Sanya Lopez in the time of pandemic: “Buti na lang nakapag-save kahit paano.”

by Bernie V. Franco
Aug 18, 2020
Sanya Lopez: “Pagdating sa career ay marami sa projects ko sa GMA ang naka-hold lang muna."
PHOTO/S: @sanyalopez on Instagram

Malaki ang pasasalamat ni Sanya Lopez na nakapag-ipon siya bago mangyari ang pandemya.

Isa raw ito sa mga ipinagpapasalamat ng Kapuso actress, lalo pa’t naapektuhan ng COVID-19 ang trabaho ng mga kagaya niyang artista.

“Medyo may naitabi rin kahit paano. Kaya timing din na may pinagkukunan ng panggastos ngayong may pandemic,” sabi ng Encantadia star sa e-mail na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong August 14, Biyernes.

Sa sitwasyon daw ni Sanya, marami siyang naantalang TV projects bunsod ng krisis.

“Marami sa projects ko sa GMA ang naka-hold lang muna for the meantime. More on work from home or shoot at home lang ang gagawin.”

Kaya naman daw, dahil walang katiyakan kung hanggang kailan pa ang krisis, sinisigurado niyang wais siya sa paggastos.

“Right now, mas nag-stick kami sa pagbili ng mga essentials lang,” ani Sanya.

“Isang advice ko sa iba ay iwasan muna gumastos, lalo ng hindi naman kailangan. Siguro kapag naggo-grocery, ilista muna lahat ng bibilhin para hindi mag-over budget.”

Continue reading below ↓

Kasalukuyan daw siyang namamalagi sa kanilang bahay sa Metro Manila, kasama ang kanyang kuya, ang Kapuso actor na si Jak Roberto.

“I’m staying in Quezon City right now para mas malapit sa work. Kasama ko si Kuya Jak. My mom kasi ay nasa house namin sa Bulacan, binibisita po namin siya.”

Continue reading below ↓

Sa limang buwan daw na pagpapatupad ng quarantine, nasa bahay lang daw madalas si Sanya.

“More on sa house lang po ako during quarantine. The only time po na lumalabas ako is pag may taping for a show or guesting sa Wowowin.

“And pag nasa trabaho, may proper guidelines and precautionary measures na kailangang sundin.”

Inabot din ng quarantine ang birthday ni Sanya, na nagdiwang ng kanyang ika-24 kaarawan noong August 9.

Tanong namin sa aktres, ano ang ipinagpapasalamat niya sa gitna ng nararanasang health crisis?

“Buti na lang nakapag-save kahit paano. Buti na lang hindi kami natuloy sa vacation nung March!” sagot niya.

Nagsimulang ipatupad ang quarantine sa Metro Manila noong March 2020 bunsod ng pandemic.

REALIZATIONS THIS PANDEMIC

Gaya rin ng karamihan, napagtanto raw ni Sanya ngayon kung gaano kaimportante ang kalusugan sa buhay ng tao.

“Natutunan ko this pandemic ay yung importance talaga ng good health sa buhay natin. No matter how much money you have, hindi pa rin niya mapapalitan ang halaga ng pagkakaroon ng magandang kalusugan," paliwanag niya.

Continue reading below ↓

Ginugugol daw niya ang panahon sa pag-aaral ng pagdidisenyo ng damit, na kanyang hilig.

“One of my hobbies right now ay mag-design ng mga damit. Yun ang pinagkakaabalahan ko.

"I’m planning kasi na mag-business some day ng isang clothing line."

CLOSENESS WITH BARBIE FORTEZA

Inusisa rin namin si Sanya tungkol sa relasyon nila ng Kapuso actress na si Barbie Forteza, girlfriend ni Jak.

“Close kami ni Barbie. Magkasundo kami sa food dahil, tulad ni Kuya, mahilig kaming lahat kumain. Lalo na sa ramen."

Dugtong niya, “Malaki rin ang influence ni Barbie kay Kuya. Hindi kasi mahilig lumabas si Kuya at magkasundo sila ni Barbie na hindi rin mahilig lumabas.

“They would rather watch a movie sa house kapag binibisita siya ni Kuya or eat sa restaurant kapag hindi lockdown.”

Dahil mas matagal sa showbiz si Barbie, nagbibigay ba ito ng mga payo kay Sanya sa pagiging artista?

“Actually, hindi nag-aadvise si Barbie, kasi as an experienced actress, she respects yung atake namin sa scenes namin.

Continue reading below ↓

“Although for me, siya ang ginagawa kong model sa pag-arte and even sa attitude niya towards work.”

Ano naman ang una niyang gagawin kapag natapos na itong pandemya?

“I want to go back to work. Yun ang nami-miss ko ng sobra. Yung laging may tapings at out-of-town shows.

Continue reading below ↓

“Sana pwede na uli ang mga ‘yan in the near future.”

Nakatakdang makapareha ni Sanya si Senator Ramon “Bong” Revilla sa pagbabalik-telebisyon ng actor-politician.

Magkakatrabaho dapat ang dalawa sa GMA-7 upcoming teleserye na Agimat ng Agila, subalit naantala ng pandemya ang produksiyon.

Gayunpaman, malaki ang pasasalamat ni Sanya dahil may naghihintay na trabaho sa kanya.

“I feel so blessed, happy, and lucky at the same time. Because God is good, prayers really work!” sabi ng aktres.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez: “Pagdating sa career ay marami sa projects ko sa GMA ang naka-hold lang muna."
PHOTO/S: @sanyalopez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results