Kris Bernal on former love-team partner Aljur Abrenica: "Yes, na-in love ako sa kanya."

by Rachelle Siazon
Aug 13, 2020
Kris Bernal admits she fell for Aljur Abrenica at a time when he was in a relationship with Rich Asuncion. She kept her feelings in check: "Kahit gusto kita, kahit na-in love na ako sa 'yo, mataas ang respeto ko sa relationship mo."
PHOTO/S: @krisbernal / @ajabrenica Instagram

"I did fall in love with Aljur."

Ito ang prangkang pag-amin ni Kris Bernal tungkol sa pagtatangi niya kay Aljur Abrenica noong panahong sila ay love team sa GMA-7.

Naalala pa ni Kris, 31, na sabay sila ni Aljur, 30, na sumabak sa showbiz.

Produkto sila ng Kapuso reality show na StarStruck: Next Level (2006-2007), kunsaan itinanghal si Aljur na Ultimate Hunk, habang si Kris at partner niya noong si Mart Escudero ang Ultimate Love Team.

Nahulog daw ang loob ni Kris kay Aljur noong nagkatrabaho na sila sa mga teleserye.

Sumikat ang tambalan nila sa mga Kapuso drama series tulad ng Coffee Prince (2012), Machete (2011), The Last Prince (2010), at All My Life (2009).

"Aaminin ko, na-in love ako sa kanya, pero may girlfriend siya," pag-amin ni Kris sa kanyang YouTube vlog ngayong Huwebes, August 13.

Nahulog daw ang loob niya kay Aljur dahil sa madalas na "sweet" ang kanilang mga eksena sa teleserye.

Continue reading below ↓

"Araw-araw mo ba naman kasama, tapos yung eksena niyo lahat sweet-sweet-an.

"Tapos siyempre when you're acting, may truth dun, e. You have to feel yung truth sa heart mo while you're acting."

Aljur and Kris at a presscon in 2009 (left); Promo shoot for The Last Prince in 2010

Continue reading below ↓

Pero pinigilan daw ni Kris ang espesyal na nararamdaman niya para kay Aljur.

Alam daw niyang girlfriend ni Aljur ang Kapuso actress na si Rich Asuncion noon.

Ani Kris, "Hindi naman ako yung type ng tao na parang porke't like kita, maninira ako. Never ako nagkaroon ng ganung issue.

"Kung mapapansin niyo, wala akong ganung issue pagdating sa mga lalaki."

Giit pa ni Kris, hindi siya ang tipo ng babaeng mang-aahas ng boyfriend ng iba.

"No, hindi ako ganung klaseng girl! Kahit gusto kita, kahit na-in love na ako sa 'yo, mataas ang respeto ko sa relationship mo."

Continue reading below ↓

Aljur and Kris at a presscon for Coffee Prince in 2012

RICH AND ALJUR'S PAST RELATIONSHIP

Taong 2010 nang maging tampok ng espekulasyon ang lihim na relasyon nina Aljur at Rich.

Hindi nila tuwirang inamin iyon sa publiko dahil kasagsagan ng love team nina Aljur at Kris.

Matagal nang hiwalay sina Aljur at Rich nang aminin ni Rich na "management decision" na ilihim nila ni Aljur ang kanilang relasyon noon.

“Hindi naman necessarily because of their love team… Siguro sa aming tatlo na rin siguro yun, for our own careers," sabi ni Rich.

Base iyon sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rich noong December 2015.

Dagdag ni Rich, "Kasi nga, may mga gusto kaming ma-achieve sa buhay, sa pagiging artista namin.

"So, hinayaan... I mean, nag-agree naman kami dun."

Continue reading below ↓

Rich Asuncion and Aljur Abrenica at separate presscons

KRIS BERNAL SAYS IT'S ALL IN THE PAST

Back to the present. Idiniin ni Kris na kaswal niyang ikinuwento ang pagtingin niya noon kay Aljur dahil matagal na iyon.

Ani Kris, "Yes, na-in love ako sa kanya. Pero matagal na yun!

"Engaged na ako, and may family na siya."

Kaway pa ni Kris sa camera, "Hi, Aljur!"

Si Kris ay engaged sa boyfriend niyang chef at businessman na si Perry Choi.

Si Aljur ay pamilyado na at masaya sa piling ng asawang si Kylie Padilla.

Pamilyado na rin si Rich, na nakabase sa Australia kasama ng asawang si Benjamin Mujie.

Noong February 25, 2020, aksidenteng nagkrus ang landas nina Kris at Aljur sa isang gym.

Base sa video na ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram, masiglang nag-congratulate sila ni Aljur sa isa't isa.

Sabi sa caption ni Kris, "Me, congratulating him for his new born prince.

"Him, congratulating me on my engagement and made a promise that he’ll go to my wedding.

"We, getting old."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal admits she fell for Aljur Abrenica at a time when he was in a relationship with Rich Asuncion. She kept her feelings in check: "Kahit gusto kita, kahit na-in love na ako sa 'yo, mataas ang respeto ko sa relationship mo."
PHOTO/S: @krisbernal / @ajabrenica Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results