Matt Evans denies running from child support payments: "Nagkataon lang na apektado lahat ng kabuhayan ngayon."

by Bernie V. Franco
Aug 7, 2020
Matt Evans on child support case filed by former live-in partner Johnelline Hickins: “Lahat naman nadadaan sa pag uusap. Nangyari na ito dati, napag-usapan na namin. Pero ginawa lang niya ulit. Wala naman ibang pupuntahan ito kundi pag uusap din."
PHOTO/S: GMA News

Iginiit ni Matt Evans na hindi niya tinakbuhan ang kanyang obligasyon sa anak nila ng dating ka-live in na si Johnelline Hickins.

“Hindi ako mahirap kausapin. Ang daming paraan para makausap ako.

"Hindi ko tinakbuhan yung obligasyon ko sa bata,” sabi ni Matt sa eksklusibong pahayag na ibinigay niya sa managing editor ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Karen Pagsolingan-Caliwara ngayong Biyernes, August 7.

Ang anak na babae nina Matt at Johnelline ay walong taong gulang na ngayon, at nasa poder ng ina nito.

Gayunpaman, aminado ang aktor na hindi naging regular ang sustento niya sa bata.

“Nagkataon lang na apektado lahat ng kabuhayan ngayon.

“May lapses din ako noon kasi alam naman ng lahat na no work, no pay ako,” paliwanag ng former housemate ng Pinoy Big Brother: Teen Edition.

Noong Biyernes ay inaresto ng Manila Police District si Matt sa tahanan ng aktor sa Sampaloc, Manila.

Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Carmencita Lacandazo Logan ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 12.

Continue reading below ↓

Nakapagpiyansa ang 33-year-old actor ng halagang PHP36,000 noong Lunes, August 3.

Sa panayam ng PEP.ph, muling iginiit ni Matt na ang pagkakaaresto niya ay hindi dahil sa dating akusasyong pananakit niya kay Johnelline.

Taong 2012, sinampahan ni Johnelline si Matt ng paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children.

Sabi pa ni Matt, iyon din ang huling pagkakataong nagkita sila ni Johnelline.

Pinasinungalingan na noon ng aktor ang akusasyong sinaktan niya ang dating partner. Na-dismiss ang kaso noong 2013, ayon sa kampo ni Matt.

AFTER EIGHT YEARS

Kailan huling nakita ni Matt ang anak niya kay Johnelline?

“The last time I saw my daughter po, 10 months old pa siya. Eight years old na siya ngayon,” sagot ng aktor.

Hindi raw niya inasahan ang pag-aresto sa kanya noong Biyernes.

“Nagulat po at galit na galit dahil ang tagal ko na nananahimik. Eight years na.

“Happily married na ako with three kids, tapos biglang may ganito na naman after eight years.”

Continue reading below ↓

Mensahe ni Matt kay Johnelline: “May pamilya na rin akong binubuhay.

“May pamilya ka na rin sa pagkakaalam ko, pero kahit kailan, hindi kita ginugulo.

“Sana maging patas ka din. Sana lang tigilan na niya panggugulo sa buhay ko.

“Handa naman ako magsuporta sa abot ng makakaya ko dahil ang ugnayan namin ay sa bata na lang.

“May pamilya ako na inaalagaan, sana lang wag na maulit itong pangyayaring ito dahil may pamilya na akong naaapektuhan.”

Ikinasal si Matt sa asawa niyang si Katrina Fariñas, isang negosyante, noong 2013.

Mayroon silang dalawang anak, at nasa pangangalaga rin nila ang anak ni Katrina sa dati nitong partner.

Sisiguraduhin daw ni Matt na hindi na mauulit ang pangyayaring ito sa kanya.

Sinabi rin ng aktor na bukas siyang magkausap sila ng dating ka-live-in.

Saad niya, “Lahat naman nadadaan sa pag uusap. Nangyari na ito dati, napag-usapan na namin. Pero ginawa lang niya ulit.

Continue reading below ↓

"Wala naman ibang pupuntahan ito kundi pag uusap din."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matt Evans on child support case filed by former live-in partner Johnelline Hickins: “Lahat naman nadadaan sa pag uusap. Nangyari na ito dati, napag-usapan na namin. Pero ginawa lang niya ulit. Wala naman ibang pupuntahan ito kundi pag uusap din."
PHOTO/S: GMA News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results