Alessandra de Rossi sees no career options this pandemic; regrets not finishing studies

by Bernie V. Franco
Aug 12, 2020
Alessandra de Rossi: “Lahat ng projects tinatanggihan ko rin, considering na kailangan ko na siyang gawin because I also have bills to pay.”
PHOTO/S: @msderossi on Instagram / YouTube (ABS-CBN Entertainment)

May pahiwatig si Alessandra de Rossi na pinagsisisihan niyang hindi natapos ang kanyang pag-aaral. Nararamdaman daw niya ito ngayong panahon ng pandemya.

Nagsimula sa pag-aartista si Alessandra sa edad na 13 anyos. Pero wala raw siyang balak noong mag-artista.

“Gusto kong mag-aral. Sabi ng mama ko, I should be a lawyer.

"Yung parang, ‘Walang nananalo sa 'yo, mag-lawyer ka, sure na, yayaman ka diyan.’

"Yun, parang yun ang nasa isip ko," sabi ng 36-anyos na aktres sa Facebook Live ng Monster Radio RX 93.1 FM noong July 23.

Pero naengganyo raw siya nang makitang kumikita na sa pag-aartista ang kanyang nakatatandang kapatid na si Assunta de Rossi.

Naging deciding factor din daw kay Alessandra na pasukin ang showbiz ang naranasang pambu-bully sa kanya sa eskuwelahan.

“Nag-start si Assunta, nakita ko meron siyang bank account, e, may pera siya.

“Tapos nung time na yun, binu-bully lang ako sa school, hindi ako masaya sa school.

Continue reading below ↓

“So, parang sabi ko, ‘Mama, pwedeng mag-artista na lang ako?’”

Nagtalo raw sila ng inang si Nenita Schiavone dahil ayaw siyang payagang mag-artista.

Kuwento ni Alessandra tungkol sa ina, “Siya yung super matalino, yung with honors lagi, ganyan.

“Umiiyak siya, ‘Anak, tapusin mo na yung school mo, para mo nang awa.’

"Sabi ko, ‘No, no. Ayoko nang mag-school, gagalingan ko na lang.’"

Pero dahil sa nangyayaring pandemic, napagtanto ni Alessandra ang kahalagahan ng pagtatapos sa pag-aaral.

"Ayun, pandemic. Dapat nag-school na lang ako."

May birong panawagan pa niya: “So, guys, stay in school para n’yo nang awa. At least meron kayong real job.”

Sa puntong ito, binanggit ng aktres na wala siyang ibang career option sa labas ng showbiz ngayong may krisis.

“I’m not saying this is not a real job, yung mga ginagawa natin, pero at least, you know, may iba pa kayong options.

“Like, ako, wala akong makitang option ngayong pandemic kung hindi, like...

Continue reading below ↓

"I grew up in show business, so malamang lahat ng friends ko creatives, writers, directors, ganyan…

“Lahat sila nagsa-suggest sa ‘yo vlogging, ayoko namang mag-vlogging. Mag-TikTok, ganyan.

Nagmuwestra si Alessandra ng paghawak sa ulo at pagpikit, at tila nagsisisi, “Yung parang… ‘Bakit ba hindi ako nag-law,’ di ba?”

HOT STORIES

ALESSANDRA TURNING DOWN PROJECTS

Sa panayam naman niya sa 24 Oras noong Lunes, August 10, sinabi ni Alessandra na sineseryoso niya ang stay-home na panawagan.

Kahit daw may project offers siyang nakukuha, tinatanggihan niya ang mga ito.

Pero dahil wala siyang trabaho, wala rin daw perang pumapasok.

"And, of course, dun sa stay-at-home na ‘yon, wala kang financial na papasok. It’s all palabas.

“Lahat ng projects tinatanggihan ko rin, considering na kailangan ko na siyang gawin because I also have bills to pay.”

