Frankie Pangilinan on "undeserved fame" issue: sympathy for Michael Pacquiao, defense of Jason Dhakal

by Jet Hitosis
Aug 15, 2020
Frankie Pangilinan (center) says she and rapper Michael Pacquiao (left) are victims of what she calls the "anak-ni culture." At the same time, Frankie defends R&B singer Jason Dhakal (right) from bashers after Jason spoke up about the music industry's special treatment of children of celebrities.
PHOTO/S: @frankiepangilinan, @pacquiao.michael, @jasondhakal on Instagram

Gumitna si Frankie Pangilinan sa isyu sa pagitan ng baguhang rapper na si Michael Pacquiao at ng soul and R&B singer na si Jason Dhakal.

Sa kasagsagan ng Twitter debate tungkol sa pagpabor ng entertainment industry sa mga anak ng celebrities, nakisimpatya si Frankie, 19, kay Michael, 18.

Pareho kasi silang lantad sa panghuhusga ng publiko bilang mga anak ng mga kilalang personalidad.

Si Frankie ay anak ng Megastar na si Sharon Cuneta at ng opposition leader na si Senator Kiko Pangilinan.

Si Michael ang pangalawa sa limang supling ng world boxing champion at senador na si Manny Pacquiao at ng influencer na si Jinkee Pacquiao.

Noong nakaraang linggo, opisyal nang ipinakilala ni Michael ang sarili bilang rapper-songwriter.

Mabilis nag-viral ang video ng pag-awit niya ng kanyang debut single na "Hate."

Habang inuulan ng papuri si Michael, nagparunggit si Jason, 19, sa Twitter tungkol sa "rich artista kids w/ mediocre talent" na mas nabibigyan daw ng atensiyon kaysa artists na mahuhusay pero walang kamag-anak na celebrity.

Continue reading below ↓

Nagpahayag naman ng suporta si Frankie sa himutok na ito ni Jason.

Giit ni Frankie, dapat ay patas ang oportunidad para sa lahat ng artists sa bansa.

MICHAEL’S RAP VIDEO GOES VIRAL

Ang milyun-milyong views sa live performance ni Michael sa Wish 107.5 Bus ang pinagsimulan ng issue.

At press time, umabot na sa nine million ang views sa "Hate" rap video ni Michael, sampung araw matapos itong i-upload sa YouTube channel ng Wish.

Ang “Hate” ay bahagi ng 11-track album ni Michael na Dreams, na na-release sa music streaming app na Spotify noong nakaraang buwan.

Marami ang pumuri sa husay ng rapping skills ni Michael.

Kabilang sa mga napahanga niya ay ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda.

Pero ang Filpino-Nepalese singer-songwriter na si Jason, negatibo ang reaksiyon sa biglaang kasikatang tinatamasa ni Michael.

Isinilang sa Oman si Jason, na nagpunta sa Pilipinas noong 2017 upang magsimula ng kanyang singing career.

Continue reading below ↓

Sa sariling pagsisikap, unti-unting nakilala si Jason bilang recording artist.

Sa ngayon, mayroon na siyang dalawang album—Night In at lovesound.

JASON TWEETS ABOUT “RICH ARTISTA KIDS W/ MEDIOCRE TALENT”

Sa tweet ni Jason nitong August 10, sinabi niyang “weird” kung papaanong ang industriya ay mabilis magbibigay ng “platform to rich artista kids w/ mediocre talent who already are financially set for life.”

Samantalang ang ibang rappers daw ay buong tiyagang nagsisikap magpakilala ng kanilang talento "& get 0 recognition."

Continue reading below ↓

Walang binanggit na pangalan ang R&B singer kung sino ang pinarurunggitan sa kanyang tweet.

Makalipas ang ilang minuto, ni-retweet ni Jason ang post ng ABS-CBN reporter na si Dyan Castillejo.

Sa video post ni Dyan, makikitang inaawit ni Michael ang bahagi ng sariling kanta nitong “Hate.”

Caption ni Jason dito: “sh*t like this makes me want to stop making music honestly lol.”

Continue reading below ↓

Nakakuha ng halos 26,000 reactions at 4,000 retweets at comments ang post na ito ni Jason.

THE TWITTER DEBATE

Hati ang opinyon ng Twitter community sa tweets ni Jason.

Maraming kumontra at nam-bash sa kanya. Tinawag si Jason ng netizens na “problematic,” “clout-chaser,” at “artist attacking other artists.”

Naiintindihan daw nila ang frustration ni Jason sa kalakaran ng entertainment industry. Pero hindi raw tamang idamay nito si Michael, na gusto lang magbahagi ng musika at talento.

Gayunman, marami rin ang sumang-ayon kay Jason.

Batikos ng ilang netizens, nagkaroon daw agad ng album at nag-viral ang video ni Michael dahil isa siyang Pacquiao, hindi dahil mahusay siya.

