Pokwang to netizen who called upcoming TV5 shows "basura": “tandaan may pera sa basura”

by Bernie V. Franco
Aug 7, 2020
Pokwang calmly responds to netizen criticizing upcoming shows on TV5, including her two shows. The comedienne says, "May oras ngumiti at iyon ang layunin ng mga shows na basurang sinasabi mo.”
PHOTO/S: @pornstar_roviel and @itspokwang27 on Instagram

Hindi pinalampas ni Pokwang ang pagtawag na “basura” ng isang netizen sa upcoming programs ng TV5.

Dalawa sa mga programang ilulunsad ng Kapatid network ay kinabibilangan ni Pokwang.

Una, ang game show na Fill In The Bank kasama si Jose Manalo; pangalawa, ang morning talk show na Chika Besh, kasama sina Ria Atayde at Pauleen Luna.

Sa Instagram account ng TV5, ipinost nitong Huwebes, August 6, ang video clip ng new shows ng istasyon na magsisimula sa August 15.

Sa comments section, isang netizen, na tila Kris Aquino fan, ang nanlait sa line-up ng shows.

Komento nito (published as is): “Sa totoo lang yung kay Kris aquino lang ang inaabangan nang tao!!!!!!! Yung iba basura!!!!”

Ang tinutukoy ng netizen ay ang Love Life With Kris na dalawang beses nang nauudlot.

Sinagot ni Pokwang ang komentong ito ng fan ni Kris ngayong Biyernes ng umaga, August 7.

Mahinahon niyang sagot (published as is): “thank you… opinyon mo yan iho, pero tandaan may pera sa basura…

Continue reading below ↓

“at minsan nakakapag pasaya, ngiti kana kasi napaka dami na ng nakakapgpalungkot na mga nangyayare sa mundo…

“pag masdan mo paligid mo iho may virus na kumikitil ng buhay, may mga taong nawalan ng trabaho, may mga sumasabog na bulkan at mga nagugutom,

“…be greatful iho kasi malusog ka at may oras ngumiti at iyon ang layunin ng mga shows na basurang sinasabi mo.”

Continue reading below ↓

Umurong ang tapang ng netizen at humingi ng sorry kay Pokwang. Sinabi din nitong fan siya ng comedienne.

Sabi pa nito, disappointed lang siya sa hindi pag-ere ng show ni Kris.

Sabi naman ni Pokwang, mapapanood pa rin si Kris “soon” at “may inaayos lang.”

Paniniyak pa ng komedyana, “save the best for last” ang show ni Kris.

Continue reading below ↓

Ayon sa report ng PEP Troika, hindi nasama sa August 15 line-up ang programa ni Kris dahil sa “falling out with her original producers.”

Sinusubukan daw ngayon ng talent management ng TV host na plantsahin ang mga gusot para matuloy ito.

KAPAMILYA, KAPUSO STARS ON KAPATID NETWORK

Nakakatawid na ngayon ang ilang ABS-CBN stars sa ibang TV networks, gaya ng TV5, matapos ibasura ng Kongreso ang franchise renewal ng Kapamilya network noong July 10, 2020.

Bukod kina Pokwang at Ria, may upcoming show rin si Jessy Mendiola sa TV5, ang fitness program na Fit for Life.

May non-exclusive GMA-7 artists ding may show sa Kapatid network.

Bukod kina Jose at Pauleen, magsasama sina Paolo Ballesteros at Wally Bayola sa Bawal Na Game Show, at si Ryan Agoncillo para sa Bangon Talentadong Pinoy.

Ang dalawa pang shows na ilu-launch sa August 15 ay ang Usapang Real Life ni Luchi Cruz-Valdes, at ang YouTube program na Idol In Action ni Raffy Tulfo.

Continue reading below ↓

ABS-CBN STARS CONGRATULATE POKWANG

Samantala, bumuhos ang pagbati ng ibang ABS-CBN stars kay Pokwang dahil sa mga bagong programa niya sa TV5.

Kabilang na rito sina Jessy, Melai Cantiveros, Jaya, DJ Chacha, Sunshine Garcia, at Karla Estrada.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang calmly responds to netizen criticizing upcoming shows on TV5, including her two shows. The comedienne says, "May oras ngumiti at iyon ang layunin ng mga shows na basurang sinasabi mo.”
PHOTO/S: @pornstar_roviel and @itspokwang27 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results