Anthony Taberna documents last day with Gerry Baja on DZMM

by Arniel C. Serato
Aug 5, 2020
After 17 years, Anthony Taberna (rightmost) and Gerry Baja's (2nd from right) Dos Por Dos program on DZMM goes off air. Prior to their final broadcast, the veteran radio commentators reminisce their entry to the station in 1997 and 1994, respectively. Shown here are Anthony's (leftmost) and Gerry's (2nd from left) old pictures displayed on the lobby of ABS-CBN.
PHOTO/S: Courtesy: Tune In Kay Tunying YouTube Channel

Masakit para sa mga beteranong radio broadcasters at commentators na sina Anthony Taberna at Gerry Baja ang pamamaalam nila sa DZMM.

Ang pamamaalam nila ay kaugnay ng pagsasara ng radio at TV stations ng ABS-CBN matapos patayin sa Kongreso ang franchise application ng network.

Kabilang din sina Anthony at Gerry sa libu-libong empleyado at talents na nakasama sa malawakang retrenchment na isinagawa ng network.

Pero hanggang sa huling broadcast ng kanilang sikat at sinubaybayang programa na Dos Por Dos noong July 31, nagpakita ng katatagan sina Anthony at Gerry.

Banggit ni Anthony sa last live broadcast nila, “Kami po ay nagpapaalam na sa tunay na kahulugan.”

Sambit naman ni Gerry, “Ang Dos Por Dos po ay titigil na sa pagsasahimpapawid. Dos Por Dos is signing off.”

Ang commentary program nila, na nagsimulang sumahimpapawid noong 2003, ay tumagal sa ere ng labimpitong taon at tatlong buwan.

Continue reading below ↓

Sa kanyang Instagram post noong Linggo, August 2, isang emosyunal na mensahe ang ibinahagi ni Anthony.

Sinimulan niya ito sa paggamit ng ilang linya mula sa kanta ni Joey Albert na "Ikaw Lang ang Mamahalin."

Nakasaad dito: “Sa bawat pag-ikot ng ating buhay

“May oras kailangan na maghiwalay.

“Puso'y lumaban man walang magagawa... Napakanta ka ba?

“Pero seriously, lahat ng simula ay meron talagang katapusan.

"Totoo na ito, goodbye ABSCBN na.”

Mahirap man daw, pero kailangang tanggaping mamamaalam na sila.

Pahayag ni Anthony, “Hindi man namin gusto, mahirap mang tanggapin pero ito na ang HULING HAMBALOS NG DOSPORDOS SA DOS!

"Samahan kami ni Kumbacherong Gerry Baja sa mga huling minuto ng aming mahigit dalawang Dekada sa ABSCBN."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

HULING HAMBALOS

Sa kanyang YouTube account noong August 2, ipinasilip ni Anthony ang “huling hambalos” nila ni Gerry sa kanilang programa.

Sa 22-minutong vlog, inilibot ni Anthony ang kanyang subscribers sa loob ng DZMM.

Huli raw siyang nagpunta sa DZMM booth noon pang May 5, ang araw na ipinasara ang ABS-CBN matapos maghain ng cease and desist order (CDO) ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa network.

Continue reading below ↓

Napaso ang legislative franchise ng broadcast giant noong May 4, 2020.

Ipinakita rin ni Anthony ang production room, ang kanilang technical room, at ang monitoring room kung saan minu-monitor nila ang iba’t ibang programa ng kalabang mga istasyon.

Naunang dumating si Gerry sa studio.

Continue reading below ↓

Bago pa man sila umere, nagkuwentuhan muna ang dalawa at binalikan ang pagsisimula nila sa DZMM.

Si Anthony ay nagsimula noong March 1997, kaya twenty-three years siyang naging bahagi ng DZMM.

Continue reading below ↓

Si Gerry naman ay 25 taong nagtrabaho sa DZMM.

Nagsimula siya bilang news writer noong October 1994, ngunit pagkatapos ng ilang linggo, isinabak na agad siya bilang reporter.

THE LAST DAY

Tinanong ni Anthony si Gerry kung ano ang mami-miss nito sa kanilang programa.

Continue reading below ↓

Tugon ni Gerry, “Unang-una, yung mga staff, ang mga kasamahan natin dito.

“Ang Dos Por Dos naman ay wala kung wala itong mga men and women behind Dos Por Dos.”

Dagdag pang tanong ni Anthony, "Ano ang naramdaman mo nung sinabihan ka na last day na natin ngayon?"

Sagot ni Gerry, “Last day na ba talaga natin ngayon?

“Parang hindi pa nagsi-sink in sa akin, e.”

Continue reading below ↓

Sinang-ayunan ito ni Anthony: “Yun, totoo.”

Sabi naman ni Gerry, “Nung makita ko yung studio, e, parang ngayon lang ulit ako nagsisimula na magprograma sa loob ng studio sa palatuntunang Dos Por Dos.”

Ano ang mensahe niya sa mga tagasuporta nila?

Saad ni Gerry, “Siguro ang gusto ko lang pasalamatan ang lahat ng ating mga kababayan—sa Luzon, Visayas, at Mindanao, at maging sa abroadna simula’t simula ay hindi kami iniwan ni Kumbachero, at patuloy na sumusuporta at nakikinig at naniniwala sa bawat sabihin natin dito sa DZMM.”

GING REYES: “IT'S PAINFUL THAT WE HAVE TO PART WAYS"

Pagkatapos nilang mamaalam sa ere, dumating sa studio si Ging Reyes, head ng News and Current Affairs ng ABS-CBN at DZMM.

Sa kanyang pagbisita kina Anthony at Gerry, nagpasalamat si Ging sa serbisyo ng dalawang beteranong komentarista.

Continue reading below ↓

Saad ni Ging, “You’ve spent more than two decades together. We appreciate your contributions, of course.

“It’s painful that we have to part ways, in this manner. Thank you for your understanding."

Naniniwala naman daw ang pinuno ng bulwagang pambalitaan ng ABS-CBN na may kakanlong sa dalawa mula sa kanilang paglisan sa Kapamilya network.

Papuri pa ni Ging, “E, sa galing naman ninyong 'yan, I am sure that pag-aagawan sa media industry.

“I’m sure, I will see you again, see you again, see you again in some, in other form, in another platform, maybe.

“Good luck, good luck sa inyong dalawa.”

Continue reading below ↓

Sa sulat ng management na binasa nina Anthony at Gerry sa programa, kakulangan sa pondo o “financial constraints” ang dahilan kung bakit kailangan na silang pakawalan ng kumpanya.

Bahagi ng talatang binasa ni Anthony mula sa memo: "There are circumstances that are beyond our control."

Ang tinutukoy rito ay ang pagbasura ng Kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN noong July 10.

Sa ngayon, plano raw ni Gerry na pagtuunan muna ng pansin ang kanyang farm.

Si Anthony naman ay may mga restaurants na pag-aari.

Continue reading below ↓

Bukod sa dalawa, nauna nang nagpaalam sa kani-kanilang mga posisyon at programa sina Ces Drilon at Korina Sanchez.

Ang pinakahuling balita, halos limang libong talents at empleyado na ang na-retrench sa ABS-CBN.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After 17 years, Anthony Taberna (rightmost) and Gerry Baja's (2nd from right) Dos Por Dos program on DZMM goes off air. Prior to their final broadcast, the veteran radio commentators reminisce their entry to the station in 1997 and 1994, respectively. Shown here are Anthony's (leftmost) and Gerry's (2nd from left) old pictures displayed on the lobby of ABS-CBN.
PHOTO/S: Courtesy: Tune In Kay Tunying YouTube Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results