bago ko siya na-meet, Pasko tsaka Bagong Taon. Sabi ko, 'Sh*t, ano ba ginagawa ko dito? Puro gastos lang. Wala naman. Ay, naku! Di na ako babalik sa America!"

Inip na rin si Rufa Mae dahil single pa siya sa edad na 37 noon.

Pero aniya, "May napi-feel ako. Yung naririnig mo na yung wedding bells, yung sinasabi nila. Lahat ng sign nararamdaman mo.

"Parang Crash Landing, 'no?! Hahaha!"

Ang tinutukoy ni Rufa Mae ay ang sikat na K-Drama series kunsaan napanaginipan ng bidang babae ang kanyang "The One" bago niya ito personal na makilala.

Continue reading below ↓

Sa loob-loob daw ni Rufa Mae, "Basta, andito ako, makikilala ko na siya."

Tandang-tanda pa raw niya na January 9, 2016 ang scheduled departure niya pabalik ng Pilipinas.

Patuloy ni Rufa Mae: "Tapos, ang ending, bago ako umalis, nakilala ko siya.

"Pinakilala lang siya sa akin. Nag-Facetime kami, ta's parang di ko pinansin.

"Minsan nag-text siya. Sabi niya, siya nga daw yung ganito, ganun. Nung nagyaya siya na magkita, umoo lang ako, 'Sige, dinner."

Continue reading below ↓

"WALANG PALIGOY-LIGOY"

Instant attraction ang naramdaman nila Rufa Mae at Trevor sa isa't isa.

Paglalarawan ni Rufa Mae sa first impression niya kay Trevor, "Oo, kasi guwapo, e, macho, matangkad, matalino, malakas..."

Bukas naman daw si Trevor sa pagsasabing si Rufa Mae ang long-time celebrush nito.

Dugtong ng aktres, "Walang paligoy-ligoy, e. Sincere lang. Basta naramdaman niyo na lang.

"Tsaka panahon na, 37 na ako nun, e.

"Kasi kami, na-engage na kami agad, di ba?

"Tsaka magmula nang mag-date kami, naging kami na. Hindi na kami nagkahiwalay."

Ilang araw pa lang sila personal na nagkakilala, pero hindi na raw siya pinakawalan ni Trevor.

"Sabi naman niya, okay lang daw. Kahit long-distance relationship, maghihintay siya.

"Kaya may pasensiya din siya. Tsaka, alam mo yun, hindi ka lang binabastos."

Nagswak kayo agad?

Kilig na sagot ni Rufa Mae, "Todo talaga! Sobrang galing nga ng destiny.

"Dumating na ako sa point na ayoko na iplano yung sarili ko, para sa career, sa lahat. Kasi, di ba, producer din ako? Tuluy-tuloy. Ayoko na.

Continue reading below ↓

"Gusto ko yung para sa akin harapin ko. Serendipity nga."

Tila na-postpone ang pag-uwi sana noon ni Rufa Mae sa Pilipinas.

February 5, 2016 nang inanunsiyo ni Rufa Mae na engaged na sila ni Trevor.

Nasa San Francisco pa siya nang ipakita niya sa Instagram ang celebratory dinner kasama ng ilang mga malapit na kapamilya at kaibigan nila ng kanyang fiancé.

Makalipas ang siyam na buwan, noong November 25, 2016, ikinasal sila sa isang civil at Christian wedding ceremony sa The Blue Leaf Cosmopolitan sa Libis, Quezon City.

February 17, 2017 naman nang ipanganak ni Rufa Mae ang anak nila ni Trevor na si Athena Alexandria.


Continue reading below ↓

FAMILY FIRST

Bukas si Rufa Mae sa pagsasabing nagsakripisyo silang mag-asawa na LDR noon dahil todo-kayod sila ni Trevor para sa kanilang anak na si Athena.

Kaya nakaganda rin naman ang pananatili muna ni Rufa Mae sa U.S. para sama-sama sila bilang isang pamilya.

Masaya raw si Rufa Mae dahil simple pero meaningful ang pagdiriwang nila ng mahahalagang okasyon—tulad ng third birthday ni Athena noong February 17, at 42nd birthday niya noong May 28.

Bago mag-lockdown ay panay rin ang pasyal nilang pamilya sa iba't ibang lugar sa California.

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan, balik-lockdown daw sa lugar nila sa San Mateo County.

Ani Rufa Mae, "Pati dito, sinarado ulit yung mga mall. Iba-iba kasi bawat county, bawat state. Kami ngayon lang. San Mateo kami."

Dahil naka-adjust na raw siya sa buhay-America, masigla na si Rufa Mae at hindi na "broken-hearted" kahit tigil-trabaho muna siya ngayon.

Abala siya sa pag-update ng kanyang YouTube vlogs, at bukas na rin ulit ang kanyang direct-selling business via @rufamaecloset Instagram.

Higit sa lahat, tutok muna raw siya sa pag-alaga ng kanyang pamilya.

"Natutunan ko na alagaan mo siyempre sarili mo. Dapat okay ka, may me time ka pa rin.

"Pero tanggapin mo na ang buhay mo ngayon ay hindi na kung ano yung kaligayahan ko, kung anong gusto ko gawin.

"Like for example, miss na miss ko na Philippines. Puwede ko naman pilitin na umuwi.

"Pero yung mga ganung bagay, huhulihin mo rin. Siyempre kapakanan ng asawa ata anak mo ang iisipin mo."

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Rufa Mae Quinto on her life in San Mateo, California during COVID-19 pandemic: "Miss na miss ko na Philippines. Puwede ko naman pilitin na umuwi. Pero yung mga ganung bagay, huhulihin mo rin. Siyempre kapakanan ng asawa ata anak mo ang iisipin mo."
PHOTO/S: @rufamaequinto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results