Eddie Ilarde, former Student Canteen host and senator, dies at 85

by Jojo Gabinete
Aug 4, 2020
Legendary TV and radio personality Eddie Ilarde passed away Tuesday morning, August 4, at his home in Makati City. He was 85.

Pumanaw nitong Martes ng umaga, August 4, ang dating radio at television personality at senador na si Eddie Ilarde.

Siya ay 85.

Si Ilarde ang isa sa mga haligi ng GMA-7 at kilala ng lahat bilang Kuya Eddie.

Ang reporter na si Manny Vargas ang nagbalita sa DZBB ngayong gabi tungkol sa pamamaalam ni Ilarde. Nagkaroon siya ng pagkakataong makausap ang naulilang pamilya ni Ilarde.

Ayon sa pamilya ni Ilarde, binawian ng buhay ang dating senador bandang 11:40 ng umaga sa tahanan nito sa Makati City.

Nilinaw ng mga kamag-anak ni Ilarde na hindi COVID-19 ang ikinamatay niya, pero ipapa-cremate ang kanyang mga labi.

Nakiusap din ang pamilya ni Ilarde na igalang ang pribadong pagluluksa nila at ipagdasal ang kaluluwa ng nasawi.

Isa si Ilarde sa top radio personalities noong dekada ’50 at ’60.

Ang The Eddie Ilarde Show ang unang television program ni Ilarde sa ABS-CBN mula 1959 hanggang 1962.

Continue reading below ↓

Noong 1963, nagbida si Ilarde sa Dear Eddie, ang pelikula na pinagsamahan nila ni Charito Solis.


Namayagpag nang husto ang TV hosting career ni Ilarde sa Student Canteen, na unang ipinalabas sa ABS-CBN, mula 1958-1965.

Sumikat nang husto ang Student Canteen bilang noontime show nang magbalik ito sa ere, sa pamamagitan ng GMA-7, noong 1975.

Continue reading below ↓

Tumagal ito sa ere hanggang 1986.


Eddie Ilarde (far right) with Student Canteen co-hosts Bobby Ledesma, Coney Reyes, and Helen Vela

Naging host din si Eddie ng game show na Swerte Sa Siyete (1976 to 1986).

Sinubaybayan ng libu-libong Pilipino ang kanyang mga advice program sa radyo at telebisyon na Kahapon Lamang, Dear Kuya Eddie, at Napakasakit Kuya Eddie.

Continue reading below ↓

Ang Napakasakit Kuya Eddie ay naging inspirasyon ng hit song na isinulat at inawit ni Roel Cortez noong 1984.

Sumabak din sa pulitika si Ilarde.

Una, bilang konsehal ng Pasay City noong 1963. Pagkalipas ng dalawang taon, noong 1965, nanalo siyang congressman ng first district ng Rizal.

Noong 1969 ay tumakbo siya sa pagkasenador sa ilalim ng Liberal Party, pero natalo siya.

Muli siyang tumakbo bilang senador noong 1971. Kabilang siya sa mga kandidato ng Liberal Party na na-injure dahil sa pagsabog sa Plaza Miranda sa Maynila, kung saan ginanap ang kanilang political rally.

Si Ilarde at lima pa niyang kapartido ay nanalong senador. Pero hindi natapos ang kanilang termino dahil ipinasara ang Kongreso sa bisa ng martial law na idineklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong September 21, 1972.

Noong 1978 ay nakipag-alyansa si Ilarde kay Marcos. Tumakbo siyang assemblyman ng Metro Manila sa ilalim ng ruling party na Kilusan ng Bagong Lipunan (KBL). Nanalo siya at nagsilbi hanggang 1984.

Continue reading below ↓

Ayon naman kay Orly Trinidad ng DZBB, magdiriwang sana si Ilarde ng 86th birthday sa August 25.

"Hindi ibuburol ang mga labi ni Kuya Eddie,” ani Trinidad.

"Ang programa po ni Kuya Eddie na Kahapon Lamang ay napakikinggan po sa Super Radyo DZBB bago po mangyari ang COVID-19 pandemic noong March 15."

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Legendary TV and radio personality Eddie Ilarde passed away Tuesday morning, August 4, at his home in Makati City. He was 85.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results