Watch Now

Korina Sanchez says ABS-CBN issue made her decide to hit back at trolls

by Jet Hitosis
Aug 14, 2020
Seasoned broadcaster Korina Sanchez started her career in ABS-CBN in 1987. Last month, Korina was among thousands of employees who got retrenched following the company's failed franchise renewal bid.
PHOTO/S: @korina on Instagram

Inamin ng veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez na matagal na siyang nakakatanggap ng pambabatikos sa social media.

Gayunman, ginagawan daw niya ng paraan para hindi mabasa ang mga komento ng tinatawag niyang online trolls.

Pero nung ang ABS-CBN na ang inatake ng mga ito, nagdesisyon ang 55-year-old Kapamilya broadcaster na patulan sila.

Si Korina ang host ng dating weekly news magazine program ng ABS-CBN na Rated K.

Dati rin siyang news anchor ng Kapamilya primetime newscast na TV Patrol, ng evening news program na Bandila, at ng defunct magazine show na Balitang K.

Sa loob ng maraming taon ay nagkaroon din si Korina ng iba’t ibang regular programs sa DZMM, ang flagship radio station ng ABS-CBN.

Taong 1987 nang magsimulang magtrabaho si Korina sa ABS-CBN.

Pero noong nakaraang buwan, isa siya sa libu-libong empleyado ng network na na-retrench matapos tuluyang pagkaitan ng Kamara ng prangkisa ang kumpanya nitong July 10.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KORINA BURNS ANTI-ABS-CBN COMMENTERS

Noong May 6, isang araw makaraang ipasara ng gobyerno ang broadcasting unit ng ABS-CBN, nag-trending si Korina.

Ito ay matapos na isa-isa niyang sinupalpal ang mga nagkomento na tama lang ipasara ang network.

Nag-react kasi ang netizens sa Instagram post ni Korina noong May 5, nang inakusahan niya ang gobyerno ng panggigipit sa kanyang home network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patok sa netizens ang matataray na reply ni Korina sa mga mistulang nagbubunyi sa tigil-operasyon ng ABS-CBN.

Isang mali-mali ang English ang sinabihan ni Korina ng “itama mo muna ingles mo.”

Ilan ang pinayuhan niyang “pag-aralan muna ang batas” bago magkomento sa kanyang post.

Dalawa naman ang kinomentuhan niya ng “anlayo ng utak.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya marahil nag-trending si Korina dahil ginulat niya ang netizens sa kanyang ginawang ito.

Iyon kasi ang unang beses na pumatol si Korina sa mga nagkokomento ng negatibo sa kanyang social media posts.

THE INDUSTRY OF TROLLING

Troll ang tawag ni Korina sa lahat ng nagkokomento ng negatibo sa social media accounts ng celebrities at iba pang kilalang personalidad.

Sa Facebook Live interview nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho kay Korina nitong Miyerkules, August 12, sinabi ng broadcaster na personal niyang nakumpirma ang industriya ng trolling.

Ito raw ay dahil sa pagsama niya noon sa campaign sorties ng asawang si dating Senator Mar Roxas.

“Having been in one election campaign after another, my husband being in politics, I know for a fact that there are buildings full of paid trolls,” ani Korina.

“Yes, it’s a real industry,” patotoo niya.

Sinabi ni Korina na tumatanggap daw ng PHP500 kada araw ang trolls, na binansagan niyang “disciples of Satan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ramdam ang gigil ni Korina sa paglalarawan niya sa trolls: “Yung mga walang magawang pangit, na hindi lang pangit ang mukha kundi pangit ang kaluluwa…

“Na binabayaran lang ng limandaang piso kada araw—kawawa naman sila—para lang mang-okray at magsaboy ng lagim sa mundo.”

NEGATIVE COMMENTS GET DELETED, TROLLS BLOCKED

Kuwento ni Korina, noon ay ayaw niyang makakabasa ng mga negatibong komento sa kanyang social media pages.

“All this time, I have a digital team na ine-erase lang ang mga walanghiyang 'yan,” sabi ni Korina, tinukoy ang trolls.

“Dine-delete, bina-block… mga walanghiya sila, e.

“Mga bayaran, mga pinapakawalan para lang mambuwisit, o mang-okray, o para… just to drive you to suicide.”

Ayon kay Korina, alam niyang may tendency siyang maghuramentado kapag naapektuhan siya ng mga negatibong komento.

“Ayokong makikita ko yung mga negative comments. I might end up in jail. Ayoko ng gulo.

“Kaya sabi ko [sa kanyang digital team], ‘yang mga negative, tanggalin niyo na lahat 'yan.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DEFENDING ABS-CBN

Pero matapos ipasara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN noong May 5, kinuyog ng trolls ang network sa social media.

“I decided to make patol the trolls when they were attacking ABS-CBN,” ani Korina.

Gamit noon ng trolls bilang argumento ang mga akusasyon ng paglabag umano ng ABS-CBN sa prangkisa nito.

Aminado naman si Korina na may mga naging pagkakamali noon ang kanyang home network.

“I’m not saying ABS-CBN is perfect. I know that for a fact.

“I’ve been with them since day one, when freedom of the press was restored by Cory Aquino,” ani Korina, tinukoy ang dating Pangulo.

Naluklok sa puwesto si Aquino pagkatapos ng EDSA People Power Revolution noong February 25, 1986.

Kasabay nito, nabawi ng pamilya Lopez ang ABS-CBN na na-sequester ng rehimen ng napatalsik na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

“They are not perfect, but siyempre, itong kumpanya naman na ito ang gumawa naman ng paraan para magkaroon ng Korina Sanchez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And I just feel, for gratitude and as a family member, [the need] to defend them.”

Sa puntong iyon, nagpasya raw si Korina na basahin ang mga negatibong komento sa kanyang social media accounts.

“Finally, sabi ko dun sa digital team ko, 'Pakita niyo na nga sa akin'—dati kasi naka-sanitize 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I decided, since the ABS-CBN issue, I said, I wanna see everything.”

ENCOUNTER WITH TROLLS

Noon na raw nagkaroon ng personal na engkuwentro si Korina sa trolls.

Sinilip daw niya ang profiles ng trolls, at nadismaya siya kung gaano kababaw ang argumento ng mga ito.

Nakumbinsi raw si Korina na “soft targets” lang ang trolls para sa kanya.

Kaya sa halip na magpaapekto sa sinasabi ng trolls, "lalaruin" na lang daw ni Korina ang mga ito.

“Nung nakita ko kung gaano kababaw 'yang mga troll na 'yan, kung gaano sila kabobo—excuse me for the term, pero kabobohan talaga ang kanilang mga ginagawa at sinasabi—nakita ko ang profile nila, zero followers.

“Nakita ko ang profile nila, mga sawi pala sila sa buhay.

“I told myself, oh my gosh, they are soft targets.

“Knowing all of that, papatulan ko pa ba 'yan? Hindi. Lalaruin ko na lang sila.”

Sa ngayon, pagbabalita ni Korina, iilan na lang ang trolls sa kanyang social media pages.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pakonti nang pakonti ang mga trolls sa site ko,” sabi ni Korina.

“Siguro napapagod na sila sa akin, kasi talo ko sila, e.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seasoned broadcaster Korina Sanchez started her career in ABS-CBN in 1987. Last month, Korina was among thousands of employees who got retrenched following the company's failed franchise renewal bid.
PHOTO/S: @korina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results