Is Sarah Geronimo transferring to GMA-7?; GMA-7 exec reacts

by Rachelle Siazon
Aug 12, 2020
GMA-7 executive Annette Gozon-Valdes (left) refutes rumor about ABS-CBN star Sarah Geronimo (right) transferring to the Kapuso network. The lawyer-executive points out, however, "But who wouldn't want to have Sarah, right?"
PHOTO/S: Instagram

Sa hindi malamang dahilan, may mga nagpakalat ng espekulasyong lilipat sa GMA-7 si Sarah Geronimo.

Ilang araw rin itong usap-usapan sa social media.

Pero pinabulaanan ito ng lawyer-executive na si Annette Gozon-Valdes.

Ilan sa katungkulan ng abogada sa GMA Network ay programming consultant to the CEO of GMA at GMA Films president.

Anak siya ng chairman at CEO ng GMA Network Inc. na si Atty. Felipe L. Gozon.

Nag-react si Annette sa isyu sa Facebook post ni Atty. Trixie Cruz-Angeles, co-host ng Karambola sa DWIZ.

"Hindi yata haha," paglilinaw ni Annette sa espekulasyong may planong lumipat si Sarah ng GMA-7.

Pero ipinahiwatig ng GMA-7 executive na welcome si Sarah sakaling magka-posibilidad na maging Kapuso ito.

"But who wouldn't want to have Sarah, right?" tukoy ni Annette sa Popstar Royalty.

Dagdag niya, "Sana, in the future."

Ibinahagi ni Atty. Trixie ang palitan ng mensahe nila ni Annette sa Facebook noong August 6.

Continue reading below ↓

Nag-ugat ang isyu sa usap-usapan sa social media na namataan diumano si Sarah sa GMA Network Center noong August 6.

Pero sa ulat ng PEP Troika, nakasaad na ilang insiders ng GMA-7 ang nagbigay-linaw na walang katotohanang nasa GMA compound si Sarah.

Tiniyak ng insiders na noong araw na iyon ay tungkol lamang sa pagbabalik ng ilang Kapuso shows ang usapan sa virtual meetings ng GMA bosses, production managers, at iba pang staff.

Continue reading below ↓

Malinaw na si Sarah ay nananatiling solid Kapamilya star.

Si Sarah ay nasa pangangalaga ng Viva Arists Agency mula nang magsimula ang kanyang showbiz career.

Pero hindi maitatangging ang ABS-CBN ang naghinang kay Sarah para makilala bilang mahusay na singer, host, actress, at singing coach, na naging daan para maging A-lister siya sa local showbiz.

SARAH'S SUPPORT FOR ABS-CBN

Noon lamang July 19 ay nagbigay-pugay si Sarah sa ABS-CBN na makailang-beses daw "sumugal" para marating niya ang estado ng kanyang karera ngayon.

"Malaki po ang utang na loob ko sa network na ito at habangbuhay ko po ipagpapasalamat ang bawat oportunidad, tiwala na ibinigay nila sa akin," bahagi ng Instagram post ni Sarah.

Inisyu iyon ni Sarah siyam na araw matapos pagkaitan ng Kongreso ng prangkisa ang ABS-CBN.

Sabi pa noon ni Sarah, patuloy niyang ipinagdarasal na bigyan pa rin ng pagkakataon magbalik-operasyon ang radio at free-to-air TV ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

"Mahal ko ang aking ABS-CBN family," ani Sarah.

Pagkatapos manalo ni Sarah sa singing search ng Viva na Star For A Night noong 2003, lumabas muna siya sa GMA-7 bago lumipat sa ABS-CBN noong 2004.

ONGOING SHOW IN ABS-CBN

Sa ngayon, ongoing pa rin ang pag-ere ng ABS-CBN reality show na The Voice Teens Philippines kunsaan isa sa coaches si Sarah.

Sa darating na Sabado at Linggo, August 15 at 16, ang finale weekend ng show.

Mapapanood ito sa ABS-CBN-affiliated cable channels at iWant digital platform ng Kapamilya network.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7 executive Annette Gozon-Valdes (left) refutes rumor about ABS-CBN star Sarah Geronimo (right) transferring to the Kapuso network. The lawyer-executive points out, however, "But who wouldn't want to have Sarah, right?"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results