Arci Muñoz on failed relationships: "Ginagawa ko na lahat, iniiwan pa rin ako!"

by Rachelle Siazon
Aug 12, 2020
Kapamilya actress Arci Muñoz on self-love: "Eto ata pinakamatagal kong single ako. Magdadalawang taon. Parang freedom na, 'Wow, sarili ko muna.'"
PHOTO/S: @ramonathornes Instagram / ABS-CBN PR Facebook

Prangkang inamin ni Arci Muñoz na ilang beses na siyang talunan sa larangan ng pag-ibig.

"Hindi ako magaling diyan, e. Ginagawa ko na lahat, iniiwan pa rin ako!" bulalas ni Arci sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang huling boyfriend ni Arci ay ang Chinese businessman na si Anthony Ng. Tumagal ng dalawang taon ang kanilang relasyon bago sila naghiwalay noong early 2019.

Nakarelasyon din noon ni Arci si Badi del Rosario, isang rock band singer at anak ng Brunei Prince na si Jefri Bolkiah. Tumagal ang relasyon nila ng tatlong taon bago sila naghiwalay bandang December 2016.

Hindi na binanggit ni Arci ang kanyang ex-boyfriends, pero napagtanto raw niyang nakakalimutan niya ang sarili sa tuwing pumapasok siya sa relasyon noon.

Paliwanag ng aktres, "Whenever I'm in a relationship, I give it my all. Sometimes I forget about leaving a little bit of self-love.

"E, ayun po, sa aking mga experience before sa previous relationships ko, as in buhos talaga, e. Parang ako yung lalaki."

Continue reading below ↓

Nakapanayam ng PEP.ph si Arci sa presscon ng digital special na Love Unlock: Hook-up, kahapon, August 11.

HOT STORIES

"SARILI KO MUNA."

Kung noon ay buwan lang ang pagitan bago siya umibig muli, ngayon ay pinili raw ni Arci na manatiling single muna.

"So ngayon na may time ako alone, by myself, single... Eto ata pinakamatagal kong single ako. Magdadalawang taon. Parang freedom na, 'Wow, sarili ko muna.'"

Mas natutukan daw ni Arci ang pag-aalaga sa sarili.

"Ang na-unlock ko during this quarantine, I was able to spend time alone.

"I learned na kailangan for you to be able to love someone else, kailangan mahal mo sarili mo.

"Itong journey na pinagdadaanan ko ngayon, na-appreciate ko yung maliliit na bagay and also to appreciate myself more."

ALONE, BUT NOT LONELY

Hindi raw nagmamadali si Arci magkaroon uli ng boyfriend.

May nanliligaw raw kay Arci bago naganap ang community quarantine, pero tila hindi pa prayoridad ng dalaga ang love life.

Continue reading below ↓

"It's my choice to stay single right now. Like, kahit may nagpaparamdam before lockdown, choice ko talaga, ako muna, sarili ko muna.

"I wanna travel by myself na wala ako iniintindi. I was able to spend time with my family. I'm super duper happy.

"Pagdating ng panahon at andiyan na yung tamang tao para sa akin, ayan na, alam ko na kung paano yung tamang ibibigay ko lang sa taong iyon."

Dati raw, "As in buhos talaga, e. Parang ako yung lalaki."

Ngayon, hirit ni Arci, "Imaginary boyfriend na lang muna!"

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Arci Muñoz on self-love: "Eto ata pinakamatagal kong single ako. Magdadalawang taon. Parang freedom na, 'Wow, sarili ko muna.'"
PHOTO/S: @ramonathornes Instagram / ABS-CBN PR Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results