Was Bianca Gonzalez "burned" by DZRH reporter disproving her claim about ABS-CBN signal?

by Rachelle Siazon
Aug 10, 2020
Bianca Gonzalez (left) apologizes to DZRH news reporter Henry Uri (right): "I never meant my post to 'put down' my fellow media practitioners..." A netizen tells Bianca: "There is no shame in admitting that you were previously speaking from a less informed place. There's a lot of info in the world. No one has all of it. We do our best, and at our best, we help each other learn."
PHOTO/S: @iamsuperbianca Instagram / Henry Uri Facebook

Hindi inaasahang lumikha ng debate ang pahayag ni Bianca Gonzalez na lubha pa rin siyang nanghihinayang sa pagkawala sa ere ng ABS-CBN.

Nag-aalala raw kasi si Bianca para sa mga lugar na umaasa sa ABS-CBN bilang tagapaghatid ng balita, lalo na sa mga oras na masama ang lagay ng panahon.

Maulan kasi sa Metro Manila nang i-tweet iyon ni Bianca, Linggo ng umaga, August 9.

Sabi ni Bianca kalakip ng broken heart emoji: "During times like this na malakas ang ulan at may bagyo, naiisip ko yung malalayong barangay na DZMM o ABS-CBN lang ang signal na umaabot para makakuha sila ng life-saving news tungkol sa panahon. Paano na sila?"


Continue reading below ↓

Si Bianca ay resident host ng ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother. Host din siya ng Cinema News, isang entertainment news program sa ABS-CBN-affiliated cable channel na Cinema One.

Maraming netizens, na mas malamang ay pro-government at anti-ABS-CBN, ang umalma sa tweet ni Bianca.

Base raw sa kanilang personal na karanasan, signal ng ABS-CBN ang hindi umaabot sa mga tahanan nila.

Non-ABS-CBN radio stations daw ang kanilang pinakikinggan sa mga lugar na walang access sa kuryente, telco companies, at Internet.

Sabi pa ng netizens na kontra kay Bianca, nasabi raw sa Congress hearing tungkol sa ABS-CBN francise na walang lugar sa probinsiya na ABS-CBN lang ang may signal.

Continue reading below ↓

DZRH NEWS ANCHOR HITS BIANCA OVER ABS-CBN SIGNAL ISSUE

Nainsulto naman si Henry Uri, news reporter sa DZRH, na pag-aari ng Manila Broadcasting Company, sa pahayag ni Bianca.

Si Uri ay nagko-cover ng Malacañang beat bilang reporter, at co-anchor din siya ng public affairs program na Coffee Break sa DZRH.

Linggo ng gabi nang mag-post ng open letter sa Facebook si Uri para kay Bianca.

Parang initsapwera raw ni Bianca ang ibang broadcast journalists mula sa ibang istasyon na todo-kayod din para magbigay-serbisyo sa taumbayan.

Ang sabihing "ABS-CBN lang" ang may signal ay isa raw "paglapastangan at pagyurak sa amin at SA IBA PANG KOMPANYA partikular sa aming himpilan at higit sa lahat sa AMING MGA PROVINCIAL ANNOUNCER/REPORTER AND CREW na sinusuong ang panganib maski sa pinaka liblib na lugar at itinataya ang kanilang buhay kung may bagyo at kalamidad para maihatid ang binabanggit mong life saving news."

Hindi raw tama ang tweet ni Bianca dahil, ayon kay Uri, ang DZRH-Manila Broadcasting Company ang may pinakamalaking radio network sa Asya.

Continue reading below ↓

Sabi pa sa open letter ni Uri: "Ma’am kaya naming magbanggit ng mga lugar na malakas ang signal namin na wala sila [ABS-CBN] pero hindi namin ninanais na ito ay ibandera para lamang magmukhang ang publiko’y sa amin lamang umaasa.

"ANG TUNAY NA GINTO AY HINDI INILALAKO!

"Ngunit sa post po ninyong ito na ginamit ninyo ang salitang 'LANG' much more na sinabi mo na ABS CBN LANG ANG SIGNAL NA UMAABOT bilang paglalarawan sa iisang himpilan, ay tila tandisan mong minamaliit ang isang malaking katibayan na kailanman ay hindi namin ipinagyabang na noong BAGYONG YOLANDA, MULA SA UMPISA, DZRH LAMANG KASAMA ANG AMING MGA SISTER STATIONS ANG TANGING HIMPILAN NG RADYO NA HINDI NAWALA SA HIMPAPAWID, SA KATUNAYAN ITO PA NGA ANG GINAMIT NG GOBYERNO PARA IPARATING SA TAO ANG MAHAHALAGANG IMPORMASYON!"

