Is the Marvin Agustin-Markki Stroem sleeping photo real or fake?

by Arniel C. Serato
Aug 10, 2020
Marvin Agustin (left) and Markki Stroem (right) have denied that there's a romantic relationship between them. The photo of two men sleeping (center), whom many think are Marvin and Markki, went viral in July 2020, but no one has yet attested to its authenticity.
PHOTO/S: PEP File / Courtesy: Twitter / Markki Stroem on Facebook

Muli na namang nabuhay ang isyu sa pagitan ni Marvin Agustin, 41, at ni Markki Stroem, 33, dahil sa isang larawang unang pinag-usapan sa social media noong Hulyo 11 at ngayon ay viral na.

Sinasabi ng mga nakakita sa larawan ng dalawang lalaking nakahiga, na si Marvin ang natutulog sa dibdib ni Markki, na nakatingin at nakangiti sa litrato.

Ngunit may nagsasabi namang bagamat malinaw ang mukha ni Markki, hindi ganoong kalinaw ang mukha ng nakahiga sa kanyang dibdib.

Sa litrato, natatakpan ng kumot ang kanilang mga katawan pero mahihinuhang parehong walang suot na pantaas ang dalawa.

Pinagpasa-pasahan na ang larawang ito sa Twitter at Facebook. Naghalong supportive, condemning, at neutral ang mga komento sa larawan.

Continue reading below ↓

Ganunpaman, walang kumpirmasyon kung authentic ang larawan o edited lamang gamit ang editing apps.

Hindi rin malinaw kung sino ang kumuha ng litrato at sino nagpakalat nito sa social media.

Sa pamamagitan ng Facebook, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag si Markki ukol dito noong Biyernes, August 7.

Ngunit “seen” lamang ni Markki ang aming mensahe.

Sa pamamagitan naman ng direct messaging sa Instagram at sa email, nagpadala ang PEP.ph ng mensahe kay Marvin noon ding Biyernes.

Hindi pa siya tumutugon sa aming mensahe.

Ngayong araw, August 10, nagpadala kami ng mensahe sa verified Facebook account ni Marvin.

Wala pa rin siyang tugon.

THE MARVIN-MARKKI CONNECTION

Matagal nang usap-usapan sa loob at labas ng showbiz ang diumano’y pagkakaroon ng espesyal na relasyon nina Marvin at Markki.

Mas lalo pang umigting ang usap-usapan nang namataan ng ilang netizens na magkasama ang dalawa sa bakasyon sa Batangas at sa Japan.

Continue reading below ↓

Noong January 2018, umingay ang ugnayan ng dalawa matapos magkomento ang maraming netizens ng “#lovewins” sa vacation photo na ibinahagi ni Markki sa kanyang Instagram.

Napansin kasi ng netizens na kasama si Marvin sa larawan.

Hindi nag-react si Marvin dito, pero nag-post siya ng isang cryptic message sa Instagram.

Nakasulat sa caption niya: “NEVER. BE. JUDGEMENTAL.

"It wont help any situation and wont do you any good. In fact, nakakapangit.”

Sa panayam ng PEP.ph kay Markki noong May 2018, sinabi ng Fil-Norwegian singer-actor na magkaibigan lamang sila ni Marvin.

Aniya, “Everyone has their perception. Ako naman, di ba, kung pinag-uusapan, pinag-uusapan…

“Any publicity is good publicity, positive or negative… I'm not saying this is negative.

“He's my friend, we do business together, so we've been working together for a while."

Nagkasama rin ang dalawa sa bakasyon sa Hong Kong at Amerika.

Inusisa ng PEP.ph kay Marvin ang tungkol dito noong November 2018 din.

Continue reading below ↓

He’s a good friend,” maiksing tugon ni Marvin tungkol sa ugnayan nila ni Markki.

Hindi naman daw nagpapaapekto si Marvin kung may gusto pang tumbuking iba ang mga tao tungkol sa pagkakaibigan nila ni Markki.

Sabi ng actor-businessman, “Twenty-two years na ako dito [sa showbiz], wala na yatang makakapag-papikon sa akin.”

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag nina Marvin at Markki ukol sa kumakalat na larawan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marvin Agustin (left) and Markki Stroem (right) have denied that there's a romantic relationship between them. The photo of two men sleeping (center), whom many think are Marvin and Markki, went viral in July 2020, but no one has yet attested to its authenticity.
PHOTO/S: PEP File / Courtesy: Twitter / Markki Stroem on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results