Former DZMM anchors Anthony Taberna, Gerry Baja transferring to DZRH?

by Arniel C. Serato
Aug 10, 2020
Former DZMM veteran anchors Anthony Taberna (left) and Gerry Baja (right) will soon broadcast in its new home if negotiations are finalized between them and DZRH, Manila Broadcasting Company's AM station.
PHOTO/S: Courtesy: @istmegerryb on Instagram

Muli na bang maririnig ang mga beteranong brodkasters na sina Anthony Taberna at Gerry Baja sa radyo matapos silang magpaalam sa DZMM noong July 31?

Ito marahil ang magandang balita para sa masugid na tagasubaybay ng dalawa sa programa nilang Dos Por Dos sa DZMM, na nagpaalam sa ere matapos ang labimpitong taong pamamayagpag.

Apektado ang operasyon ng DZMM matapos ibasura ng Kongreso ang franchise application ng ABS-CBN, ang parent company ng nasabing radio station.

Sa isang Facebook post kahapon, August 9, winelcome ng DZRH anchor at reporter na si Henri Uri ang dalawa.

Nakalagay sa kanyang post: “Mga Kapamilya, Anthony Taberna and Gerry Baja, welcome mga Cumbachero dito sa bago ninyong tahanan! Come in!!!!!”

Continue reading below ↓

Unang lumabas ang ulat tungkol sa posibilidad na lumipat sa DZRH sina Anthony at Gerry sa PEP Troika ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Sabado, August 8.

GERRY BAJA: “NOTHING IS FINAL YET”

Ngunit nilinaw ni Gerry na hindi pa pinal ang negosasyon sa pagitan nila ni Anthony at ng Manila Broadcasting Company MBC, ang nagmamay-ari ng DRZH.

Sabi pa niya sa kanyang Instagram post, “But nothing is final yet. We’re still negotiating. Ang resulta..... susunod na!!!

@iamtunying28 #dospordos #saanngaba #abangan

Continue reading below ↓

Wala pang pahayag si Anthony ukol dito.

Ang commentary program na Dos Por Dos ay nagsimulang sumahimpapawid noong 2003, at tumagal sa ere ng labimpitong taon at tatlong buwan.

Si Anthony ay nagsimula sa DZMM noong March 1997, kaya 23 years siyang naging bahagi ng isa sa mga nangungunang AM radio station sa bansa.

Si Gerry naman ay 25 taong nagtrabaho sa DZMM.

Pumasok siya sa radyo bilang news writer noong October 1994, ngunit pagkatapos ng ilang linggo ay isinabak na agad siya bilang reporter.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former DZMM veteran anchors Anthony Taberna (left) and Gerry Baja (right) will soon broadcast in its new home if negotiations are finalized between them and DZRH, Manila Broadcasting Company's AM station.
PHOTO/S: Courtesy: @istmegerryb on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results