Detach Video
Paul Salas on ex Barbie Imperial: "Na-forgive ko naman kung ano man yung mga nagawa niya sa akin."
Aug 10, 2020

Sa PEP Exclusives interview ni Paul Salas, naungkat ang tungkol sa nakaraan nila ng ex-girlfriend na si Barbie Imperial.


Ikinuwento ng young actor ang pinagdaanan niyang stress dulot ng kinasangkutang kontrobersiya dahil sa mga akusasyong ipinukol sa kanya.

Nalagpasan ni Paul ang episode na ito ng kanyang buhay, ngunit malaking bagay para magawa niya ito ay ang payo't suporta ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at ng mismong management team niyang PPL.

Ngayon, kapag tinatanong, nasasabi na ni Paul tungkol sa ex-girlfriend: "Na-forgive ko naman kung ano man yung mga nagawa niya sa akin."

Taong 2018 nang magkaroon ng alitan ang magkasintahan noong sina Paul at Barbie.

Nagsimula ang kontrobersiya nang mag-post si Barbie ng mga larawan na nagpapakita ng mga pasa sa kanyang braso at dibdib.

Kasama ng post na ito ang description na: "Girls, just because mahal mo ang isang tao pero sinasaktan kayo physically, hindi pwedeng patuloy yan.

"HINDI TAMA MANAKIT NG BABAE PHYSICALLY."

Binura pagkatapos ni Barbie ang post na ito.

Ngunit inulan na ng batikos si Paul dahil dito.

Hindi nagsalita ang young actor hinggil sa mga akusasyon, ngunit dinepensahan siya ng kanyang kaibigan na si Kristoffer Martin, na nagsabing, "There's always two sides of the story. Mga naapektuhan wag pavictim."

Ipinagtanggol din ng kanyang mga magulang si Paul at sinabing hindi magagawa ng kanilang anak ang ibinibintang dito.

Ilang buwan pa ang nakalipas bago nagkomento si Paul tungkol sa kanila ni Barbie at ang tanging nasabi lang niya ay "Hindi lang kami nag-work."

Ayon pa kay Paul sa PEP Exclusives interview niyang ito, maayos na sila ngayon ni Barbie.

Para sa full PEP Exclusives interview ni Paul, i-click ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=g7JbJ0O1v8Q

HOT STORIES

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!

Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/

Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts

Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/philippineentertainmentportal

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results