Jake Zyrus on ignoring negativity and bashing on social media: “It’s easier said than done.”

by Bernie V. Franco
Aug 5, 2020
Jake Zyrus: “Parang kelangan… kasi public figure ka, kailangan perfect lagi yung nakikita nila."
PHOTO/S: YouTube (Jake Zyrus)

Nagpakatotoo si Jake Zyrus at inaming naaapektuhan pa rin siya kapag nakakabasa ng pamba-bash sa social media.

Karaniwang maririnig sa mga artista na hindi na lang nila iniintindi ang mga batikos sa kanila online.

Sa parte ni Jake, kahit gusto niyang iwasan ang mga ito, makakatisod at makakatisod pa rin siya ng pamumuna ng netizens.

“Siyempre, kahit na gusto ko mang iwasan yung mga bad comments, no matter what, may nakikita ako," sabi ng international singer.

“No matter what, siyempre napi-feel ko. I still get affected by it.

"It’s easier said than done, especially when people say, ‘Oh, just ignore them.’

“Of course, siyempre, no matter what, you’ll feel, e.

“Kahit din ang ibang viewers natin, let’s say someone bullied them, di ba, yung defense nila… for sure nasasaktan din sila.”

Sabi pa ni Jake, sa kabila ng maraming papuri sa kanya ng netizens, may tama pa rin kapag binabatikos siya.

Continue reading below ↓

“So that’s the thing, I read positive comments, of course, it makes you feel good.

“No matter what, may nababasa akong negative, naaapektuhan pa rin ako.

“Because, as much as possible, sino bang hindi gusto na magpasaya lang ng tao?”

Nagkuwento si Jake sa Facebook Live interview sa kanya ng Monster Radio RX 93.1 FM ngayong Miyerkules, August 5.

HOT STORIES

DEALING WITH TOXIC COMMENTS ONLINE

Nabanggit din sa interview ang pagiging advocate ni Jake ng mental health, dahil siya mismo ay dumaan noon sa depression.

Inamin ni Jake ang pagkakaroon ng depression noong May 2018.

Paano niya hinaharap ang bashing na tila hindi nawawala sa social media?

“Sa totoo lang, ito yung pinakamahirap na part,” sagot niya.

“When I read negative comments and nasasaktan ako, I think sa akin, ha, based on my experience, mas niraramdam ko yung pain.”

Katwiran ng singer, mas malalim ang epekto sa kanya kapag pinipilit niyang balewalain ang kritisismo.

Continue reading below ↓

“Because the more na iniiwasan ko yung effect na ginawa sa akin, parang the more na nag-i-stay siya sa mind ko.

"The more na hindi ako makatulog, the more na iniisip ko siya, the more na nagwo-worry ako, the more na nagpa-panic ako.”

Hindi raw tinatakasan ni Jake ang lungkot na nararamdaman, bagkus ay hinaharap niya ito.

“For me, nagwo-work siya. For example, I see a comment na magti-trigger sa akin, what I do is I just spend some time alone.

“And kung malungkot ako, malungkot ako. I go through it.

“I try not to fake my feelings na, ‘No, I’m strong.’”

Mas nakabubuti raw sa kanya kung haharapin ang bigat na nararamdaman.

Paliwanag ni Jake, “I’m gonna get through this. The thing is, mangyayari siya after you feel the pain, after you get through the pain.

“Before you end up being strong, you have to fall down first.

“Ang sa akin is, when someone hurts you really badly, whether sa comment ‘yan emotionally, especially yun… just get through it.

Continue reading below ↓

“Masaktan ka, masaktan ka… it’s okay.

“In my case, I get depressed, sa isip ko, malulungkot ako, masasaktan ako…

“Because I know, right after this, siya yung bubuo ng strength mo.”

Ano ang maipapayo ni Jake sa mga taong may kinakaharap na pagsubok pagdating sa mental health?

Saad niya, “When you get hurt, when you see something that will trigger you, hayaan mo siya.

“Hayaan mong saktan ka. It’s not being manhid or wala kang paki, o nagiging martir ka…

“Because tao lang tayo, masasaktan at masasaktan tayo, kahit anong aspeto ‘yan sa buhay—pag-ibig man ‘yan, sa family man ‘yan, sa buhay man ‘yanno matter, masasaktan tayo.

“Based on my experience, I had to give up before I realized na ayokong mag-give up.

“You have to experience pain before I can finally say I’m strong enough to get through the next pain.”

JAKE: "bilang tao, pare-pareho tayo."

Nabanggit din ni Jake ang importanteng naibahagi niya sa kanyang award-winning life documentary na pinamagatang Jake and Charice.

Continue reading below ↓

Ang dokumentaryo ay ipinrodyus noong November 2019 ng NHK, ang national broadcasting organization ng Japan.

Nito lamang Hunyo, inanunsiyo ni Jake na napanalunan ng dokumentaryo ang Gold Camera Award, sa kategoryang Documentary: Social Issues, sa United States International Film and Video Festival.

Sa documentary ay tinalakay ang hirap na nararanasan ng isang public figure kagaya niya.

“Minsan ang hirap ipakita yung weakness mo sa tao.

“You’re supposed to look strong, you’re supposed to look happy.

“Parang kelangan… kasi public figure ka, kailangan perfect lagi yung nakikita nila.

“I’m really scared to show my weakness to other people. Baka masabihan ka, ‘Ha? Get over it!’”

Naikuwento rin ni Jake sa dokumentaryo ang naranasan niyang depresyon at bullying na hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin.

“Hindi pa rin tumitigil, andiyan pa rin ‘yan,” pagkumpirma niya.

Isa raw ito sa mga paksang nais matalakay ni Jake sa pagdating sa public figures.

“Kahit public figure tayo, we’re still human, we’re still the same.

Continue reading below ↓

“Ang sinasabi ko nga, ang pinagkaiba lang natin, yung labels nga natin, yung pangalan ng trabaho natin.

“Pero bilang tao, pare-pareho tayo.

“So, gusto kong sinasabi sa kanila na whatever it is na nararamdaman nila sa personal lives nila, I get through it as well, we get through it as well.

“Nararanasan din namin.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Zyrus: “Parang kelangan… kasi public figure ka, kailangan perfect lagi yung nakikita nila."
PHOTO/S: YouTube (Jake Zyrus)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results