Ice Seguerra's family mends old wounds as his father battles cancer

by Bernie V. Franco
Aug 6, 2020
Ice Seguerra: "Like all familes, there were unspoken things and old wounds that need to be mended."
PHOTO/S: @iceseguerra on Instagram

Sa pagkakasakit ng ama ni Ice Seguerra, nabigyan ng pagkakataon ang kanilang pamilya na ayusin ang sama ng loob nila sa isa’t isa.

Ayon kay Ice, ito raw ang mabuting nangyari kahit nagkaroon ng cancer ang ama niyang si Decoroso Seguerra.

Noong Marso ay ibinahagi ng singer ang tungkol sa pagkakaroon ng cancer ng ama. Nagsimula raw ito sa prostate at kumalat sa iba pang bahagi ng katawan.

Batay sa Instagram posts ni Ice, 36, ilang buwan na ring nasa ospital ang kanyang amang higit 70-anyos na.

Kahapon, August 5, nag-post si Ice sa Instagram ng larawan nilang pamilya na kuha mula sa pagbisita sa ospital kung saan naka-confine ang daddy niya.

Pahayag niya sa caption (published as is),“Siguro, if there's one thing na magandang binigay sa amin ang cancer ni Daddy; it brought us closer as a family.

"Kami kasi yung tipong pamliyang non confrontational. Lahat dinadaan sa biro.

Continue reading below ↓

"But like all familes, there were unspoken things and old wounds that need to be mended,” mensahe niya sa Instagram nitong Miyerkules.

Ayon pa sa singer, hindi raw naging madali para sa kanila na pag-usapan ang mga sugat ng nakaraan.

“At first, sobrang awkward. Tipong hindi mo alam kung papaano ka magsisimula.

“Pero nung nag tuloy-tuloy na ang paguusap, the words started flowing.

“Yes, may iyakan nagkalabasan nang mga mga sama ng loob sa isa't isa.

“We all took turns, my dad, mama, and my brother.

“After that, pinatawad namin ang isa't isa at ang mga sarili namin.”

Ang ina ni Ice ay si Caridad Seguerra; may isa siyang nakababatang kapatid na lalaki.

ICE: “WE BECAME MORE OPEN, EXPRESSIVE…”

Hindi parang bula na nawala ang mga tampuhan nila, pero nagkaroon daw ng pagbabago sa kanilang pakikitungo sa isa’t isa.

Saad ni Ice, “Of course, hindi doon natapos ang lahat.

"As with anything na matagal na hindi napagusapan, may mga nauungkat pa ring sama ng loob but it's easier to address it.

Continue reading below ↓

“We became more open, expressive, more understanding of each other's pain and journey.

“We hug each other more, give kisses spontaneously. We are happier.”

Bilang pagtatapos, nabanggit ni Ice na may mga pagkakataong hindi inaasahan, gaya ng nangyari sa kanila para ayusin ang “broken and strained relationships.”

“It's amazing how the universe always gives us the opportunity to mend broken or strained relationships, you just have to be mindful and seize that opportunity when it presents itself to you.

“Compassion and love. Gratefulness and forgiveness. Freedom and happiness Nandiyan yan, araw-araw.

“Just be brave and grab that opportunity, while you still can.

“Have a great night. Love will always win.”

LACK OF TIME FOR THE FAMILY

Sa kanyang post noong March 26, binanggit ni Ice na sumailalim sa radiation therapy ang kanyang ama dahil sa cancer.

Dito rin daw ipinaalam ng pamilya ni Ice ang tampo nila sa kanya dahil madalang siyang bumisita.

Continue reading below ↓

Kaya naman bumawi raw si Ice sa kanila.

“I made sure na Im always in contact with them. Labas kami once or twice a week. Malling lang or kakain sa labas tapos kwentuhan.

“Simple pero masaya.

“Mas nagkaroon ako ng appreciation sa bawat isa sa kanila, mas naiintindihan ko kapag nagtatampo sila sa akin and I make sure na hindi ko papalampasin yun.”

Sabi pa noon ni Ice: “So yeah, may cancer siya but I think blessing pa rin yun kasi it gave us the gift of appreciating every single day that we get to spend together, every hug, every tawanan, the conversations and most of all ang makahingi ng tawad at makapagpatawad.

Laking pasasalamat din daw ni Ice sa kanyang kapatid na siyang tumayong padre de pamilya.

“Isa rin sa hindi matatawarang blessing sa buhay ko ay ang kapatid ko. He's become the man of the house, in every sense of the word.

Continue reading below ↓

“May katuwang ako kina mama and daddy. Hindi lang sa pagaalaga but financially din.

“Siguro kung wala kapatid ko, nabaliw na ako pero dahil nandiyan siya, teamwork kami,” banggit pa ng singer.

Si Ice ay may sarili na ngayong pamilya.

Dalawang beses silang ikinasal ng kanyang partner na si Film Development Council of the Philippines Chair Liza Diño. Una, noong December 8, 2014 sa San Francisco, California. Pangalawa, noong January 8, 2015, sa San Juan, Batangas.

Kasama nila sa bahay ang anak ni Liza.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ice Seguerra: "Like all familes, there were unspoken things and old wounds that need to be mended."
PHOTO/S: @iceseguerra on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results