Kim Chiu to healthcare workers: “Wag sana kayong panghinaan ng loob.”

Aug 6, 2020
Kim Chiu prays for health frontliners' safety: “Please Guide our modern day HEROES. Wag sana kayong panghinaan ng loob. Lalo na sa nangyayari ngayon." The group Filipino Nurses United makes the call to President Duterte: "Keep us alive, so we can save lives."
PHOTO/S: @chinitaprincess on Instagram, Jerome Ascano

“Wag sana kayong panghinaan ng loob.”

Ito ang pakiusap ng aktres na si Kim Chiu sa mga healthcare workers na kasalukuyang dumadaing na sa hirap.

Patuloy kasi sa paglobo ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa ngayon ay may kabuuang 115,980 na ang tinamaan ng virus sa Pilipinas, batay sa latest data ng Department of Health (DOH).

Sa bilang na ito, 66,270 ang gumaling, habang 2,123 ang namatay.

Sa graph na ipinost ni Kim, 30, sa Instagram Stories nitong Miyerkules ng hapon, August 5, makikita ang daily updates ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Galing ang graph sa Google COVID-19 updates sa sitwasyon ng pandemic sa Pilipinas. Saklaw ng graph ang mga buwan ng April, May, June, at July.

Makikitang halos hindi nagbabago ang graph lines sa mga buwan ng April at May. Bahagyang umangat ang graph lines pagpasok ng June. Pero biglang tumaas pagsapit ng July.

Continue reading below ↓

Consistent ang pagtaas ng graph lines ng July, hanggang bigla itong humirit paitaas noong July 28.

Sa huling araw ng July, nakapagtala ang Pilipinas ng 3,980 bagong kaso ng COVID-19, base sa graph na ibinahagi ni Kim.

KIM PRAYS FOR “MODERN DAY HEROES”

Sa caption, sinabi ni Kim na nang simulang ipatupad ang enforced quarantine sa bansa noong March, marami ang umasang wala nang pandemic pagsapit ng July o August.

Post ni Kim (published as is): “…mapapa silip ka parin dito. last march sabi natin cguro by july august tapos nato. But look at that graph mas tumaas pa LALO. [pensive face emoji]”

Dahil dito, nag-aalala si Kim para sa kaligtasan ng healthcare workers, na tinawag niyang “modern day HEROES.”

Dasal ng aktres na sana ay manatiling matatag at malusog ang medical frontliners. Maglilimang buwan na kasi silang nagbubuwis ng kaligtasan at buhay para sa laban sa COVID-19.

Saad sa post ni Kim: “Please Guide our modern day HEROES. [praying hands, white heart emojis]

Continue reading below ↓

“Wag sana kayong panghinaan ng loob. Lalo na sa nangyayari ngayon. [pensive face emoji]”

MEDICAL FRONTLINERS APPEAL TO PRESIDENT

Sa ngayon, record-high ang naitatalang bagong COVID-19 cases sa nakalipas na mga araw. At nitong pagbukas ng August, hindi na nakatiis ang matagal nang nananahimik na health sector.

Continue reading below ↓

Nag-virtual presscon at nag-open letter ang sektor kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagbabala ang Healthcare Professions Alliance against COVID-19 na delikado nang mag-collapse ang health system ng bansa.

Binanggit nila kay Duterte ang mga pangunahing problema ng health sector: wala nang hospital beds, kapos ang manpower dahil libu-libong health workers na ang nagkakasakit, at bigo ang contact tracing at quarantine process.

Umapela ang healthcare workers sa Pangulo na magpatupad ng dalawang-linggong ECQ sa Metro Manila.

Magsisilbi raw itong “time out” para sa healthcare system at para maisaayos ng gobyerno ang pandemic-control strategies nito.

THE PRESIDENT'S RESPONSE

Bilang tugon, kinagalitan at nagmura ang Pangulo.

“I don’t give a f*ck if you gather 1,000 or 2,000,” patutsada ni Duterte sa health workers sa kanyang televised speech nitong August 2.

“You should do the soul-searching, not us. Kayo, makatulong sana. Wala kayong ginagawa kundi magreklamo.”

Ginawa pa raw nila itong pampubliko imbes na dumiretso sa kanya.

Continue reading below ↓

Ang dating sa Pangulo, pinupulaan ng health workers ang COVID-19 response ng kanyang gobyerno.

Hinamon pa ng Pangulong ituloy nila ang "revolution" laban sa kanya nang makita nila kung paano siya mag-"counter revolution."

Ngunit nang araw din na iyon, August 2, iniutos din ni Duterte ang implementasyon ng modified ECQ o MECQ.

Epektibo ito sa August 4-18 sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna.

