Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus open up about John Regala being a difficult patient

by Jerry Olea
Aug 12, 2020
Chuckie Dreyfus (right) on John Regala (center) insisting on being discharged from the hospital against doctors' advice: "We can only do so much, lalo na if the person you're trying very hard to help out has difficulty cooperating. May limitasyon din lahat."
PHOTO/S: @officialnadiamontenegro / Aster Amoyo Facebook / @chuckiedreyfus Instagram

Nagpupumilit si John Regala lumabas na ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) kahit hindi pa siya lubusang naka-recover.

Si John ay may liver cirrhosis o pagpepeklat sa liver dahil sa long-term damage dito.

Dumaranas din si John ng gout o uri ng rayuma kunsaan sumasakit ang mga kasu-kasuan dahil sa mataas na uric acid sa dugo.

Hirap pang tumayo at lumakad si John, pero nais niyang magpa-discharge na sa ospital ngayong Miyerkules, Agosto 12.

Walang nagawa ang mga nagmamalasakit sa kanya kundi respetuhin ang desisyon niya.

Kabilang sa grupong tumutulong sa 55-anyos na aktor ay ang mga kapwa artistang sina Nadia Montenegro at Chuckie Dreyfus.

Tumutok din kay John ang entertainment writer-talent manager na si Aster Amoyo, Film Development Council of the Philippines Chair Liza Diño-Seguerra, Ang Probinsyano Party-list Representative Ronnie Ong, at iba pang mga kaibigan.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadia, na nag-asikaso sa paglabas ni John sa ospital ngayong araw.

Continue reading below ↓

"We did our best. We wanted sana to keep him there hanggang lumakas siya at makatanggap na ng meds at food ulit ang katawan niya," bungad ni Nadia.

Noong mga oras ding iyon ay nakapila sa bangko si Nadia para mag-withdraw ng nalikom na pondo pambayad sa hospital bill ni John.

Pagpapatuloy ni Nadia: "Sa hospital, matutulungan siya with his pain management.

"Pero siyempre, like any other patient, naiinip, nalulungkot, at mas gusto natin sa kung saan tayo kumportable.

"He wants to go home. Nag-aalala rin siya sa pambayad.

"Eto at napakabuti ni Lord. Saktong-sakto naman ang blessings na dumating kay John at makakabayad kami ng hospital bill niya."

Continue reading below ↓

John Regala as of August 11 update

ON JOHN BEING A DIFFICULT PATIENT

Napag-alaman din daw ni Nadia kay Aster na matigas ang ulo at hindi cooperative na patient si John.

"Nag-alala rin ako kay Nanay Aster, kasi sobrang stressed kausapin si John na umiiyak araw-araw at nagmamakaawang umuwi.

"When he’s in pain, sa amin siya tumatawag. When he’s sad and wants to go home, anytime ‘yan tatawag.

"Siyempre, hindi na kami nakakatulog pag ganun."

Sana raw ay tulungan din ni John ang sarili nito.

"He got his way all his life.

"Sana, yung plans naman ni God sa life niya, pagbigyan niya. Kasi, hindi nag-work ang plans niya sa sarili niya."

Hindi raw alam ni Nadia kung paano ang gagawin ni John sa susunod na makaramdam ito ng sakit o panghihina ng katawan.

"After this, all I can do is pray for him and hope he learns to be obedient sa mga nag-aalaga at nagmamahal sa kanya. Sana gumaling siya at humaba pa ang buhay niya.

Continue reading below ↓

"We can only do so much. I’m just grateful for the opportunity given to us to help my brother and my co-actor together with Chuckie, Nanay Aster, and the rest.

"It’s not easy, but anything to please God..."

HOT STORIES

CHALLENGES IN TAKING CARE OF JOHN

Naglabas din ng sama ng loob si Nadia dahil may ibang humuhusga sa grupo nila nina Chuckie, gayong sila ang nagmamalasakit kay John.

"Sobrang hirap ng sitwasyon namin. Kami ang nanghihingi ng help. Kami ang nahuhusgahan," hinaing ni Nadia.

"Na-bash pa ako, pero okay lang. Wish ko sa mga nakakapag-judge pa, e, magawa kahit kalahati ng ginagawa namin para sa kapwa.

"Basta si Lord ang gusto kong i-please, hindi tao."

Aminado si Nadia na hindi madali ang efforts ng grupo para matulungan si John.

"Habang nagwo-worry ako kay John, nagwo-worry rin ako kay Nanay Aster. Pati kami, nagkakainitan na ng ulo sa grupo. Hahaha!

"Walang alam si John sa pinagdaanan namin to get him there.

Continue reading below ↓

"But I love him as my brother. We will do anything for our loved ones. Kaya GO PA RIN NANG GO!"

"BUWIS-BUHAY" HOSPITAL VISITS

Lahat ay may pinagdaraanan sa panahon ngayon. Kaya nakakabilib na nakapaglaan pa sila ng panahon para kay John, lalo pa’t nakakatakot lumabas ng bahay dahil sa COVID-19.

May mga pagkakataong bumisita rin ang grupo nila sa ospital para tingnan ang lagay ni John.

