Jake Cuenca tells troll: “You should put your energy into helping other people instead.”

Aug 5, 2020
Kapamilya actor Jake Cuenca tells a "troll" that celebrities like him use their cash savings "to help our frontliners, Kapamilyas, and other Filipinos who are in need."
PHOTO/S: @juancarloscuenca on Instagram

Sa halip na mag-trolling, tumulong na lang sa maraming nangangailangan ngayong may pandemic.

Ito ang payo ng actor-model na si Jake Cuenca sa isang Twitter user, na tinawag niyang Internet troll.

Nitong August 1, sinabihan ng netizen ang 32-year-old Kapamilya actor na hindi raw ramdam ng mga tulad niyang celebrity ang paghihikahos ngayon ng maraming Pilipino.

Ito ay dahil “may mga ipon kayong mga artista.”

Pagkumpirma naman ni Jake, totoong may ipon ang mga celebrity na tulad niya.

Pero paliwanag ng aktor, ginagamit ng karamihan ng artista ang kanilang “savings” para abutan ng tulong ang healthcare "frontliners, Kapamilyas and other Filipinos who are need.”

Kalakip ng tweet ni Jake ang mga litrato ng medical frontliners at grupo ng security guard na tumanggap ng food packs galing sa aktor.

Sa huli, may payo si Jake sa Twitter user: “Rather than trolling maybe you should put your energy into helping other people instead.”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Hindi na nag-reply ang netizen kay Jake.

JAKE GETS TROLLED AFTER COMMENTING AGAINST VILLAR

Ang tweet ng netizen ay reply nito sa comment ni Jake sa pagkontra ni Senator Cynthia Villar (Nacionalista Party) sa apela ng healthcare workers na magpatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila sa loob ng 15 araw.

Ang dalawang-linggong ECQ, ayon sa medical community, ay magsisilbing “time out” para sa healthcare system at upang maisaayos ng gobyerno ang pandemic-control strategies nito.

Sa quote card ni Villar na ibinahagi ni Jake, nangatwiran ang senadora: “Hindi na siguro, pagbutihin nila trabaho nila.

“Hindi na pwedeng isara ang ekonomiya kasi kung di naman mamamatay sa COVID, mamamatay naman sa gutom ang tao,” ani Villar.

Alinsunod sa ECQ guidelines, isasara ang mga negosyong hindi nag-aalok ng essential services upang tuluyang malimitahan ang pagkilos ng mga tao sa labas ng bahay.

Comment ni Jake sa quote card ni Villar (published as is): “Maam wag natin baliwalain ang trabahong ginagawa ng mga health care workers natin, sila nga ang nag bubuwis buhay para satin lahat ngayon pandemia. Dapat silang pasalamatan.”

Continue reading below ↓

BACK TO MECQ

Nauna nang inulan ng batikos si Villar dahil sa sinambit niyang “pagbutihin nila trabaho nila.”

Naintindihan kaagad ng publiko na ang healthcare workers ang sinasabihan ng senadora na “pagbutihin” ang pagtatrabaho.

Napantastikuhan ang marami na nakukulangan pa pala si Villar sa pagsasakripisyo at pagbubuwis ng buhay ng medical professionals sa nakalipas na apat na buwan ng pandemic.

Continue reading below ↓

Gayunman, makalipas ang isang araw, August 2, nilinaw ni Villar na ang gobyerno raw—partikular ang Department of Health (DOH)—ang sinabihan niyang ayusin ang pagtatrabaho. Hindi raw ang health workers.

Nitong Linggo ng gabi, August 2, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagpapatupad ng modified ECQ, o MECQ, sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Nagsimula ito noong August 4, at tatagal hanggang August 18.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actor Jake Cuenca tells a "troll" that celebrities like him use their cash savings "to help our frontliners, Kapamilyas, and other Filipinos who are in need."
PHOTO/S: @juancarloscuenca on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results