Confirmed: Former DZMM anchors Anthony Taberna, Gerry Baja transfer to DZRH

by Arniel C. Serato
Aug 11, 2020
Veteran radio anchors Gerry Baja (left) and Anthony Taberna (right) pose for a picture at the giant Star City signage in an amusement park complex housing the AM and FM stations of Manila Broadcasting Company (MBC), including DZRH. Days earlier, rumors circulated online that the former DZMM anchors will transfer to DZRH after being retrenched from the embattled broadcast firm.
PHOTO/S: Courtesy: @iamtunying on Instagram

Kumpirmado na ang paglipat ng mga dating anchors ng DZMM na sina Anthony Taberna at Gerry Baja sa DZRH.

Ngayong hapon ng Martes, August 11, nag-upload si Anthony sa Instagram ng mga larawan at video nila ni Gerry na kuha sa Star City, na pagmamay-ari ng pamilya Elizalde.

Continue reading below ↓

Sa Star City Complex sa Pasay City matatagpuan ang studios ng AM at FM stations ng Manila Broadcasting Company (MBC), kasama na ang DZRH.

Nakalagay sa caption ni Anthony: “Medyo malayo man, masaya naman dito sa Star City! Tara Kumbachero, susundan kita.

"Susundan nyo rin ba kami?

"#dospordos #doskumbacheros #tatawid #partners @itsmegerryb @rosseltaberna

Continue reading below ↓

Base sa kanyang caption, maaaring Dos Por Dos pa rin ang titulo ng magiging programa nila ni Gerry sa kanilang bagong tahanan.

Sa mga hashtags na kanyang isinulat, may nakalagay ditong "tatawid," na maaaring ang ibig sabihin ay ang kanilang paglipat mula DZMM patungong DZRH.

Nauna nang kinumpirma ni Gerry sa isang Instagram post na nagpapatuloy ang negosasyon nila ni Anthony sa DZRH, pero wala pa raw pinal na desisyon ukol dito.

DZMM RETRENCHMENT

Naging emosyunal sina Anthony at Gerry noong July 31 dahil iyon na ang huling broadcast nila sa DZMM.

Noong araw ding iyon nakatakdang magpaalam sa ere ang kanilang programang Dos Por Dos na tumagal sa himpapawid nang labimpitong taon.

Kasama ang dalawa sa naapektuhan sa malawakang cost-cutting diumano ng DZMM alinsunod sa pagkabasura ng franchise application ng ABS-CBN, ang parent company nito.

Hindi nakalusot sa Kongreso ang franchise bid ng ABS-CBN Corporation matapos ang botohan ng mga mambabatas sa bilang na 70-11 pabor sa pagbasura sa kanilang aplikasyon.

Continue reading below ↓

May 23 taong naglingkod sa DZMM si Anthony, samantalang 25 taon naman si Gerry.

Sa pagdokumento ni Anthony sa final broadcast ng programa nila ni Gerry, sinabi nilang magiging jobless daw sila matapos ng araw na iyon.

Pero makalipas ang mahigit isang linggo, nakatawid na agad ang dalawa sa kauna-unahang radio station sa bansa.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran radio anchors Gerry Baja (left) and Anthony Taberna (right) pose for a picture at the giant Star City signage in an amusement park complex housing the AM and FM stations of Manila Broadcasting Company (MBC), including DZRH. Days earlier, rumors circulated online that the former DZMM anchors will transfer to DZRH after being retrenched from the embattled broadcast firm.
PHOTO/S: Courtesy: @iamtunying on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results