Director FM Reyes tearfully dedicates new series to displaced workers of ABS-CBN

by James Patrick Anarcon
Aug 8, 2020
Director FM Reyes on new ABS-CBN show: “[This is] for the 11,000 people who lost their jobs. This is our little way of fighting for you.”
PHOTO/S: Ang Sa Iyo Ay Akin / ABS-CBN

Iniaalay ng director na si FM Reyes ang kanyang bagong proyekto para sa mga kasamahan sa ABS-CBN na nawalan ng trabaho.

Libu-libong empleyado ng ABS-CBN ang natanggalan ng trabaho dahil sa pagkitil ng prangkisa ng Kapamilya network noong July 10, 2020.

Ilang mga negosyo rin ng ABS-CBN Corporation ang nagsara dahil dito.

Sa kabila ng pinagdadaanang pagsubok ng network, tuloy pa rin ang pag-launch nito ng mga programa sa digital platform na Kapamilya Online Live, kabilang na ang bagong teleserye na Ang Sa Iyo Ay Akin.

Ang teleseryeng ito na pinangungunahan nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Sam Milby, at Maricel Soriano ang bagong proyektong hinahawakan ni Direk FM.

Sa virtual press conference ng upcoming teleserye na Ang Sa Iyo Ay Akin kahapon, August 7, ibinahagi ni Direk FM ang challenges na hinarap ng programa.

Kabilang na rito ang pagiging first all-Filipino crew na magsu-shoot ng programa sa ABS-CBN Soundstage facility sa Bulacan.

Continue reading below ↓

Bukod pa rito, kasagsagan daw ng franchise issue at ng pandemya habang ginagawa nila ang programa.

Pag-alala ni Direk FM, “This is all happening at the height of the franchise issue and then the pandemic.

“And now as you’ve mentioned, kami yung magtutuloy ng laban sa digital platform.”

Pagkatapos magsalita ay napahinto si Direk FM at nangingilid na ang luha.

Sinubukan ni Direk FM na i-compose muli ang sarili bago nagpatuloy sa pagsasalita.

Sabi niya, “The fight is not just for us…”

Dito na tuluyang naiyak ang Kapamilya direktor.

Patuloy niya, “[This is] for the 11,000 people who lost their jobs. This is our little way of fighting for you.”

Humingi ng tawad si Direk FM sa pagiging emosyunal at pinasalamatan ang press na dumalo sa virtual press conference.

“I’m so thankful sa inyong lahat na um-attend dito dahil bilang miyembro ng mga press, you are our brothers and our sisters in this work, and malaki ang kinalaman ninyo sa naging success ng ABS noong umeere siya sa free TV.

Continue reading below ↓

“And so, I would like to thank you because nandito kayo bilang mga kapatid uli para tulungan kami para ituloy yung kabuhayan namin.

“Hindi madali na papasanin namin lahat ng krus na ito but it makes it easier knowing that if we make it well in the platform, we will be helping a lot of our co-workers to again have our jobs back.”

Sa August 17 magsisimula ang Ang Sa Iyo Ay Akin sa bagong platforms ng ABS-CBN.

Eere ito sa Kapamilya Channel na lumalabas sa cable, at sa Kapamilya Online Live na puwedeng mapanood sa Facebook page at YouTube channel ng ABS-CBN.

Si Direk FM ang nag-direct sa ilan sa mga top-rating programs ng ABS-CBN.

Kabilang dito ang Recuerdo de Amor (2001-2003), Maging Sino Ka Man (2006-2007), Lobo (2008), Alyna (2010), Apoy sa Dagat (2013), at Nang Ngumiti Ang Langit (2019).

Naging headwriter din si Direk FM ng Maalaala Mo Kaya nang ilang taon.

Continue reading below ↓

Si Direk FM ang asawa ng aktres na si Rita Avila.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director FM Reyes on new ABS-CBN show: “[This is] for the 11,000 people who lost their jobs. This is our little way of fighting for you.”
PHOTO/S: Ang Sa Iyo Ay Akin / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results