TV5 Chairman Manny V. Pangilinan confirms "ongoing conversations" with ABS-CBN talents, employees

by Arniel C. Serato
Aug 6, 2020
TV5 Chairman Manny V. Pangilinan on retrenched ABS-CBN talents and employees: “There are ongoing conversations with their talents, but it’s not as expansive as one would assume."
PHOTO/S: Courtesy: Manny Pangilinan on Facebook

Opisyal nang inanunsiyo ng TV5 chairman na si Manny V. Pangilinan (MVP) na may ongoing negotiations sila sa ilang talents at empleyado ng ABS-CBN.

Ito ay ayon sa social media post ng News5 ngayong gabi ng Huwebes, August 6.

Nakasaad sa post, handang i-hire ng TV5 ang mga cameramen, directors, at scriptwriters na mawawalan ng trabaho sa ABS-CBN.

Pahayag ni MVP, “There are ongoing conversations with their talents, but it’s not as expansive as one would assume.

“We’re careful about any contractual arrangements these talents have with ABS. We’d like to respect that.”

Nagsimula na ang malawakang retrenchment sa ABS-CBN matapos ibasura ng Kongreso ang franchise application ng Kapamilya network noong July 10, 2020.

Kahit wala nang kontrata ang talents at employees sa Kapamilya network, magiging maingat daw ang TV5 sa ugnayan ng mga ito sa kanilang network.

Saad pa ni Pangilinan, “And even if they don’t have any contractual obligations with ABS, we’re careful, we respect whatever arrangements they might have with their mother studio.”

Continue reading below ↓

Bahagi rin daw ng layunin nila sa pag-hire ng talents at empleyado ng ABS-CBN ay upang magbigay ng trabaho at makagawa ng bagong content para sa TV5.

Continue reading below ↓

EXODUS OF ABS-CBN TALENTS?

Maugong ang balitang magiging takbuhan ng mga mawawalan ng trabaho sa ABS-CBN ang katapat nitong TV5.

Sa online at cable na lamang napapanood ngayon ang mga natitirang programa ng Kapamilya network.

Sinabihan na rin ng pamunuan ng ABS-CBN ang kanilang talents at empleyado na maaari na silang maghanap ng panibagong trabaho sa labas ng istasyon o maging sa katapat nitong networks.

Ilan sa mga taga ABS-CBN, o identified sa istasyon, ang may palabas na sa TV5.

Ito ay sina Pokwang, Ria Atayde, at Jessy Mendiola.

Napabalita ring inalok umano ng kampo ni Vice Ganda ang serbisyo ng TV host-comedian sa TV5, ngunit tinanggihan daw ito ng management.

Umaabot daw kasi ang asking fee ng kampo ni Vice sa P750,000 per episode para sa panglingguhang programa. Kaya lumalabas na P3-M ang talent fee nito sa loob ng isang buwan.

Pero, mariin itong pinabulaanan ni Vice sa isa niyang tweet. Tinawag niya itong “fake news.”

Continue reading below ↓

Nabili ng MVP Group of Companies ang TV5 mula sa Malaysian investors nito noong 2010.

Naging agresibo ang kumpanya sa pag-recruit noon ng malalaking pangalan sa showbiz upang pumirma sa kanila ng kontrata.

Ilan sa mga malalaki at bigating artistang pumirma sa TV5 noon ay sina Superstar Nora Aunor, Megastar Sharon Cuneta, Diamond Star Maricel Soriano, Aga Muhlach, Derek Ramsay, at ang namayapang Comedy King na si Dolphy.

Pero ayon sa isang online news site, maingat na ngayon si MVP sa pag-entertain ng mga artistang nagpaparamdam na gustong magtrabaho sa Kapatid network.

Natuto na raw ang business magnate sa pagkalugi dahil sa milyun-milyong pisong kontrata ng ilang bigating artista na pumirma noon sa istasyon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV5 Chairman Manny V. Pangilinan on retrenched ABS-CBN talents and employees: “There are ongoing conversations with their talents, but it’s not as expansive as one would assume."
PHOTO/S: Courtesy: Manny Pangilinan on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results