Ayon sa DOH, gagamitin nito ang dalawang linggong MECQ sa pagbuo ng “recalibrated” response sa pandemic, katuwang ang Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Diseases.

Sa panig ng health workers, hindi rin daw ipinatupad ang talagang proposals nila para sa ECQ, pero umaasa silang matugunan ng gobyerno ang kanilang mga kahilingan.

HEALTH WORKERS APPEALING SINCE FEBRUARY

Hindi daw nagkulang sa pag-apela ang health sector sa gobyerno ni Pangulong Duterte.

February pa nang iparating ng medical frontliners kay Health Secretary Francisco Duque III ang mga problema, ayon
kay Maristela Abenojar, presidente ng Filipino Nurses United (FNU).

Continue reading below ↓

Iyon daw ang mga panahong naghahanda ang mga ospital sa inaasahang pagdami ng COVID-19 cases sa bansa.

Wala raw naging aksiyon ang DOH Secretary.

Pagsapit ng April, lumiham naman ang health workers sa IATF, na kinabibilangan din ni Duque.

Nitong June, muli raw silang nagpadala ng pormal na mensahe kay Duque.

Sa dumaang limang buwan, walang aksiyon ang DOH chief sa lahat ng liham na ipinadala nila.

HOT STORIES

LONGER SHIFTS, ADDITIONAL PATIENT LOAD FOR NURSES

Sa ANC interview kay Abenojar nitong Martes, August 4, sinabi nito, “Alam nating lahat na sobra-sobra na ang pagod ng ating mga nurses and health workers.

“Katunayan po, ang pagod na ito ay nagmumula dun sa kakulangan sa manpower.”

Maristela Abenojar, FNU (

Continue reading below ↓

Ayon kay Abenojar, ngayong pandemic, bukod sa na-extend sa hanggang 12 to 36 hours ang shift ng isang nurse, nadagdagan din ang patient load nito.

Bagamat ang standard ratio ng DOH ay isang nurse sa kada 12 pasyente, iba raw ang sitwasyon ng COVID-19 patients.

Paliwanag ni Abenojar: “Walang kasamang any relative ang ating mga patients, they are on their own.

“Kaya may mga extra na kailangang nursing care na ibigay.

“Halimbawa, we assist them, sa pagpapakain ng patient, sa pagpunta sa bathroom, sa pag-aayos ng sarili nila.

“And they are in critical situation. Ang nursing care dito ay 24/7, talagang round-the-clock.”

Sa ganitong sitwasyon daw ay hindi na pwede ang 1 nurse for every 12 patients na ratio. Dapat ay 1 nurse for every 3 or 4 Covid-19 patients.

Ito ang tantiyang tamang ratio ni Abenojar sa mga nurse na naa-assign sa COVID-19 ward.

Mas mahirap naman ang sitwasyon ng nurses sa intensive care unit o ICU.

Continue reading below ↓

Ang rekomendasyon niya ay tiyaking 1:1 lang ang ratio dito.

Pero may mga ospital daw ngayong umaabot ang ICU sa tatlo hanggang apat na pasyente ang inaasikaso ng iisang nurse, ayon kay Abenojar.

“Sa ICU naman, normally, one is to one, 'yan po ang ating ratio.

“Pero sa ngayon, sa aking pakikipag-usap sa mahigit sampung ospital, public and private, sinasabi ng aming members na ang kanilang ICU, may isang nurse na nag-aalaga ng tatlo hanggang apat na pasyente.

“And this is too much.”

SHORTER QUARANTINE DAYS, LACK OF PPE & SWAB TESTING

Dagdag pa ni Abenojar, dahil sa bulto ng pasyente, hindi na natutupad ang 14-day quarantine period para sa mga nurses at iba pang health workers.

“Ngayon, ang quarantine days sa mga hospital natin, instead of the 14 days standard, ito po ay ibinaba na ng maraming ospital sa three to five.

“Ang iba po ay wala na.

“It’s just like the normal days na papasok sila, may one day off a week, tapos pasok ulit,” sabi niya sa nagiging kalakaran para sa health workers.

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Abenojar, kahit maglilimang buwan na ang pandemic ay kulang pa rin ang supply ng personal protective equipment (PPE) sa mga ospital.

Hindi rin daw prayoridad ang mga nurses sa swab testing.

Ang health workers lang na may sintomas ng virus ang pinapayagang magpasuri kontra COVID-19.

Dagdag niya, hindi lahat ng private hospitals ay may libreng COVID testing sa mga tauhan nito.

Ang ibang nurse mula sa pribadong ospital, aniya, ilang oras pang pumipila sa San Lazaro Hospital para sa libreng swab testing.

Continue reading below ↓

JUST COMPENSATION FOR INFECTED HEALTH WORKERS

Hinihiling din ng Filipino Nurses United ang tamang kompensasyon sa health workers na dinapuan ng COVID-19.

