Woman claims she is the girlfriend of Angeline Quinto's rumored new boyfriend

by Arniel C. Serato
Aug 11, 2020
A woman claiming to be the girlfriend of the mystery guy (above), who was seen in recent Instagram posts of Angeline Quinto (above), says she was ghosted by him. She also says her boyfriend has three children in all by two different women.
PHOTO/S: Nonrev Daquina on Facebook / @loveangelinequinto on Instagram

Lumantad ang girlfriend ng non-showbiz guy na kasama ni Angeline Quinto, 30, sa mga larawang ipinost ng singer sa kanyang Instagram noong July 29, 2020.

Noong Huwebes, August 6, nakatanggap ng impormasyon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang reader na nagsabing kilala niya ang lalaking kasama ni Angeline.

Continue reading below ↓

Ibinunyag ng impormante na "Nonrev Pelayo Daquina" umano ang pangalan ng lalaki, na 26-anyos daw.

Dagdag niya, may tatlong anak na babae na raw si Nonrev mula sa dalawa nitong dating kinakasama.

Sabi rin ng aming impormante, may karelasyon ngayon si Nonrev, na isang kasamahan ng binata sa trabaho.

Para makumpirma raw namin ito, itinuro kami ng impormante sa isang Elisha Arellano, na siyang girlfriend umano ni Nonrev.

Sa tulong ng impormante, nakusap ng PEP.ph si Elisha sa pamamagitan ng direct messaging sa Facebook at Instagram.

Nagpaunlak si Elisha ng paisa-isang sagot sa mga tanong namin tungkol sa kanila ni Nonrev.

“IINOM LANG DAW SA BAHAY NI GIRL”

Ayon kay Elisha, 25, naging sila ni Nonrev sa kabuuan ng isang buwan at kalahati—mula Marso hanggang kalagitanaan ng Abril ng taong kasalukuyan.

Nagkakilala raw sila sa casino, kung saan pareho silang nagtatrabaho bilang mga dealer.

Nauna raw doon si Nonrev, at siya naman ay anim na buwan pa lamang sa trabaho.

Continue reading below ↓

Aniya, nagsimula silang magkalapit noong February 2020.

Hindi raw masabi talaga ni Elisha kung ano ang estado ng relasyon nila ngayon. Baka kaya ito raw ang tinatawag na "short-lived romance."

Itaas: sina Nonrev at Elisha sa panahong nagkakamabutihan sila.

Ayon kay Elisha, nagulat siya nang ipadala sa kanya ng isang kaibigan ang link sa isang artikulo ng PEP.ph tungkol sa Kapamilya singer na si Angeline Quinto at sa isang non-showbiz guy na kasama nito sa swimming pool.

Continue reading below ↓

Lahad ni Elisha, “Nung time kasi na nag-uusap pa kami ni Nonrev, ang paalam niya, iinom lang daw sa bahay ng girl [Angeline]. May iba naman na kasama.

“Ayun din, sabi nila, 'Grabe, nagawa pa tumawag.' Akala ko magtitino na siya.

“Tapos, after three days, pinost na ata siya ng girl."

Nasasaktan daw si Elisha dahil "almost 2 months magkasama kami."

May halong biro namang idinagdag nito, “Akala ko nga ako ang mahal. Charot.”

HOW ANGELINE AND NONREV MET

Ayon kay Elisha, nagkakilala sina Angeline at Nonrev sa pamamagitan ng isang common friend na may tindahan ng motorcycle parts.

Sa palagay ba ni Elisha ay may relasyon na ang dalawa?

Sagot niya, “Hindi 'ko sure, kasi nung nagkasama, friends lang daw.

“Pero magdamag, hindi man lamang nakapag-cellphone si Nonrev."

Sa pagkakaalam ni Elisha, nag-inuman sina Angeline at Nonrev, kasama ang iba pa, sa isang gastropub noong July 22.

Marahil daw, ang mga larawang ipinost ni Angeline sa Instagram noong July 28 ay kuha sa inumang iyon noong July 22.

Continue reading below ↓

Ipinakita rin ni Elisha sa PEP.ph ang huling pag-uusap nila ni Nonrev noong July 23. Ayaw na niya itong isapubliko, pero matapos raw ng text exchange na ito ay hindi na nagparamdam sa kanya si Nonrev.

GHOSTED BY NONREV?

Feeling ba ni Elisha ay na-ghosting siya?

Ang “ghosting” ay terminong gamit para sa magkarelasyong biglang hindi na nag-usap nang walang kadahilanan.

Sabi ni Elisha, “Basta bigla niya na lang akong hindi kinausap.

“Tinawagan ako July 23, ayun na yung last, tapos hindi na niya ako kinausap or sinuyo.”

Biktima ba siya ng ghosting?

Tugon niya, “Hahaha, parang ganun kasi ang peg hindi na lang kami nagpansinan.

“Wala nang naghabol at nanuyo basta nung di na nagreplayan, it’s over.

"But I never expected that to happen kasi hindi ko naisip na ganung klaseng tao siya.

