Hashtag Nikko Natividad bashed for commenting about corrupt PhilHealth officials

by Arniel C. Serato
Aug 5, 2020
Hashtags member Nikko Natividad taunts his bashers on Instagram over his two posts about the PhilHealth fund fraud.
PHOTO/S: Instagram

Pinatulan ng Hashtags member na si Nikko Natividad ang ilang netizens na nagkomento tungkol sa kanyang Instagram posts na tumutuligsa sa ilang opisyales ng gobyerno.

Sa kanyang post noong Miyerkules, August 5, sarkastikong sinabi ni Nikko:

“Gusto ko ipagsigawan sa mundo na napaka corrupt ng bansang sinilangan ko. im so proud promise walang halong joke.

“Partida epidemya pa yan. Pano kung ordinary day lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-ugat ang post ni Nikko sa lumabas sa imbestigasyon ng Senate Committee on the Whole sa mga katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ang PhilHealth ang nangangalaga sa mga kontribusyon ng mga kasapi nito—mga empleyado, kasambahay, OFWs, at iba pa—sakaling sila ay magpagamot o maospital.

Ayon sa isang dating opisyal ng ahensiya, halos P15 billion daw ang winaldas at ninakaw ng ilang opisyales ng PhilHealth.

Iniimbestigahan na rin daw ito ngayon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Isang netizen ang sa halip na magalit sa corrupt government officials ay si Nikko pa ang pinagsabihan.

"Sumablay" raw si Nikko sa kanyang komento, at ipinagtanggol si Pangulong Duterte dahil daw "kahit papano may nabago siya sa bansa natin."

Sabi pa ng nagkomento, "Wala tayong idea kung gano kahirap maging presidente ng bansa especially ng pinas. Kung gusto natin ng pagbabago pwede natin simulan sa sarili natin.

"Hindi porket napasara ang company niyo mabubura na ung magaganda niyang nagawa. Sana magkaron ka ng idea pano maging presidente ng bansa habang kinakain tayo ng pandemya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Stay safe sir. #DontHateJustAppreciate"

Ipinagtaka ito ni Nikko dahil sa halip na magalit sa corrupt officials ay sa kanya pa nagalit ang netizen.

Kaya tanong ni Nikko: “sumablay ako saan? Hahaha taena mo puro kasi bold pinapanood mo.”

Sabi pa ng Hashtags member, “Saken pa galit yung mga tao. Kesa sa mga nagnakaw na opisyales.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami pa sa mga nagkomento ang nagtanggol kay Pangulong Duterte, kahit wala namang banggit dito si Nikko.

Kaya buwelta ni Nikko, “Sinabe ko bang presidente tinutukoy ko? Kung updated kayo sa ngyayare sa bansa dapat alam nyo to.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“AYOKO NA PALA MAG-ARTISTA”

Sa isa pang Instagram post ni Nikko, ibinahagi niya ang screenshot ng report ng CNN Philippines tungkol sa katiwalian sa PhilHealth.

Sabi niya sa caption, “Ayoko na pala mag artista mabagal pera.Mag aply nalang akong opisyales sa philhealth sure maabot ko lahat ng pangarap ko.”

Isa na namang Duterte supporter ang nagkomento na binara niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ng basher: “Wag epal Sa Pag aartista nga hindi k pa nakikitaan ng ka galingan Sa pagiging OPISYAles p Kaya.

"Check mu kung Sinuh nag appoint Sa mga involve n Tao. Wag kuda ng kuda hindi k nmn pure n gay..... atsing”

Pang-aasar ni Nikko, “ayiee finafollow nya ako. Nasasarapan sya saken ayiee.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base sa mga komento ng netizens, na karamihan ay Diehard Duterte Supporters o DDS, lumalabas na ayaw nilang pinupuna ang sinuman sa gobyerno.

Pinag-usapan din si Nikko noong unang linggo ng Mayo dahil sa pagtatanggol niya sa ABS-CBN shutdown mula sa bashers.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hashtags member Nikko Natividad taunts his bashers on Instagram over his two posts about the PhilHealth fund fraud.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results