Ayon sa presidente ng FNU na si Abenojar, hindi tamang sa severe cases ng infection lang ibinibigay ang PHP100,000 compensation.

Paliwanag niya: “Dapat lahat ng nag-positive na healthcare worker ay may just compensation.

"Dahil kapag nawala sila sa trabaho, mayroon pong economic cost iyon sa kanilang family.

“Lalo na po sa mga contractual. Kasi ang mga contractual—no work, no pay.

“So wala pong suweldo. Kawawa po talaga sila.”

Sinabi ni Abenojar na batay sa datos ng DOH, as of June 9, ay 19 health workers na nagka-COVID-19 pa lang ang nakatanggap ng PHP100,000.

Iyon ay kahit pa raw mahigit 2,000 na ang tinamaan ng COVID-19 sa kanilang hanay nang mga panahong iyon.

“Yun lang po ang pumasa sa kanilang standard ng severe,” ani Abenojar tungkol sa 19 health workers na nakatanggap ng kompensasyon.

Continue reading below ↓

“So kung hindi ka naka-intubate, hindi ka nahihirapang huminga, you are not entitled to PHP100,000.”

HEALTH SECTOR REFORMS

Ayon kay Abenojar, umaasa ang kanilang grupo na malaki ang maitutulong ng dalawang linggong MECQ para matugunan ng gobyerno ang mga hinaing ng kanilang sektor.

“We hope na itong two weeks ipakita nila yung konkretong aksiyon dito.

“Yung matagal na naming sinasabi na mga kahilingan, gaya ng PPE, na isama kaming priority sa COVID test, bigyan kami ng enough quarantine days, na kami po ay bigyan ng just compensation and benefits…

"Na ang mga ito ay ipatupad talaga nila,” aniya.

Ang ilan sa mga kahilingan ni Abenojar ay nabanggit din sa letter of appeal ng Healthcare Professions Alliance against COVID-19 kay Pangulong Duterte nitong August 1.

Pero paglilinaw ni Abenojar, hindi pagrereklamo ang mga hinihiling nilang reporma sa health sector, gaya ng sinasabi ni Pangulong Duterte.

“PANGULONG DUTERTE, KEEP US ALIVE”

Sa ANC interview, pinasimple ni Abenojar ang gustong iparating ng healthcare workers sa Presidente.

Continue reading below ↓

Sabi ni Abenojar: “Pangulong Duterte, hindi naman po namin ito hinihingi bilang self-serving interest na kahilingan.

“Ang panawagan nga po namin ay keep us alive.

“Keep us alive, kaming mga health workers, so we can save lives.

“Kung kami po ay protektado, kung kami ay mananatiling ligtas, makakapanggamot, makakapagbigay-kalinga kami sa mas marami pang pasyente.

“Lalo na ngayon na na-hit na natin ang more than 100,000 [COVID-19 cases].

“Kung hindi ninyo ito aaksyunan, kung hindi titingnan concretely yung mga panawagan, magko-collapse ang ating health system.”

Nangyaring sa August 2 speech ng Pangulo, pinasaringan din nito ang mga nurses na magpulis sila kung gusto nila ng mas mataas na suweldo.

Sabi ni Abenojar kay Duterte: “Kahit nga po yung sinasabi nyong challenge na magpulis na lang kami... Hindi ho ba ninyo nakita na kung mayroong sumagot sa inyong challenge, at sila’y magpulis, sinong maiiwan sa mga ospital, kung lahat na sila ay pulis?”

Continue reading below ↓

“AKALA KO HO BA AY WE HEAL AS ONE, BAKIT MAY INIIWANAN?”

Sa huli, ipinaalala ni Abenojar sa gobyerno na ang health workers ay hindi kaaway kundi kasangga sa laban ng Pilipinas kontra COVID-19.

Huwag naman daw sanang pabayaan ang kapakanan ng mga tulad nila, na unang sumusugod sa nangyayaring digmaan.

“Sana huwag kaming sisihin, kami na mga biktima,” ani Abenojar. "Tayo naman po ay magkakasama sa laban na ito.

“Akala ko ho ba ang panawagan ng pamahalaan ay ‘we heal as one’ and ‘we recover as one?'

“E, bakit may iniiwanan? Bakit iiwanan ang mga health workers na hindi natutugunan ang mga kahilingan?”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu prays for health frontliners' safety: “Please Guide our modern day HEROES. Wag sana kayong panghinaan ng loob. Lalo na sa nangyayari ngayon." The group Filipino Nurses United makes the call to President Duterte: "Keep us alive, so we can save lives."
PHOTO/S: @chinitaprincess on Instagram, Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results