Melissa Ricks attests to Matt Evans's "good heart" following his arrest

by Bernie V. Franco
Aug 6, 2020
Melissa Ricks (in both photos) comes to former leading man Matt Evans's defense after he was arrested for 2012 child custody case filed by his former partner Johnelline Hickins.
PHOTO/S: @mellyricks09 on Instagram / File Photo

Ipinagtanggol ni Melissa Ricks ang kanyang dating leading man na si Matt Evans, kasunod ng pag-aresto sa aktor noong July 31, Biyernes.

Inaresto si Matt kaugnay ng child support case na isinampa ng kanyang dating live-in partner na si Johnelline Hickins, ina ng 8-anyos na anak na babae ng aktor, noong 2012.

Inaresto si Matt ng Manila Police District sa kanyang tahanan sa Sampaloc, Manila.

Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Carmencita Lacandazo Logan ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 12.

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nakapagpiyansa ang 33-year-old actor ng halagang PHP36,000 noong Lunes, August 3.

MELISSA SAYS MATT HAS A GOOD HEART

Isang mensahe para kay Matt ang ibinahagi ni Melissa, 30, sa kanyang Instagram Story noong Lunes.

Pinatotohanan niya ang kabutihan ng loob ng aktor sa maraming taong pagsasama nila, bilang love team, sa mga programa ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

“People with good hearts can never be put down.

“5 years of being part of MATTMEL,” pagtukoy ni Melissa sa dating love team nila ni Matt.

Sabi pa niya, “Spending almost everyday with you dahil sa work na halos di na tayo natutulog.

“I know how much of a good person you are, not only to me but to everyone around you.”

Diin ni Melissa sa huli: “You have a good heart Matt. That is a Fact.”

Kalakip nito ang throwback photo nina Melissa at Matt na kuha sa isang selebrasyon.

Naka-tag sa post ni Melissa si Matt at ang asawa nitong si Katrina Fariñas-Evans.

Continue reading below ↓

ABS-CBN HOMEGROWN TALENTS

Sina Matt at Melissa ay parehong homegrown talents ng ABS-CBN.

Si Matt ay naging housemate sa unang batch ng Pinoy Big Brother: Teen Edition, noong 2006.

Si Melissa naman ay Top 5 finalist sa artista search ng ABS-CBN na Star Circle Quest, noong 2004.

Ini-launch ang kanilang tambalan sa teleseryeng Komiks Presents: Da Adventures of Pedro Pendruko (2006-2007) na tinangkilik ng manonood.

Pagkatapos nito ay nagsunud-sunod na ang kanilang TV projects bilang magkapareha.

Ilan sa mga ito ay ang sequel ng Pedro Penduko, Your Song Presents: Pangarap Lang, Your Song Presents Sayang na Sayang, Princess Sarah, at Iisa Pa Lamang.

MATT AND KATRINA POST LOVE FOR EACH OTHER

Kaugnay ng pinagdadaanang isyu ni Matt, nagpahayag ng suporta sa isa't isa ang aktor at ang misis niyang si Katrina sa pamamagitan ng Instagram.

Sa kanyang post, pinasalamatan ni Matt si Katrina. Magkasama rin daw nilang haharapin ang anumang pagsubok na dumating sa kanila.

Continue reading below ↓

Mensahe ng aktor, “Nagpapasalamat ako sa Diyos na ikaw napangasawa ko. At nagpapasalamat ako na binigyan mo ako ng tatlong anghel na mahal na mahal ko.

“Anuman pagsubok dumating sa buhay natin, lalaban tayo. Alam ng Diyos at mga taong nakakakilala sa atin ang totoo.”

Ipinagtanggol naman ni Katrina ang asawa sa kanyang post.

Aniya, “Sa lahat na nakakakilala talaga kay Matt, alam na hindi totoo ang bali-balita.

“Hindi lahat ng nababasa o napapanood ay totoo. Sadyang may mga tao lang talagang hindi makuntento."

Sabi pa ni Katrina, “I love you @matt3vans!! The best husband and father in the world!! I could not ask for more!!

"#NoToFakeNews— FYI: 2012 pa sila huli nagkita. wag mali mali ang binabalita at wag agad manghusga.”

Ikinasal sina Matt at Katrina noong 2013.

Kung maayos ang pagsasama nina Matt at Katrina, taliwas naman ito sa naging relasyon ng aktor sa dati niyang ka-live-in na si Johnelline Hickins.

Continue reading below ↓

Taong 2012, inakusahan ni Johnelline si Matt ng pananakit. Nagsampa siya ng kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children laban sa aktor.

Mariing itinanggi ng kampo ng aktor ang akusasyon ni Johnelline.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Melissa Ricks (in both photos) comes to former leading man Matt Evans's defense after he was arrested for 2012 child custody case filed by his former partner Johnelline Hickins.
PHOTO/S: @mellyricks09 on Instagram / File Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results