Birthday girl Ella Cruz's Facebook page seized by hackers

by Jet Hitosis
Aug 17, 2020
Hours before her 24th birthday, dancer-actress Ella Cruz asks fans to help retrieve her Facebook page which recently logged a total of four million followers.
PHOTO/S: @ellacruz on Instagram

Na-hack ang Facebook page ng actress-dancer na si Ella Cruz sa bisperas ng kanyang birthday.

Twenty-fourth birthday ni Ella ngayong Lunes, August 17.

Pero nitong Linggo ng gabi, August 16, ibinalita ni Ella sa kanyang Twitter at Instagram followers na naglaho ang kanyang Facebook page.

Hindi na raw niya ito ma-access matapos mapakialaman ng hackers.

Ayon kay Ella, kamakailan lang ay umabot na sa four million ang followers ng Facebook page niyang iyon.

Sa Facebook nagsasagawa ng live sessions si Ella para sa kanyang fans.

Minsan ay kasama pa ni Ella sa live sessions ang boyfriend niyang dancer-actor na si Julian Trono.

Continue reading below ↓

Ginagamit din ni Ella ang Facebook page sa live streaming ng kanyang online games.

Bukod sa pagiging actress, dancer, at vlogger, game streamer din si Ella.

Sa online game streaming, live na napapanood ng Facebook followers ni Ella ang paglalaro niya ng computer games.

Ganoon kahalaga kay Ella ang kanyang Facebook page.

Continue reading below ↓

At press time, hindi na nga matagpuan ang page ni Ella sa Facebook.

ELLA ASKS FOR FANS’ HELP

Nagpasaklolo si Ella sa kanyang fans.

Mayroon siyang 5 million followers sa Instagram, at 1.7 million Twitter followers.

Mababasa sa tweet ni Ella nitong Linggo ng gabi (published as is): “so.... tomorrow is my birthday and... someone hacked my FACEBOOK PAGE that recently got 4million followers…

“and now my page doesn’t exist... help...”

Continue reading below ↓

Ipinost din ni Ella sa Instagram ang screenshot ng tweet niyang ito.

Nagpahayag naman ng pag-aalala para kay Ella ang kanyang Instagram followers.

Itinaon pa naman daw sa birthday ng dancer-actress ang pangha-hack sa pinakamahalaga niyang social media account.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang ibang fans ni Ella, umapela sa iba pang Instagram users na tulungan ang aktres mabawi ang kanyang Facebook page.

Continue reading below ↓

Ang ilan, tinag ang Facebook sa kanilang comments.

Continue reading below ↓

Mayroon namang bumati sa kaarawan ni Ella, kasabay ng wish ng “karma” o sana raw ay “malasin” ang hackers.

Continue reading below ↓

HACKERS TARGETING CELEBRITIES

Sa nakalipas na mga buwan, sunud-sunod ang pagtatangka o aktuwal na pangha-hack sa social media accounts ng celebrities.

Noong nakaraang linggo, inalerto ng aktres na si Angel Locsin ang fans niya na may paulit-ulit daw na nagtangkang mang-hack sa kanyang Facebook at Twitter accounts, at sa kanyang email.

Continue reading below ↓

Samantalang nabawi naman sa hackers ang napakialamang social media accounts nina Glaiza de Castro, Camille Prats, Kylie Padilla, Alex Gonzaga, at Kris Bernal.

Mga dayuhan ang hackers na nambiktima sa nabanggit na celebrities.

Karaniwang humihingi ng ransom ang hackers para maibalik ang hinostage nilang social media at email accounts.

Sa kaso ng nabanggit na celebrities, nabawi nila ang kani-kanilang accounts sa tulong ng mga IT experts, kaya hindi nila kinailangang magbayad ng ransom.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hours before her 24th birthday, dancer-actress Ella Cruz asks fans to help retrieve her Facebook page which recently logged a total of four million followers.
PHOTO/S: @ellacruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results