Binanggit ni Uri na ang DZRH-Manila Broadcasting Company ay mayroong 18 satellite stations sa iba't ibang probinsIya sa bansa.

Continue reading below ↓

Pag-aari rin daw ng pinapasukan niyang istasyon ang RHTV na may "1000 cable channels" sa buong Pilipinas.

Sa FM radio stations, hawak naman ng MBC ang 90.7 Love Radio, 101.1 Yes FM, 96.3 Easy Rock, at Aksyon Radyo.

Sabi pa ni Uri sa huling bahagi ng kanyang post, "Sa katunayan, dahil sa lakas, lawak at mataas na tiwala at pagtingin sa amin ng milyon-milyon naming tagapakinig at maging ng aming mga kalaban, may lumipat na at may lilipat pa sa amin galing sa inyo."

Continue reading below ↓

BIANCA: NO INTENTION TO "PUT DOWN" MEDIA PRACTIONERS

Nakarating kay Bianca ang mensahe ni Uri ng DZRH.

Nilinaw ni Bianca na wala siyang intensiyong maliitin ang ibang media practictioners at broadcasting companies.

Pero humingi ng dispensa si Bianca dahil nakasakit daw ng damdamin ang kanyang tweet.

Bahagi ng mensahe ni Bianca sa Twitter nitong umaga ng Lunes, August 10:

"I never meant my post to 'put down' my fellow media practitioners, why would I eh tulungan lahat, and for those I offended, I apologize."

Kinilala rin ni Bianca ang impormasyong marami pang ibang radio stations na nagdadala ng balita sa taumbayan.

Bilang patunay, ni-retweet ni Bianca ang komento ng isang netizen na nagsasabing: "Marami pong local radio station ms. Bianca besides responsibilidad rin poh ng local na pamahalaan na mabigyan ng tamang impormasyon yung kanilang hanay!"


Continue reading below ↓

BIANCA'S MESSAGE TO NAYSAYERS

Aminado si Bianca na may mga nagsasabing supalpal daw siya sa open letter ni Uri ng DZRH.

Sa halip na matinag, nanatiling positibo ang pagtingin ni Bianca sa sitwasyon.

Tweet ni Bianca (published as is): "Some people think na-'burn' ako sa post ni Sir Henri Uy, but I don't feel that way..

"honestly ayoko ma-stuck sa isang echo chamber kaya sobrang na-appreciate ko when people explain things (whether its to "burn" or to educate me.)

"I feel grateful kasi mas alam ko na ngayon.

"I try to remind myself na wag matakot na ma-'burn' and instead, always be willing to learn!!

"Have a good week and kapit lang tayo!!!"


Continue reading below ↓

Nagkamali si Bianca ng spelling ng pangalan ni Henry Uri ng DZRH sa kanyang tweet, kaya makalipas ang ilang oras ay sinundan niya ito ng erratum.

Mapagkumbabang sabi ni Bianca, "Waah! Sorry for the typo error, Sir Henry Uri!!!!

"I also don't like it when my name gets misspelled kaya I apologize for this major typo. Henry Uri, not Uy!

"Aguy, sunud sunod na palpak ah. One of those days!"


Continue reading below ↓

BIANCA TO NETIZENS CALLING HER "BOBO"

Diretsahang sinabi ni Bianca na may mga taong nagsabi sa kanya na "wala kang alam" o "bobo mo."

Pero giit ni Bianca, hindi niya hahayaang maging balakid ang mga batikos sa kanya para mas maging well-informed sa mga isyu.

"If you message me saying 'wala kang alam' or 'bobo mo” or any version of that, masakit man ang salita mo, ang ending ay good for me pa rin kasi pinipili ko lagi na matuto to know more and to be better dahil tao lang tayo at hindi natin alam lahat ng bagay.

"Kaya, salamat na din."

May mga netizens namang dumepensa kay Bianca. Sang-ayon silang walang dapat ikahiya si Bianca sa kinasangkutang isyu.

Isa sa pinakamatalinong comment na kampi kay Bianca:

"There is no shame in admitting that you were previously speaking from a less informed place.

"There's a lot of info in the world. No one has all of it.

Continue reading below ↓

"We do our best, and at our best, we help each other learn."



Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca Gonzalez (left) apologizes to DZRH news reporter Henry Uri (right): "I never meant my post to 'put down' my fellow media practitioners..." A netizen tells Bianca: "There is no shame in admitting that you were previously speaking from a less informed place. There's a lot of info in the world. No one has all of it. We do our best, and at our best, we help each other learn."
PHOTO/S: @iamsuperbianca Instagram / Henry Uri Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results