Kaya naman napagdesisyunan ng Through Night and Day actress na ibenta ang isa sa kanyang dalawang sasakyan.

“Dalawa yung sasakyan ko, binili ko lang yung isa pangrelyebo sa coding, dahil nga pag coding, hindi ako lumalabas. Natatakot akong mahuli ng MMDA.”

Continue reading below ↓

ALESSANDRA MAKES SOCIAL MEDIA HER OUTLET

Kapansin-pansin din ang pagiging aktibo ni Alessandra sa social media, partikular sa Twitter, ngayong may pandemya.

Masipag ang aktres sa pagpapahayag ng opinyon—mula sa pagsagot sa netizens, pag-tweet ng witty remarks, hanggang sa pagbibigay ng seryosong pahayag sa political issues.

Marami sa kanyang tweet, tinumbok ni Alessandra ang desisyong isantabi ang trabaho at manatili sa bahay hangga’t may panganib ng COVID-19.

Bakas sa tweets ni Alessandra na siniseryoso niya ang banta ng virus.

Katulad na lamang ng pakikipagpalitan niya ng tweet sa Kapuso actress na si Chynna Ortaleza.

Naibahagi ni Chynna ang tungkol sa mga nababalitaan niyang kaso ng mga taong asymptomatic sa COVID-19.

Sila raw mismo, hindi alam ang panganib na bitbit nila hangga’t hindi nagpapa-test.

Sumang-ayon dito si Alessandra.

Continue reading below ↓

Paalala ni Chynna, kaya importante sa mga nagtatrabaho ang magpa-test para matiyak na hindi sila magdadala ng panganib sa iba.

Hirit naman ni Alessandra, “Ako nga ayoko magtrabaho eh. [laughing emojis] Mamumundok nalang, given the chance.”

Sinagot din ni Alessandra ang isang medical frontliner na nag-tweet kung gaano kahirap ang ginagawa nila—mula sa buong araw na nakasuot ng personal protective equipment (PPE) at pangambang mahahawa.

Continue reading below ↓

Pakiusap ni Alessandra: “Tulungan natin sila please by staying at home and isipin na lahat ay asymptomatic. PLEASE.”

Seryoso rin ang panawagan ng aktres nang maibalita noong August 1 na umabot sa halos 5,000 ang confirmed COVID-19 patients.

Tweet ni Alex: “Para sa lahat. Sa mga takot. Para sa mga kailangan magtrabaho. Para sa mga may ibang sakit. At lalo and para sa mga doktor.

Continue reading below ↓

“Pinas! Wag tayo umabot sa sobrang toxic na natin na parang isang bar tayo na 3 lang nayoyosi, pero paglabas mo, amoy yosi na damit at buhok mo. Gets.”

Minsan naman ay hinahaluan niya ng biro ang mensaheng nais ipahayag.

Gaya ng sagot niya sa isang medical frontliner na nag-tweet na kulang na sa staff ang pinagtatrabahuan nitong ospital.

Continue reading below ↓

Karamihan daw sa katrabaho ng frontliner ay Persons Under Investigation (PUI) na, habang ang iba ay nahawa na ng virus.

Ani Alessandra: “Naiintindihan kong kailangan ng mga tao magtrabaho talaga.

“Pero puno na din mga hospital, sila sila, nagkakasakit na rin.

“Ako nga buong pandemic, once lang nakatanggap ng century tuna light? Pano to?

"Wala bang cream silk blue?”

Continue reading below ↓

Sinagot din niya ang tweet ng GMA News reporter na si Joseph Morong hinggil sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, noong Hulyo, na mayroon siyang vaccine na inaasahang lalabas sa December.

Hirit ni Alessandra: “Pwede mag hibernate? Wake me up when November ends!”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alessandra de Rossi: “Lahat ng projects tinatanggihan ko rin, considering na kailangan ko na siyang gawin because I also have bills to pay.”
PHOTO/S: @msderossi on Instagram / YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results