Aiko Melendez asks son Andre Yllana if he's still a virgin; Andre teases Aiko about her "first"

by Rommel Gonzales
Aug 16, 2020
In her latest vlog, Aiko Melendez was obviously irked when son Andre Yllana told her: “E, bakit sabi sa akin ni Dad? Hindi naman daw siya yung una mo daw.”
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Mistulang naging no-holds-barred interview ang latest vlog ng aktres na si Aiko Melendez sa YouTube, kung saan nagpalitan sila ng tanong at sagot ng kanyang panganay na anak na si Andre Yllana.

Si Andre, 21, ay anak ni Aiko sa una niyang asawang si Jomari Yllana.

In-upload naman ang video sa YouTube channel ni Aiko noong August 13, Huwebes.

Ipinarating ng 44-year-old actress kay Andre ang tanong ng netizens kung bakit pumayat ang binata.

Mula sa pagiging chubby teenager ay kapansin-pansin kasi ang pagkapayat ngayon ng anak ni Aiko.

“Pumayat ka daw… nagda-drugs ka ba? Alam ko namang hindi ka nagda-drugs obviously, di ba?” tumatawang sabi ni Aiko kay Andre.

“Pero can you please let our viewers know kung bakit ka pumayat?”

Pag-ibig ang rason ni Andre sa kanyang pagpayat—may girlfriend siyang nagngangalang Jen.

Sabi ng binata, “Napansin ko, nagiging chubby na ulit ako, I had to do something about it.”

Continue reading below ↓

Nag-diet daw si Andre at nagpakasipag sa pagwo-workout sa bahay.

Tinanong din ni Aiko si Andre kung gaano na katagal ang relasyon nila ni Jen.

Sagot ng anak, “One year and two months.”

HOW FAR HAVE YOU GONE?

Pasabog pero pasimple ang sumunod na tanong ni Aiko kay Andre: “Gaano kalayo na yung narating ninyo?”

Hindi agad nakuha ni Andre ang ibig sabihin ng ina, o sadyang iniwasan nito ang tunay na kahulugan ng tanong.

Kaya ang sagot ni Andre, “Meron kaming business, meron kaming ibinibentang mga pastries, tuyo… Nag-iipon kami para meron kaming money.”

Tanong naman ni Aiko sa anak kung ikakasal na ba sila ni Jen.

“Hindi naman, grabe!” mabilis na sagot ni Andre. “Porke’t nag-iipon, kasal agad?”

Sinabi naman ni Aiko na tama lang na ang mga kabataan tulad nina Andre at Jen ay nag-iipon.

Pagsang-ayon ni Andre, “Siyempre, lalo na ngayon, sa sitwasyon natin ngayon, di ba, siyempre, ang hirap, hindi natin masabi.

Continue reading below ↓

“So, kailangan… maganda yung may ipon.”

HOT STORIES

IS ANDRE STILL A VIRGIN?

Mas lalong kagulat-gulat ang sumunod na itinanong ni Aiko kay Andre—kung virgin pa raw ba ang anak.

Natawa at tila nahihiyang sagot ni Andre, “Diyos ko, ang ano naman, Mom, ang bulgar naman nun!”

Pero sinagot ni Andre ang tanong.

Aniya, “Well, siyempre, beinte-uno na ako, 'tapos… siyempre, hindi na!”

Halatang nagulat si Aiko sa narinig.

Sabi ng aktres, “Ha?! Bakit sabi mo sa akin last week, oo… Nagbago?! Nakaka-shock naman yun.”

Balik-tanong naman ni Andre sa ina: “I mean… bakit, ikaw, how old were you when you..”

“I was twenty-two,” diretsahang sagot ni Aiko. “I was twenty-two.

“Nung twenty-two, yung tatay mo pa yung ano, yung naka-ano… basta iyon,” tila nahihiya rin at natatawang rebelasyon ni Aiko.

