DZBB's Arnold Clavio shows support for Anthony Taberna, Gerry Baja transfer to DZRH

by Arniel C. Serato
Aug 12, 2020
Kapuso broadcaster Arnold Clavio (left) posts a message of support for fellow broadcasters Anthony Taberna and Gerry Baja (right) on their transfer to DZRH.
PHOTO/S: Courtesy: @akosiigan / @iamtunying28 on Instagram

Muling nagpakita ng suporta si Arnold Clavio sa mga kapwa brodkaster na sina Anthony Taberna at Gerry Baja.

Sa larangan ng media, magkakatapat o magkakalaban man ang inyong mga pinapasukang kumpanya, lahat ay magkakaibigan kapag nasa field ang mga personalidad na ito.

Si Arnold ay bahagi ng GMA News at mayroon din siyang programa sa DZBB, ang radio station ng Kapuso network.

Sina Anthony at Gerry ay kilalang mga hard-hitting radio anchors sa DZMM.

Ngunit dahil sa pagbasura ng Kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN, ang parent company ng DZMM, napasama sina Anthony at Gerry sa na-lay off sa istasyon at sa kanilang programang Dos Por Dos.

Lagpas dalawang dekada sa DZMM ang dalawang batikang komentarista.

Kahapon, August 11, kumpirmadong sumakabilang-istasyon na ang dalawa mula sa DZMM patungong DZRH ng Manila Broadcasting Company (MBC).

Nag-upload ng maraming photos at videos si Anthony sa Instagram ukol sa kanilang pagtawid sa kalsada sa may bandang Star City sa Pasay.

Continue reading below ↓

Sa isang video, sinabi nina Anthony at Gerry na malayo ang kanilang narating mula sa Quezon City hanggang sa Pasay City.

Sa Quezon City matatagpuan ang studio ng DZMM, sa Pasay City naman ang kinaroroonan ng broadcast complex ng MBC, ang parent company ng DZRH.

Continue reading below ↓

Sabi ni Anthony, “From Quezon City to Pasay, medyo malayu-layo. Pero sulit naman. Magiging masaya tayo dito.”

“MEETING NA BA WITH BOSS?”

Nagkomento naman kaagad sa post ni Anthony si Arnold.

Sabi ng Kapuso broadcaster, “Meeting na ba with Boss Deo Macalma??? Goodluck.”

Si Deo ang assistant vice president ng DZRH at itinuturing na isa sa mga haligi ng radio broadcasting sa bansa.

Continue reading below ↓

Nagpasalamat naman si Anthony kay Arnold sa kanyang Instagram Stories.

Saad niya, “Thanks for this, @akosiigan.”

Ang tinutukoy ni Anthony ay ang dalawang larawan ng grupong The Beatles at ang larawan nila ni Gerry na naka-dissolve.

Pareho kasi ang tema ng mga ito.

Ang sa bandang The Beatles ay para sa kanilang album na Abbey Road noong 1969.

Makikitang sa cover photo ng album ang pictorial nila na tumatawid sa kalyeng Abbey Road sa London.

Continue reading below ↓

Ang kina Anthony at Gerry naman ay tumatawid sila sa kalye sa may Pasay City.

Nauna nang nagpakita ng suporta si Arnold sa dalawa noong huling araw nila sa DZMM last July 30.

Sabi pa ni Arnold sa kanyang komento, "May mas magandang plano ang Diyos..."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso broadcaster Arnold Clavio (left) posts a message of support for fellow broadcasters Anthony Taberna and Gerry Baja (right) on their transfer to DZRH.
PHOTO/S: Courtesy: @akosiigan / @iamtunying28 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results