Diego Loyzaga makes showbiz comeback after two-year "break"

by Jojo Gabinete
Aug 12, 2020
Diego Loyzaga: "In my time and reflection, naisip ko pa rin na ito pa rin yun, gusto ko talaga maging artista. Gusto kong maging isang mahusay na aktor, gumawa ako ng mga proyekto na, yung mga tao, ma-appreciate din nila."
PHOTO/S: Instagram / VAA

Handang-handa na si Diego Loyzaga balikan ang kanyang passion sa pag-arte na tinalikuran niya nang halos dalawang taon dahil sa mga personal na dahilan.

Ang paglipat sa Viva Artists Agency (VAA) ang unang hakbang na ginawa ni Diego bilang bagong simula sa kanyang acting career.

Ngayong Miyerkules ng hapon, August 12, humarap si Diego sa Zoom conference at nagsalita tungkol sa kanyang mga napagtanto habang wala siya sa limelight.

Pahayag ng 25-year-old actor, "For the first time in my life, I put myself first, in the sense na tinanong ko ang sarili ko, 'Kumusta ka muna? Is this really what you want to do? Are these the people you want to be associated with in the business and career path you want to do for the next years, ten years?'

"Noong bata tayo, I think naman lahat tayo tinatanong tayo, 'O, where do you wanna see yourself the next five years? Where do you wanna see yourself the next ten years?'

Continue reading below ↓

"Yun ang ginawa ko noong 'break' ko."

Patuloy ni Diego, "I reflected on kung ano yung next decision na gagawin ko sa buhay ko, and saan kaya ako dadalhin sa next chapter ng life ko.

"And it took a little bit longer sana than what I wanted, but it wasn’t needed.

"So, marami pong realizations on where I wanna see myself Diego in the next, five, ten, fifteen years," saad niya.

Noong November 2018 ay nabalitang isinugod si Diego sa ospital, ngunit hindi nagbigay ng opisyal na pahayag ang kampo ng aktor kung ano ang dahilan.

Noong panahong iyon ay kabilang si Diego sa main cast ng ABS-CBN drama series na Los Bastardos. Hindi na nakabalik sa taping ang aktor at pinatay ang karakter niya sa teleserye.

Iyon ang naging hudyat ng pagpapahinga ni Diego sa showbiz.

ON MAKING A COMEBACK DURING PANDEMIC

At makalipas nga ang halos dalawang taon ay magbabalik na si Diego.

Continue reading below ↓

May paliwanag si Diego tungkol sa kanyang showbiz comeback sa panahon na malaki ang epekto ng coronavirus pandemic sa entertainment industry.

Aniya, "I wanted a comeback sana earlier, but given all the circumstances that 2020 has brought us, what better time than now?

"Kasi naisip ko na rin na things out there are not getting better, but if there’s a way to work pa rin, to be productive...

"'Yan naman talaga ang main goal ng isang tao, e, is to have a living, have a purpose of living.

"And in my time and reflection, naisip ko pa rin na ito pa rin yun, gusto ko talaga maging artista.

"Gusto kong maging isang mahusay na aktor, gumawa ako ng mga proyekto na yung mga tao, ma-appreciate din nila.

"'Yan ang passion ko, ‘yan yung ng gusto ko sa buhay."

Patuloy ng anak nina Cesar Montano at Diego Loyzaga, "And sabi ko, kung hintayin kong matapos pa itong nangyayari sa mundo, baka puti na yung buhok ko o baka wala na akong buhok. What better time na to start than now?"

Continue reading below ↓

Ang maturity ni Diego sa pagsasalita at sa mga pananaw nito sa buhay ang mapapansin nang magkuwento ito tungkol sa mga pinagdaanang pagsubok na nakatulong nang malaki sa pagkatao niya.

"Sa lahat ng nangyari sa akin, I think kasama naman yun sa buhay, e.

"Lahat naman tayo nagkaka-heartache, nagkakaproblema sa trabaho…

"Lahat naman ng tao, may pagsubok na dumarating sa buhay nila.

"Sometimes ready tayo, sometimes hindi.

"Pero hindi ibig sabihin, dapat i-pack up na lang yung day job natin at gusto ko na ang simpleng buhay."

Paglilinaw ni Diego, "Pero hindi ko sinasabing hindi ko gusto ang simpleng buhay.

"Puwede naman maging simple ang buhay ng isang artista, unless na ikaw na mismo ang nagpapakumplika sa buhay mo.

"Feeling ko naman, kaya kong ma-achieve yung simpleng buhay pero nag-aartista pa rin po ako."

ON SOFIA ANDRES

Hindi makukumpleto ang pagharap ni Diego sa entertainment press kung hindi siya tatanungin tungkol kay Sofia Andres.

Continue reading below ↓

Si Sofia ang ex-loveteam at rumored ex-girlfriend niya na isa nang ina at maligaya na sa piling ng karelasyon nitong si Daniel Miranda.

"I’m happy, I’m really happy for Sofia," sambit ni Diego.

"I see in her posts that she is happy and, you know, someone’s well being, their mental health is important.

"And nakikita ko sa mga post ng family ni Sofia o siya mismo, she’s happy. So I couldn’t wish her anything more in the world than that."

Mula nang magkanya-kanya sila ng landas, hindi pa nagkakaroon ng pagkakataong magkita sina Diego at Sofia.

Ayon sa aktor, ayaw niyang magpadala ng mensahe ng pagbati dahil baka iba ang maging interpretasyon.

"Hindi pa kami nag-uusap, pero sinabi ko sa sarili ko na when the day comes na I bump into her or I see her, I think, definitely [I will greet her].

"But for me to message [her], ayoko lang kasi baka a different message is received from other people from their part.

Continue reading below ↓

"So, siyempre, ano ba yung kasabihan na walang masamang tinapay for me...

"Pero ayoko lang makabastos in any way.

"But of course, I do really wish her the best and I’m happy that she’s happy," pahayag ni Diego.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diego Loyzaga: "In my time and reflection, naisip ko pa rin na ito pa rin yun, gusto ko talaga maging artista. Gusto kong maging isang mahusay na aktor, gumawa ako ng mga proyekto na, yung mga tao, ma-appreciate din nila."
PHOTO/S: Instagram / VAA
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results