"Tapos ayun nga, meron kaming common friends and iba’t ibang tao pa ang nag-send nung screenshots, siyempre nabigla ako ta's naisip ko 'Ah, okay, so that’s why.'”

Continue reading below ↓

Biro pa niya tungkol sa pagsama ni Nonrev kay Angeline, “Parang lagi andun. Gusto makaranas ng marangyang buhay. Hahaha, joke.”

Ayon kay Elisha, nakatira si Nonrev sa tabing riles ng tren sa may Sampaloc sa Maynila.

Himutok niya, “Nakakainis talaga. Sana naniwala ako sa sinabi ng ex-wife niya.

“May dalawang anak tapos meron pang isang anak sa labas.

“Ewan ko nga din, ako nga di 'ko sure kung bakit ako nabudol hahaha."

Tinawag niya itong "ex-wife," ngunit nang uriratin si Elisha, sinabi nitong maaaring hindi kasal si Nonrev sa ina ng dalawang bata.

Sinabi rin ni Elisha na baka hindi alam ni Angeline na dalawang batang babae ang anak ni Nonrev sa unang naka-live in, at may isa pang anak itong batang babae rin sa isa pang naka-live in din.

Sa palagay ni Elisha, bagong magkakilala pa lang sina Angeline at Nonrev nang nag-swimming ang mga ito sa bahay ng singer.

Continue reading below ↓

Limang araw bago i-post ni Angeline sa Instagram ang mga larawan nila ni Nonrev ay hindi na raw siya kinakausap ng lalaki.

“SUPER BAGO LANG”

Ayon kay Elisha, ilang linggo pa lamang magkakilala sina Angeline at Nonrev.

Sabi niya, “Gigil ako kasi akala siguro ng mga tao na matagal na sila nag-uusap.

Continue reading below ↓

“As in, super bago lang. Kung magdikitan akala mo talaga! Iba talaga ang nagagawa ng quarantine.”

Ipinakita rin ni Elisha sa PEP ang Facebook Story ni Nonrev na nagpapakitang sweet sila ni Angeline.

Pakiramdam ni Elisha ngayon ay ipinagpalit siya ni Nonrev sa isang artista.

Continue reading below ↓

Aniya, “Iba kaya pakiramdam maipagpalit sa artista? First time 'ko maipagpalit, sa artista pa, bakit ganun?”

Pabiro niyang mensahe sa PEP.ph, “Pero nakakaasar kasi feeling nila wala siyang nasasaktan hahaha.”

Hindi na nakapagpigil si Elisha, “Kaka-26 lang ni guy, binigyan ko pa cake 'yang animal na 'yan nung birthday niya.”

ANGELINE: “ML PA MORE”

Linggo ng gabi, August 9, muling nag-post si Angeline sa kanyang Instagram Stories ng larawan ni Nonrev na naglalaro gamit ang cellphone nito.

Caption dito ng Kapamilya singer, “ML pa more.”

Ang ML na tinutukoy ng Kapamilya singer ay ang Mobile Legends game.

Continue reading below ↓

Nang makita ito ni Elisha, reaksiyon niya, “Ay taray. Iba din always nasa bahay ni girl.

“Kaya pala hindi na nagdu-duty sa work. Dumu-duty kay madam ahahahaha.”

COMMENTS FROM ANGELINE'S JULY 28 POST

Sa Instagram post ni Angeline ng larawan nila ni Nonrev noong July 28 ay may nagkomento na ukol sa lalaki.

Ayon sa isang netizen, "Hala kilala ko to ate ehh si nonrev to ate di ba?@loveangelinequinto may dalawa na siyang anak na ang gaganda."

Tanong nito, “ang cute kayo ba ???”

Sagot naman ng isang netizen sa komentong ito, “yeah my 2kids na yang guy, pero kung saan masaya si @loveangelinequinto we suport u ge!!”

Continue reading below ↓

Walang sinagot si Angeline sa dalawang nagkomento.

Naka-private ang account ni Nonrev sa Instagram, pero makikita ritong pina-follow siya ni Angeline.

Noong Marso ay sinabi ni Angeline sa isang interview na heartbroken siya dahil sa isang lalaking hindi raw niya alam ay may anak at may ka-live in.

Itinanggi rin niyang may relasyon sila ng isa pang non-showbiz guy na malapit sa kanya.

Ngayon ay meron siyang bagong non-showbiz guy, na kung tama ang aming nakalap ay nagngangalang Nonrev.

Continue reading below ↓

Nagpadala ang PEP.ph ng mensahe kay Angeline via Instagram at kay Nonrev via Facebook upang hingan sila ng komento tungkol sa mga rebelasyon ni Elisha.

Kaagad namin itong ilalathala kapag natanggap namin ang sagot nila.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A woman claiming to be the girlfriend of the mystery guy (above), who was seen in recent Instagram posts of Angeline Quinto (above), says she was ghosted by him. She also says her boyfriend has three children in all by two different women.
PHOTO/S: Nonrev Daquina on Facebook / @loveangelinequinto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results