Alessandra de Rossi displeased with critic who took a swipe at her “very rich” sister Assunta

by Bernie V. Franco
Aug 4, 2020
Assunta de Rossi tweeted that she includes her household staff when she undergoes swab testing. A netizen dismissed that, saying Assunta was just "very rich." Alessandra de Rossi, defending her sister, said, “Don’t rich, rich. It’s malasakit. You get what you give.”
PHOTO/S: @msderossi on Instagram

Ipinagtanggol ni Alessandra de Rossi, 36, ang nakatatandang kapatid na si Assunta de Rossi, 37, sa patutsad ng isang kritiko sa yaman nito.

Nagsimula ito sa makahulugang tweet ni Assunta noong August 1, Sabado.

Mensahe niya: “We get swab-tested every 3 weeks. ALL, including the drivers, the helpers, he secretaries/Pas [personal assistants].

“We do not take chances. And that… is ‘pagbutihin’. Tenx!”

Continue reading below ↓

Tila patama ang tweet ni Assunta sa kontrobersiyal na pahayag ni Senator Cynthia Villar tungkol sa medical frontliners.

Sa isang radio interview noong August 1, Sabado, tinanong ang senadora kung ano ang masasabi niya sa panawagan ng medical community na ibalik muna sa enhanced community quarantine ang Metro Manila.

Ito ay para raw makahinga sila kahit saglit sa sobrang pagod dahil sa patuloy na pagdagsa ng COVID-19 patients, at nang makapagplano nang mabuti ang gobyerno sa laban nito sa pandemic.

Sagot ni Senator Villar: “Hindi na siguro, oo, pagbutihin nila trabaho nila, oo. Hindi pwedeng isara ang ekonomiya kasi kung hindi naman mamatay sa COVID, mamatay naman ng gutom ang mga tao.”

Kinabukasan, binawi ito ng senadora, at nagpalusot na ang pahayag niya ay patukoy sa government officials at sa Department of Health.

"YOUR SISTER IS VERY RICH"

Nag-react si Alessandra sa tweet ni Assunta na isinasama nito ang kanyang mga kasambahay kapag sumasailalim siya sa swab-testing.

Continue reading below ↓

Pabirong iminungkahi ni Alessandra na mabigyan din ng free-testing ang medical workers.

Tweet ng Through Night And Day actress: “Hospitals! Pls pass till makarating sa kinauukulan.. Chot.”

Sa puntong iyon ay sumingit ang netizen na si “Greg” at sinagot si Alessandra.

Patama nito: “your sister is very rich. what can I say?!”

Continue reading below ↓

Asawa ni Assunta ang landed na negosyante at former Negros Occidental Representative na si Julio “Jules” Ledesma IV.

Sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth na inilabas noong 2016, pumangalawa sa pinakamayamang kongresista si Jules, na may net worth na P1B net noong 2015.

Ang nangunguna sa kanya ay si dating Sarangani Representative at ngayon ay Senator Manny Pacquiao, na may P3B net worth noong 2015.

Continue reading below ↓

Sinagot ni Alessandra ang netizen.

Tweet ng aktres (published as is): “Walang kinalaman ang rich dito. For the medical frontliners man lang sana. Sa hospitals.

“Eh ang dinig ko nasayo na lahat ng symptoms, di ka pa tinetest. Hospitals are very rich. Say more.”

Dugtong ni Alessandra, “Dapat may batas/budget na para din sa kanila. Para fair.

“Mandatory ba? Or kanya kanya nalang ba ito? Yun lang naman.

“Don’t rich, rich. It’s malasakit. You get what you give.”

Tila ang ibig sabihin ng aktres ay buhay ang itinataya ng medical frontliners.

Continue reading below ↓

Sumagot ang isang netizen, na nagpakilalang healthcare worker sa isang private company.

Ibinahagi nito ang ilan sa hinaing ng healthcare workers ngayong may pandemya.

Anito, “Kanya kanya kami nang bayad sa swab testing. Tapos, pag nag quarantine ka, no work no pay pa.”

Pagsang-ayon naman ni Alessandra, “Yun na nga eh. Tapos kasalanan pa ng rich kay Greg.

“Im with the doctors here. Malasakit. Sana may ganun sa sitwasyon nila.

“Sana may magsabi. Ako na ba to?” may halong biro ni Alessandra.

Continue reading below ↓

Sumagot ang netizen na nagpakilalang frontliner, at biniro si Alessandra na baka siya lang ang hinihintay magsalita ng tungkol sa problema nila.

Pinasalamatan din ng netizen si Assunta sa pag-aalaga sa kanyang mga tauhan.

“Thank you for siding with us, Health Workers. And Kudos @Samledesma for taking care of the people around you," tweet ng netizen-frontliner.

Continue reading below ↓

ALESSANDRA ON VILLAR

Noong Linggo, August 2, ay nagpatutsada rin si Alessandra sa naging pahayag ni Senator Villar.

Sa sobrang pagbubuti raw ng frontliners sa kanilang trabaho ay namamatay na ang iba sa kanila.

Sana na lang daw ay "Kill them with kindness, at least! Lahat nagkakasakit sa pagbubuti nilang mapagaling ang mundo.

"Wag po natin silang bayaan dahil sila rin ay kailangan natin pag tayo na ang magkasakit."

Continue reading below ↓

Noong Linggo ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng kanyang gabinete ng karagdagang benepisyo para sa medical frontliners.

Kabilang na rito ang benepisyo para sa private medical frontliners, gaya ng free at frequent testing, libreng transportasyon, libreng accommodation, cash aid na P10,000-P15,000 sa mga nagpositibo sa virus, at life insurance.

Inaasahan na lamang na maibigay ang mga benepisyong ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Assunta de Rossi tweeted that she includes her household staff when she undergoes swab testing. A netizen dismissed that, saying Assunta was just "very rich." Alessandra de Rossi, defending her sister, said, “Don’t rich, rich. It’s malasakit. You get what you give.”
PHOTO/S: @msderossi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results