Eric Fructuoso on viral photo of him driving a tricycle: “Hindi po totoong namamasada ako ng trike.”

by Bernie V. Franco
Aug 15, 2020
Eric Fructuoso says he has not turned to driving tricycles for a living, but insists: “Kasi may iba, nahihiya ang magbenta-benta, nahihiya sa pagde-deliver ng kung ano-ano. Huwag kayong mahihiya. At least, kikita, di ba? Tsaka kailangan hangga’t hindi sila ang nagpapakain sa inyo, huwag niyo silang intindihin.”
PHOTO/S: @eric.fructuoso on Instagram

May reaksyon ang aktor na si Eric Fructuoso matapos mag-viral ng kanyang larawang nagmamaneho ng isang pampasadang traysikel.

Sa larawang iyon, na ipinost ni Eric noong August 11, 2020, ganito ang caption ng aktor: “Times like these hindi pwedeng kaartehan ang paiiralin! Basta ligal na pagkakakitaan para sa mga anak, tirahin lang ng tirahin!”

Bunsod nito, may mga nakumbinsing namamasada ng traysikel ang aktor ngayong may pandemya.

Gayunpaman, mayroon ding hindi kumbinsidong pinasok ni Eric ang pagta-tricycle driver.

Pinikap ng ilang entertainment news sites ang tungkol dito, at iniulat na “tricycle driver” na si Eric sa Naic, Cavite.

ERIC CLEARS THINGS UP

Ngayong Sabado, August 15, binigyang-linaw ni Eric ang nag-viral niyang Instagram photo.

Sa pamamagitan ng Facebook, pinabulaanan ng aktor na namamasada siya ng tricycle. May halong birong sabi niya (published as is):

“Hindi po totoong namamasada ako ng trike sa Naic, Cavite… Dine ako sa Lipa, Batangas namamasada mas malaki ang kita! Akalain mong p200 ispesyal hanggang Rowbeensons?”

Continue reading below ↓

Sa sumunod niyang post, sinabi ni Eric na hindi dapat "ismall-in ang mga tricycle drivers."

Aniya, "May kumpare akong trike driver sa BF Homes at nung nag garage sale ako dati e yung mga kasamahan niyang trike drivers na tropa ang bumile ng mga Ralph Lauren at Ferragamo ko.

“Kaya nga ‘barya lang sa umaga’ dahil buo buo pera nila.”

Continue reading below ↓

Walang paliwanag si Eric kung ano ang pinanggalingan ng pahayag niyang ito, dahil karamihan naman ng netizens na napaniwalang “tricycle driver” siya ay nagpahayag ng paghanga sa aktor.

Sabi ng mga ito, malinis at marangal na trabaho ang pagiging tricycle driver.

Sa kanyang pangatlong post, humirit pa si Eric na hindi “pala kelangan clumeavage para mag trending.”

Continue reading below ↓

Ang tinutumbok ng aktor ay hindi niya kailangang magpakita ng katawan para pag-usapan.

ERIC ELABORATES ON HIS VIRAL POST

Ngayong gabi, nag-post ng video si Eric kung saan nagpaliwanag siya tungkol sa larawan niyang nagda-drive ng tricycle.

Nais daw niyang iparating ang mensahe na, ngayong pandemya, hindi kailangang ikahiya ang anumang trabaho basta’t marangal.

Continue reading below ↓

“Sa panahon kasi ngayon, hindi ka pwedeng maarte. Hindi pwedeng kaartehan ang pairalin.

"Basta pagkakakitaan legal, para sa pamilya, tirahin lang nang tirahin.”

Sabi pa niya, “Because I believe by example. Ibig sabihin, magiging good example tayo sa kapwa. Hindi natin ikahihiya pa kung ano ang ginagawa natin.

“Kasi may iba, nahihiya ang magbenta-benta, nahihiya sa pagde-deliver ng kung ano-ano. Huwag kayong mahihiya. At least, kikita, di ba?

"Tsaka kailangan hangga’t hindi sila ang nagpapakain sa inyo, huwag niyo silang intindihin.”

Paliwanag ng aktor, may ibang tao raw kasing minamaliit ang ibang trabaho, kagaya ng pagiging tricycle driver o janitor.

Sa huli, sinabi ni Eric na huwag ikahiya ang anumang trabaho hangga’t walang sinasagasaan, at ginagawa ito sa malinis na paraan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eric Fructuoso says he has not turned to driving tricycles for a living, but insists: “Kasi may iba, nahihiya ang magbenta-benta, nahihiya sa pagde-deliver ng kung ano-ano. Huwag kayong mahihiya. At least, kikita, di ba? Tsaka kailangan hangga’t hindi sila ang nagpapakain sa inyo, huwag niyo silang intindihin.”
PHOTO/S: @eric.fructuoso on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results