Melissa Ricks keeps her cool when basher tells her "parang elepante ka na"

by Rachelle Siazon
Aug 14, 2020
Actress Melissa Ricks flaunts love handles, saying it's her "reality" and that she loves her body just the way it is.
PHOTO/S: @melissaricks09 Instagram

Hindi nagpatinag si Melissa Ricks sa bashers na pinupuntirya ang kanyang body figure.

Kumpiyansa at kumportable ang aktres sa pagsuot ng cropped top at fit leggings na ipinakita niya sa kanyang Instagram noong August 11.

Sa comments section, may pumuna sa kanyang pangangatawan.

Tinanong ng basher kung ano raw ang nangyari sa "peg" niyang si Melissa.

Prangkang sabi ni Melissa, "tumaba at nag kaanak. Un po ang peg."

Continue reading below ↓

Sabay binatikos ng basher si Melissa, "Hnd bayay parang elepante kna melesa."

Nilagyan pa ng basher ng sangkatutak na laughing emojis ang kanyang mensahe.

Kampante pa rin ang sagot ni 30-year-old actress sa basher.

Ani Melissa, na kumindat pa sa kanyang emojis, "hayaan mo na. Maganda naman un elepante."

ON KNOWING HER BEST ANGLE

Isinilang ni Melissa ang kanyang anak na si Kiera Kelly noong January 12, 2015.

Continue reading below ↓

Aminado si Melissa na hindi madali ang pagbabawas ng timbang, at aktibo siya sa pagbabahagi sa Instagram ng kanyang weight-loss journey.

Supportive ang kaibigan ni Melissa na si Neri Naig. Batchmates sila sa defunct ABS-CBN reality show na Star Circle Quest Season 1 noong 2004.

Komento ni Neri, "Payaaaaaaaaaat na."

Sabi naman ni Melissa, "nako te, angle serves me right! but thank you!"

Continue reading below ↓

"MY REALITY"

Sa sumunod na litrato ni Melissa ay proud niyang ipinakita ang kanyang love handles habang suot ang parehong cropped top at leggings.

Nilagyan niya ito ng caption na "My reality" kalakip ng hashtag na "#LoveYourSkin."

Nagkomento rito si Mariel Rodriguez. Ani Mariel kay Melissa, "ALWAYS BEAUTIFUL."

Continue reading below ↓

Sagot ni Melissa, "aww love you Mariel! Thank you!!!"

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Melissa Ricks flaunts love handles, saying it's her "reality" and that she loves her body just the way it is.
PHOTO/S: @melissaricks09 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results