AIKO’S FIRST…

Shocking naman ang tanong ni Andre sa ina: “Di ba, hindi naman si Dad first boyfriend mo?”

Sagot ni Aiko, “Ang first boyfriend ko si Aga, pero walang nangyari sa amin, hello! Mamatay man!

Continue reading below ↓

“O eto, magkamalas-malas na. Wala talagang nangyari sa amin. Peks man, cross my heart!”

Ang “Aga” na tinutukoy ng aktres ay si Aga Muhlach, na nakatambal niya sa tatlong pelikula, kabilang na ang box-office hit at critically-acclaimed na May Minamahal (1993).

Reaksiyon ni Andre, “E, bakit sabi sa akin ni Dad? Hindi naman daw siya yung una mo daw.”

Halatang asar si Aiko nang sabihing, “Alam mo, huwag kang gumawa ng kuwento.

“Alam mo, sasapakin ko yung tatay mo! Hindi na nga kami okay, gumagawa pa siya ng ano.

“Sinabi niya yun? Sinabi niya yun? Ang kapal ng mukha niya!

“Siya una, ‘no! Ay shit! E talaga naman.

“Talaga, sinabi niya yun? Tatawagan ko ang tatay mo, ang kapal ng mukha niya para sabihin niya yun.

“Alam niya! Kaya nga ako nabuntis agad sa iyo at the peak of my career, nabuntis ako dahil siya nga yung first ko. Sira-ulo ba siya?”

Continue reading below ↓

Halatang hindi maka-get over si Aiko sa narinig sa anak.

Sabi pa niya tungkol kay Jomari, “Wala kayang nangyari sa amin ni Aga, sira-ulo ba siya! Gumagawa siya ng isyu, para siyang ewan.

“Sinabi niya talaga yan, mamatay man? Sinabi niya ‘yan? Alam mo, issue-maker ka. Mag-aaway kami talaga.

“Hindi na kami nag-uusap ng tatay mo, pero dahil sa ni-reveal mo, Andre, mag-aaway kami!”

Sa huli ay inamin ni Andre na walang sinabing ganoon si Jomari, na nagbibiro lamang siya.

“Joke lang! Binibiro lang kita, ito naman, patola,” tukso ni Andre sa ina.

ON CRUSHES, BEING STRANDED ON AN ISLAND

Sa naturang episode rin ng vlog ni Aiko, si Ylona Garcia ang isinagot ni Andre na crush niya.

Si Jessy Mendiola naman ang choice ng binata na makasamang ma-stranded sa isang island.

Si Aiko, ang choice naman para makasamang stranded sa isang isla ay si Piolo Pascual.

“Yung abs pa lang niya, ulam na,” sabi pa ng aktres.

Continue reading below ↓

Payo naman ni Andre sa mga kabataang tulad niya, natutunan niya ngayong may pandemic, buo man o hindi ang pamilya, kung hindi malapit sa ama o ina ay mahalin at yakapin ang mga magulang—single parent man o hindi.

Pinuri rin ni Andre si Aiko sa pagiging single mother nito.

“Double extra effort ‘yang si Mommy,” sabi niya.

Nangako rin si Andre sa ina na hindi muna siya mambubuntis at mag-aasawa.

Hindi man daw tutol si Aiko sa relasyon nina Andre at Jen, pero ayaw pa raw ni Aiko maging lola.

Mahal din daw ni Aiko ang girlfriend ni Andre dahil mabait at marespeto ito. Pero nais iparating ng aktres sa mga nanonood ng vlog niya na may tamang panahon para sa lahat ng bagay.

“I-pursue niyo muna ang mga dreams niyo, magtapos ng pag-aaral, magkaroon ng sariling business.

“Pagkatapos, kapag established na kayo, alam niyong kaya niyo na, go!”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In her latest vlog, Aiko Melendez was obviously irked when son Andre Yllana told her: “E, bakit sabi sa akin ni Dad? Hindi naman daw siya yung una mo daw.”
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results