Willie Revillame donates P5M to displaced jeepney drivers, P400K to fallen OFWs in Beirut explosion

by Arniel C. Serato
Aug 7, 2020
Willie Revillame hands over PHP5M check to Presidential Spokesperson Harry Roque for displaced jeepney drivers begging for help following government's imposition of MECQ in the National Capital Region and neighboring provinces.
PHOTO/S: File

Magdu-donate ng limang milyon piso si Willie Revillame sa jeepney drivers na nawalan ng pagkakakitaan ngayong may Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ulit.

Maliban dito, magbibigay rin ang Kapuso TV host ng P400,000 sa pamilya ng apat na Overseas Filipino Workers (OFWs) na namatay sa nangyaring pagsabog sa Beirut, Lebanon.

Inanunsiyo ito ni Willie sa biglaang guest appearance niya sa pagtatapos ng daily press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Biyernes, August 7.

Pinaunlakan ni Willie ang hiling ni Roque na umupo sandali sa presidential table.

Nag-abiso si Willie sa GMA-7, ang kanyang home network, na lalabas muna siya sa PTV-4 "para sa bayan."

Dito ay sinabi ni Willie na napanood niya ang mga balita tungkol sa displaced workers, lalo na ngayong ipinatupad muli ang MECQ sa National Capital Region at apat na probinsiya ng Luzon.

Nanaig daw ang awa ni Willie sa jeepney drivers na namamalimos na sa kalsada dahil hindi muli sila pinapayagang bumiyahe.

Continue reading below ↓

Pahayag ng TV host, "Nakakadugo ng puso pag nakikita mo yung mga namamalimos na mga jeepney drivers, dun na nakatira. Yung mga OFWs natin...

"Ako ay isang mamamayan na pinagpala, na nabanggit ko sa 'yo dati na gusto kong tumulong.

"Sa sarili kong pinag-ipunan, dahil naman po ako ay may trabaho ngayon, at siyempre ay napakahirap, gusto kong tumulong una dun sa mga jeepney drivers, 'no.

"Sa tingin ko, ito ang unang kinakailangan. Nakita ko yung sa Maynila, hirap na hirap. Nakita ko yung sa Quezon City."

Saad pa ng TV host, "I am willing to give, sa akin pong naipon. Hindi naman ito pagmamayabang 'no.

"Ito lang ang puwede kong maitulong sa gobyerno kasi hindi naman ako puwedeng lumapit kay Mr. President, sa mahal na Pangulo na, 'To, ibibigay ko.' Hindi maganda tingnan.

“Siguro sa inyo na lang, ang balak ko ho ay magbigay ng PHP5M ngayon sa araw na ito, at ibibigay sa mga jeepney drivers na talagang namamalimos na.”

Continue reading below ↓

Dagdag pa ni Willie, "Meron akong tseke dito, para alam ng tao, hinanda ko 'to PHP5M para sa mga jeepney drivers.

"Ngayon, ito ang pangako ko, hindi ho ito pagbubuhat ng bangko dahil sobrang pinagpala ako. Dahil I think, sa industriya, ako lang ang may trabaho nang live."

Ang tinutukoy ni Willie ay ang programa niyang Tutok To Win, na araw-araw umeere sa Kapuso network. Pansamantala itong pumalit sa Wowowin ngayong may COVID-19 pandemic.

Pauna lang daw ang cash donation niya ngayong araw.

Patuloy ni Willie, "And then, five million ngayon. Next time, magbibigay ho ulit ako ng five million para dun ho sa mga taong talagang nangangailangan."

Pangako pa niya, "Kung kakayanin kong monthly ‘to, sasabihin ko kay Secretary Harry Roque."

Nagpasalamat naman si Roque sa malaking tulong ni Willie.

Sa pag-aaring Wil Tower Studios ng Wowowin host ginaganap ngayon ang mga press briefing ni Roque dahil sumailalim sa disinfection ang opisina ng huli sa New Executive Building sa Malacañang.

Continue reading below ↓

Ito ay dahil ilang empleyado sa opisina ng spokesperson ang nahawaan ng COVID-19.

Kasama rin sa briefing si Cavite Governor Jonvic Remulla.

PHP400K TO FAMILIES OF FALLEN OFWS IN LEBANON

Nangako rin si Willie na magbibigay ng tig-iisang daang libong piso sa bawat pamilyang namatayan ng mga kamag-anak sa Lebanon.

Continue reading below ↓

Apat na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang kumpirmadong nasawi kasunod ng malakas na pagsabog ng tone-toneladang ammonium nitrate sa Beirut, Lebanon, madaling-araw ng Miyerkules, August 5.

Sabi ng 59-year-old TV host, "Sa ating mga kababayan, nabasa ko yung nangyari sa Beirut.

"Ito para pagtutulong, ito lubus-lubusin ko na. Yung apat na pamilya pong naulila, I’m willing to give 100,000 each.

"Sa mga kababayan natin, nagdudugo ang puso ko sa ating mga kababayan. I’m so blessed, napakabait ng Panginoong Diyos sa akin.

"Ako po’y may programa na nagbibigay din ng tulong, basta hanggang kaya kong tumulong, kasama ko naman ang GMA-7 diyan.

"Ang gagawin ko, yung apat pong pamilyang naulila, konontakin namin kayo.”

Pinirmahan din ni Willie ang tseke para rito sa live broadcast.

Mensahe ni Willie ngayong may dinadanas tayong pandemya, "Mga kababayan, kaya natin yan, kaya natin yan."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame hands over PHP5M check to Presidential Spokesperson Harry Roque for displaced jeepney drivers begging for help following government's imposition of MECQ in the National Capital Region and neighboring provinces.
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results