Karla Estrada boyfriend praises actress-TV host for raising a “great superstar”

by Arniel C. Serato
Aug 13, 2020
Jam Ignacio (left) on girlfriend Karla Estrada, mother of actor Daniel Padilla: “Behind Great Superstar is a Great Woman!”
PHOTO/S: Courtesy: @jamignacio on Instagram / @Estrada21Karla on Twitter

Very proud si Jam Ignacio sa girlfriend nitong si Karla Estrada dahil sa magandang pagpapalaki raw anak ng actress-TV host sa anak na si Daniel Padilla.

Kahapon, August 12, naging trending topic ang pagkabangga ng isang tricycle driver sa Ford Mustang sports car ni Daniel sa may Fairview, Quezon City.

Marami ang pumuri kay Daniel dahil bagamat siya ang naperhuwisyo, inabutan pa ng aktor ang tricycle driver ng P1000 para sa pagpapagawa ng motor nito.

Sa kanyang post sa Instagram ngayong araw, August 13, sinabi ni Jam na isang “great woman” si Karla.

Maayos daw kasing napalaki nito ang anak na si Daniel.

Papuri ni Jam, “Behind Great Superstar is a Great Woman!”

Sinamahan niya ito ng larawan nila ng girlfriend.

Continue reading below ↓

“Three hearts” at “2 praying hands” emojis ang tugon ni Karla sa post ng nobyo.

JAM, KARLA RELATIONSHIP

Lagpas isang taon na ang relasyon nina Jam at Karla.

Noong June 1, 2020 ay ipinagdiwang ng dalawa ng kanilang unang anibersaryo.

Inamin ni Karla ang relasyon nila ni Jam noong Nobyembre 2019 sa programang Magandang Buhay sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Bago pa nito, unang namataan ng publiko na magkasama ang dalawa at ilang kaibigan sa isang bakasyon nila sa Coron, Palawan.

Sa panayam kay Daniel noong December 2019, sinabi niyang masyado pang maaga para pag-usapan ang pagpapakasal ng kanyang 45-year-old na ina sa non-showbiz boyfriend nito.

Pero paano kung hahantong sa ganito ang desisyon ni Karla?

Sagot ni Daniel, “Well, mararamdaman naman namin yun ng mga kapatid ko, kung tama bang yun ang maging desisyon, di ba?

“Pero ngayon, nagtatantiyahan pa tayo.”

Ayaw ba niyang magpakasal si Karla kay Jam?

“Hindi naman sa ayaw. Pero tayo, e, nananantiya lang,” sabi ni Daniel.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jam Ignacio (left) on girlfriend Karla Estrada, mother of actor Daniel Padilla: “Behind Great Superstar is a Great Woman!”
PHOTO/S: Courtesy: @jamignacio on Instagram / @Estrada21Karla on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results