Daniel Padilla raves about Kathryn Bernardo to friends: "Kahit walang ayos 'yon, napakaganda ng babaeng 'yon."

by Rachelle Siazon
Aug 13, 2020
Daniel Padilla keeps talking about random things about girlfriend Kathryn Bernardo in a Facebook Live with close friends. At one point, he says, "Baka may ginagawa. Di ko matawagan kasi gamit ko telepono ko. Paano kaya? Mayayari ako."
PHOTO/S: CTTO via @eternity_kathniel25 / Patrick Sugui Facebook

Kinakiligan nang husto ng fans na makita kung gaano ipagmalaki ni Daniel Padilla ang nobyang si Kathryn Bernardo sa kanilang malalapit na kaibigan.

Sa isang bihirang pagkakataon, sumalang si Daniel sa Facebook Live kasama ng mga kabarkadang sina Khalil Ramos at Patrick Sugui bandang 3 a.m. ng Huwebes, August 13.

Nasa kani-kanilang lugar ang tatlong magkakaibigan. Makikitang nasa loob si Daniel ng kanyang sports car at may iniinom, si Patrick ay nasa loob ng kuwarto, at si Khalil ay may background na kunwa'y computer shop.

Bukambibig ni Daniel si Kathryn sa kanilang usapan.

"Si Kathryn? Ayaw bang sumali dito? Tawagin niyo na si Kathryn or i-flood niyo na lang si Kathryn sabihin niyo sali siya sa ano..."

Continue reading below ↓

RAVING ABOUT KATHRYN'S BEAUTY

Pilit na hinahanap ni Daniel si Kathryn at sana ay sumali rin daw ito sa kanilang kuwentuhan.

Sabi ulit ni Daniel, "Anyway, ano na? Please balitaan niyo ako tungkol kay Kathryn.

"Asan na siya? Gusto ko siyang makausap dito.

"Kahit walang ayos 'yon, napakaganda ng babaeng 'yon. Hindi niya na kailangan mag-ayos."

Continue reading below ↓

Sa isang punto ng kanilang usapan ay sinabi ni Patrick na baka tulog na raw si Kathryn.

Sagot ni Daniel, "Baka may ginagawa. Di ko matawagan kasi gamit ko telepono ko. Paano kaya? Mayayari ako."

PATRICK TEASES DANIEL: "iN LOVE NA IN LOVE KA NA NAMAN!"

Maya-maya pa ay nagkuwento si Daniel na bilib siya sa nobya dahil ang bilis daw nitong matutong mag-piano.

"Si Kathryn nagpa-piano siya. Nagpa-piano si Kathryn ngayon. Galing niya!" bulalas ni Daniel.

Dugtong niya, "Ako, tumutugtog ako, di ba? Si Kathryn natututo sya sa cellphone, may app. Ang hirap nun, a!

"Well, may ganun talagang utak, e, she's a genius sa sarili niyang paraan."

Tinukso ni Patrick si Daniel, "E, di in love na in love ka na naman!"

Biro ni Daniel, "In love ako, ewan ko, o baka nagpapasikat lang siya."

Ang totoo ay pinaplano raw kasi nilang mag-jam ni Kathryn sa isang music collaboration.

Continue reading below ↓

CANDID DANIEL

Kakatuwang makita ang kaswal na pakikipagkuwentuhan ni Daniel kina Khalil at Patrick na labas sa kanilang trabaho bilang mga artista.

Pahapyaw pa nilang napag-usapan ang pagiging supportive boyfriends nila sa kani-kanilang karelasyon, lalo sa pag-shoot ng video content.

Si Khalil, girlfriend ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia, habang si Patrick, girlfriend ang streamer na si Aerial Garcia.

Continue reading below ↓

Nabanggit kasi ni Patrick na tutulungan niyang mag-shoot ang nobya ngayong araw.

Humirit si Daniel tungkol sa karanasan nila ni Kathryn sa pag-shoot ng video.

"Grabe, 'no, ganun na talaga, e. Ako minsan, nagagalit siya sa 'kin wala ako sa mood, pero di ko masyadong... alam mo 'yon? Sorry.

"Asan na ba si Kathryn kasi kami dapat nag-uusap ng ganito."

Nagpatawa si Daniel na para lang siyang nagkukuwento ng kanyang love story sa sikat na DJ na si Papa Jack, na kilala sa pagbibigay ng love advice sa radio show nito.

"Nag-o-open up ako kay Papa Jack. Idol ko si Papa Jack, pare. Pag pauwi ako galing taping, Papa Jack ako nakikinig."

Continue reading below ↓

TRENDING KATHRYN

Nag-trend sa Twitter ang pangalang Kathryn Bernardo matapos mapanood ng KathNiel fans ang Facebook Live nina Daniel, Khalil, at Patrick.

"Hulog na hulog si Daniel kay Kathryn," kilig na reaksiyon ng karamihan sa netizens.

Continue reading below ↓

Sabi pa ng iba, "Ang haba naman ng buhok ni kathryn."

Baka raw nakagat na ni Kathryn ang labi nito sa kakabanggit ni Daniel ng pangalan ng dalaga.

Tuwang-tuwa ang KathNiel fans na makitang sobrang "inlababo" si Daniel sa nobya. Kaya "sana all" daw ang mga lalaking dapat tuluran ang pagiging proud boyfriend ni Daniel.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla keeps talking about random things about girlfriend Kathryn Bernardo in a Facebook Live with close friends. At one point, he says, "Baka may ginagawa. Di ko matawagan kasi gamit ko telepono ko. Paano kaya? Mayayari ako."
PHOTO/S: CTTO via @eternity_kathniel25 / Patrick Sugui Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results