Director Darryl Yap draws flak for "public-shaming" teachers; netizens want him "cancelledt"

by Rachelle Siazon
Aug 9, 2020
Writer-director Darryl Yap stands by VinCentiments's digital short film, Online Class, despite strong criticism that the film engages in "public-shaming" teachers.
PHOTO/S: Darryl Yap Facebook

Inulan ng batikos ang Jowable director na si Darryl Yap dahil sa sinasabing "insensitive" at "trashy" digital short film niya tungkol sa online classes sa gitna ng pandemya.

Sa digital short film na pinamagatang Online Class, pinagmumura ng isang estudyante ang kanyang guro, kasabay ng reklamong hindi uubra ang mga online classes.

Continue reading below ↓

Bukod sa marami raw distractions sa bahay, umalma ang estudyante dahil hindi raw maayos magturo ang guro at napakamahal pa ng singil sa tuition fee ng paaralan.

Mas mabuting ipatupad daw ang hiling ng mga mag-aaral na "academic freeze" para School Year 2020-2021.

Sa huli, nag-quit ang estudyante dahil suko na raw ito sa umano'y kawalan ng saysay ng online classes.

Base sa film credits, ang writer ng Online Class ay si Darryl, ang director ay si Vincent Asis, at mapapanood ito sa YouTube channel nila na VinCentiments.

UP STUDENT COUNCIL WANTS DARRYL TO TAKE DOWN VIDEO

Hindi maganda ang reaksyon ng maraming nakapanood sa short film ni Darryl.

Tinawag ng student council ng College of Education sa University of the Philippines na "irresponsible, insensitive, at infuriating" ang latest YouTube content ng film director.

Sa isang open letter kagabi, August 8, nanawagan ang student council na i-take down ni Darryl ang digital short film na hinihiya, sinisisi, at pinalalabas na masama ang mga guro.

Continue reading below ↓

Hindi raw makatarungan na bastusin ang mga guro ng short film ni Darryl.

Lalo pa't todo-effort daw ang mga guro na mag-adjust at magpatupad ng bagong sistema para patuloy na makapagbigay ng de-kalidad na edukasyon sa kabila ng pandemya.

Bahagi ng pahayag ng UP College of Education Student Council (published as is):

"The video narrows down learning into the traditional mode wherein it is only facilitated in the classroom.

"Moreover, it fails to acknowledge that remote learning is not merely limited to conducting online classes.

"The video also antagonizes teachers by portraying them as harsh and ignorant to the concerns of students."

Malaking insulto raw ito sa educators.

"Our teachers do not deserve this disrespect.

"We, the University of the Philippines College of Education Student Council, strongly urge the director and creators to take down the aforementioned video as soon as possible.

"We are also calling the attention of the DepEd Philippines to take necessary action steps in order to protect teachers from public shaming and humiliation."

Continue reading below ↓

Sana raw ay gamitin ni Darryl sa tama ang craft nito.

"We believe that art is a powerful tool to raise discourse on social issues and empower artists to practice their craft.

"But, if the means to an end harms marginalized sectors, intentionally or unintentionally, for the benefit of advancing art, we condemn this form of expression as this places the marginalized to a situation that further tarnishes their dignity."

Continue reading below ↓

UNAPOLEGETIC DARRYL?

Nanindigan naman si Darryl na balat-sibuyas ang mga gurong umaalma sa kanyang short film.

Giit niya, may mali raw sa sistema ng pagpapatupad ng online classes.

Sabi ni Darryl sa kanyang Facebook post (published as is): "Basta Ako, Wala akong naging Teacher na iyakin. lahat ng naging teacher ko—matibay ang loob, hindi nanunumbat ng tungkulin at pinaghirapan, at hindi umaaray kung hindi natatamaan.

"Huwag ka magTeacher kung makitid ang utak mo, kung manipis ang balat mo, at kung hindi mo kayang tanggapin na bahagi ka man o hindi—may mali sa sistema.

"KPL #ONLINEclassRant."

Tila burado na ang pahayag ni Darryl sa kanyang Facebook page, pero may nakakuha ng screenshot na kumalat sa social media.

Continue reading below ↓

NETIZENS CALL DARRYL'S WORK "TRASHY"

Gigil na gigil din sa galit ilang netizens at tinawag na "basura" o "trashy" ang short film ni Darryl.

Lalo pa silang nainis sa kumalat na pahayag ni Darryl hinggil sa isyu.


Continue reading below ↓

May nagsabi pang nais lang ni Darryl magpaka-kontrobersiyal sa halip na idaan sa creativity ang mensaheng nais nitong iparating sa audience.

Sabi ng isang netizen (published as is): "NANGIGIGIL AKOOO SYO Darryl Yap.

"SANAAA DIKA NA LANG NAGSULAT MASYADONG NAG RE-REFLECT PAG KATAO MO SA GAWA MO, MASYADO MONG PINAPANGALANDAKAN NA WALA KANG GALANG SA TEACHER.

"UTAK MO MAY UBOO."

Pagsang-ayon ng isa pa (published as is): "...sa susunod huwag ka na magsulat kung puro katangahan isusulat mo ha?"


Continue reading below ↓

NETIZENS WANT DARRYL "CANCELLEDT"

Ang iba naman ay direktang nagsabing dapat ay "cancelledt" na si Darryl.

Ang cancelledt ay millennial slang na tumutukoy sa pag-boycott ng isang tao na sa tingin ng marami ay hindi kanais-nais o hindi karapat-dapat suportahan.




Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Writer-director Darryl Yap stands by VinCentiments's digital short film, Online Class, despite strong criticism that the film engages in "public-shaming" teachers.
PHOTO/S: Darryl Yap Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results