Remember when Gerald Anderson reacted this way when asked about Julia Barretto?
Aug 12, 2020

Kuha this year, katatapos lang ng PEP Live interview nina Gerald Anderson, Elmo Magalona, at Nash Aguas para sa promotion ng ABS-CBN series na A Soldier's Heart.

Nagpaunlak ng maikling interview sa staff ang tatlong Kapamilya actors.

Kay Gerald, natoka ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) senior correspondent na si Arniel Serato.

Tinanong ni Arniel si Gerald tungkol sa mga nangyari rito last year at kung paano ito nalagpasan ng aktor.

Sagot ni Gerald, nakatulong din naman daw sa kanya ang mga nangyaring iyon.

"Maraming nangyari... But, I'm also in a way happy because may mga challenges na dumating sa buhay ko last year at ang dami kong... nag-grow ako as a person, " sagot ni Gerald.

Dahil daw sa mga tao sa kanyang paligid kaya nalagpasan niya ang lahat ng pagsubok na dumating sa kanyang buhay nung nakaraang taon.

Nagsimula nang magtanong si Arniel tungkol sa kinahantungan ng relasyon nina Gerald at ng ex-girlfriend nitong si Bea Alonzo, ngunit hindi binanggit ng PEP staff ang pangalan ng aktres.

Matatandaang Hulyo ng nakaraang taon nang maging kontrobersiyal ang nangyari sa relasyon nina Bea at Gerald.

Ikinakabit sa nangyari kina Bea at Gerald ang pangalan ng aktres na si Julia Barretto na diumano'y may kinalaman sa breakup ng magkasintahan.

Maingat ang sagot ni Gerald, "I'm just really driven right now sa buhay ko. And, yes, every day, growing as a person.

"Kung anuma'ng mangyayari in the future, I hope it's all positive."

Doon na nagtanong si Arniel ng tungkol kay Julia:

"Kasi kahit paano, iniuugnay pa rin kayo ni Julia ng mga tao, kung ano ang suot mo, kung ano ang suot niya..?"

Panoorin ang video kung paano nag-react si Gerald at kung ano ang mga sumunod na nangyari pagkatapos ng tanong na ito.

HOT STORIES

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!

Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/

Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts

Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/philippineentertainmentportal

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results