Ang ilang Twitter users naman, sinabing hindi nakadirekta kay Michael, kundi sa industriya mismo, ang "sh*t like this" sa caption ni Jason.

FRANKIE DEFENDS JASON

Kabilang si Frankie sa mga sumang-ayon sa argumento ni Jason tungkol sa kawalan ng pantay na oportunidad para sa lahat ng artists sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Nag-tweet si Frankie kinabukasan, August 11: “yo i think jason dhakal was right and endlessly + tenderly is fire.”

Ang tinukoy at pinuri ni Frankie ay ang isa sa mga kanta ni Jason na “Endlessly + Tenderly.”

Para kay Frankie, “talented” si Jason, at tulad ng maraming local artists ay mas karapat-dapat na kilalanin ang kahusayan ng mga ito.

Continue reading below ↓

Tama naman daw ang ipinaglalaban ng R&B singer, kaya hindi ito dapat i-bash.

Hiniling pa ni Frankie sa netizens na ilagay ang kanilang sarili sa sitwasyon ni Jason para maunawaan ang punto nito.

“wouldn’t u likewise be heartbroken to be working ur pwet off at ur passion only to see something relatively mediocre take off so fast?" sulat ni Frankie.

Continue reading below ↓

Paliwanag pa ni Frankie, ang viral video ni Michael “had its own value and it was fun.”

Pero ang musika raw ni Jason “takes tiiime and energy to cultivate.”

Sa thread na ito ni Frankie, ang dinepensahan niya ay ang unang tweet ni Jason: “platform to rich artista kids w/ mediocre talent who already are financially set for life.”
Hindi ang ni-retweet ni Jason na may comment na: “sh*t like this makes me want to stop making music honestly lol.”

Continue reading below ↓

Gayunman, ang retweet ni Jason ang nag-trending at naging dahilan ng pag-bash sa singer.

FRANKIE SYMPATHIZES WITH MICHAEL

Kasabay nito, nakisimpatiya si Frankie kay Michael.

Tulad ni Michael, naranasan din daw ni Frankie mapamukhaang nakikinabang lang sa kasikatan ng mga magulang.

Para kay Frankie, mali at dapat na maitama ang ganitong “anak-ni culture.”

Sa panibagong tweet ni Frankie sa thread, sinabi niya: “i’m on the receiving end of that anak-ni culture too and yea it’s wrong and it sucks and it needs to stop.”

Continue reading below ↓

Tulad ng ginawa niya para kay Jason, dinepensahan din ni Frankie si Michael.

Hindi raw kasalanan ni Michael kung mas tinangkilik ng publiko ang musika nito kaysa ibang artists na matagal na sa industriya.

Kung mayroon mang problema, ayon kay Frankie, iyon ay ang "cultural landscape," na sana ay magawan daw ng paraang maiwasto.

“it‘s not michael’s fault either it’s nobody’s fault it’s just a flaw in the cultural landscape we can hopefully repair one day soon,” ani Frankie.

Continue reading below ↓

Sa cultural landscape na nabanggit ni Frankie, kinumpirma niyang mas malaki ang posibilidad pumatok sa publiko ang artists na nanggaling sa kilala nang angkan.

Ito ang dahilan kaya mas pinapaboran ng industriya ang mga anak ng celebrities, tulad ni Michael.

MICHAEL IS OUT TO PROVE HIMSELF

Samantala, sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Michael nitong August 13, sinabi niyang aware siya na may mga nagsasabing nag-viral lang ang kanyang video dahil anak siya ng boxing icon-politician.

Bagamat naiintindihan daw niya ang reaksiyong ito, nilinaw ni Michael na pinaghirapan niya kung ano man ang kanyang narating sa ngayon.

Sabi ni Michael sa PEP.ph: “And people would say, it has to do with my last name. But, you know, I understand naman.

“But at the same time, it’s, like, I work hard to achieve what I am.”

Continue reading below ↓

Si Michael ang sumulat at naglapat ng musika sa debut single niyang “Hate.”

Ang “Hate” ay tungkol sa pagsisikap ng isang tao na mapatunayan ang sarili kahit pa may mga taong humahadlang sa kanya.

Ito raw mismo ang gustong gawin ni Michael—ang gumawa ng sariling pangalan, at hindi basta makilala lang bilang anak ni Manny Pacquiao.

“I wanted to prove that I can. I have talent and I have something. I don’t just rely on my parents,” sabi ni Michael sa PEP.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Frankie Pangilinan (center) says she and rapper Michael Pacquiao (left) are victims of what she calls the "anak-ni culture." At the same time, Frankie defends R&B singer Jason Dhakal (right) from bashers after Jason spoke up about the music industry's special treatment of children of celebrities.
PHOTO/S: @frankiepangilinan, @pacquiao.michael, @jasondhakal on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results