"Nakakatakot talaga. Buwis-buhay," pag-amin ni Nadia.

"Di naman pwedeng si Nanay Aster ang mag-asikaso sa paglabas ni John sa ospital dahil senior na siya.

"Si Chuckie, may senior din sa house, ang dad niya. So, ako lang talaga."

Sinu-sino ang katuwang ni Nadia sa pag-aasikaso para makalabas na si John?

"Apat kaming hiwa-hiwalay. Ako, nasa bank. Ang yaya ni John, nakapila sa NKTI. Ang yaya ko, nasa labas ng NKTI, hawak ang pera," sagot ni Nadia.

Nagpasalamat naman si Nadia sa pag-alalay nina Liza at Congressman Ong.

Continue reading below ↓

"Hindi namin magagawa lahat ito without the help and support of Liza Diño and Congressman Ronnie Ong and his whole staff.

"Thank you sa lahat ng staff nurses and doctors of NKTI, lalo sa dalawang caregiver ni John na sina Bem at Dale.

"And sa lahat-lahat-lahat ng nag-donate, hindi ko na sila maiisa-isa. Basta, si Lord na ang bahala sa kanila!"

CHUCKIE SADDENED BY JOHN'S LACK OF COOPERATION

Kagaya nina Nadia at Manay Aster, tutol si Chuckie sa desisyon ni John na umuwi na ng bahay.

"Gusto sana namin na mag-stay pa si John sa hospital for a couple more days para magpalakas pa," sabi ni Chuckie nitong Miyerkules ng hapon via Messenger.

"He is clearly not fully well yet. Kahit nakakatayo na at nakakakain ng solid food, marami pa siyang nararamdamang pain.

"Whatever his real reason kaya siya nagmamadali umalis ng hospital, hindi kami sure kung bakit.

"Baka nalulungkot or baka ayaw gumastos masyado, or ayaw lang niya talaga."

Continue reading below ↓

Wala raw magagawa ang grupo ni Chuckie kung si John mismo ay ayaw nang magpa-confine sa ospital.

"Basta all I can say is we did everything we can in the short amount of time given to us to help John.

"We can only do so much, lalo na if the person you're trying very hard to help out has difficulty cooperating. May limitasyon din lahat."

Nagpapasalamat si Chuckie na nakalikom sila ng sapat na donasyon mula sa mga kaibigan, maging sa mga hindi kakilala, na nag-alala para sa kalagayan ni John.

Hindi na raw kinailangang mamroblema ni John sa hospital expenses nito.

Dagdag ni Chuckie, "Ang wish ko lang is that sana, maisip ni John SOONER rather than later na maraming tao ang tumugon sa pangangailangan niya.

"And hopefully, ma-realize niya na kailangan niyang maging mabait, obedient, at appreciative sa mga taong nagmamahal, tumutulong, at nag-aalaga sa kanya.

"Nagpapasalamat pa rin ako sa pagkakataon na makatulong sa isang kapatid sa industriya.

Continue reading below ↓

"Nagpapasalamat ako sa pagkakataon na makasama sina Nadia, Nanay Aster, Liza, at ang iba pa sa grupo namin sa pagtulong kay John."

LIZA DIÑO'S HOSPITAL VISIT

Noong Agosto 4, Martes, bandang 5:00 p.m., tinanggap ng NKTI si John matapos tanggihan ng ilang ospital.

Dalawang gabi muna si John sa tent na makeshift emergency room bago ito nagkaroon ng pribadong kuwarto.

Agosto 5, Miyerkules ng gabi, dumating si FDCP Chair Liza Diño-Seguerra sa NKTI to check on John na PHP500 lang ang pera noon.

Nahirapan si Liza makahanap ng ATM machine sa NKTI dahil sa dami ng emergency tents.

Ang lalaking napagtanungan ni Liza, lumabas na COVID-19 patient pala.

"Malayo naman ako sa kanila. As in more than 2 meters away. I was wearing an N95 mask, sila rin naman nakamask. At well-ventilated yung area.

"Siguro naman di ako dapat kabahan," bahagi ng Facebook post ni Liza noong August 5.

Isa ito sa patunay ng "buwis-buhay" efforts ng kanilang grupo para tulungan si John.

Continue reading below ↓

John Regala at the makeshift emergency room on August 5

Sa kabila ng mga hirap na kanilang kinahaharap, tulung-tulong pa rin sina Nadia, Chuckie, Aster, at Liza ngayong Miyerkules para makauwi si John sa tinitirhang condo.

Ayon sa latest update mula kay Liza, "Inaasikaso rin ng grupo yung continuity ng medicines ni John kahit nasa bahay na. Dahil may caregiver na, mas maaasikaso si John sa condo niya."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chuckie Dreyfus (right) on John Regala (center) insisting on being discharged from the hospital against doctors' advice: "We can only do so much, lalo na if the person you're trying very hard to help out has difficulty cooperating. May limitasyon din lahat."
PHOTO/S: @officialnadiamontenegro / Aster Amoyo Facebook / @chuckiedreyfus Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results