Ken Chan, Rita Daniela reveal how this pandemic affects their finances

by Gorgy Rula
Aug 18, 2020
Rita Daniela on love team with Ken Chan: "Masaya kami kung nasaan kami, and ito yung ginagawa namin together. And then, naniniwala kami na we stay muna as best friends, at mas malayo yung mararating namin together at mas marami kaming magagawa together.”
PHOTO/S: Instagram

Kagaya ng naranasan ng karamihan, malaking hamon sa magka-love team na sina Ken Chan at Rita Daniela ang hinaharap nating pandemya.

Nagpapasalamat si Ken, 27, dahil naitatawid daw ng kanyang pamilya ang hirap ng naka-quarantine.

Malaking bagay daw na may sapat siyang ipon kaya hindi siya gaanong nahirapan kahit hindi ganun kadami ang mga trabahong pumapasok ngayon.

Pahayag ni Ken, “Awa po ng Diyos, bago po dumating yung pandemic, may mga proyekto po akong nagawa…

“At ako po kasi, matipid po kasi ako talaga na tao, e. Hindi po ako mahilig sa mga bili-bili, sa mga gadgets. Hindi ko po hilig ‘yan.

“So, awa ng Diyos, kahit papa’no nakapag-save po ako ng money for myself, for my whole family.”

Napagtanto raw ni Ken ang kahalagahan ng pag-iipon.

Pahayag niya, “Dito ko rin po na-realize na after this pandemic, na kapag matapos po lahat, dito po talaga masusubok na kailangan mo talaga ng matinding ipon.

Continue reading below ↓

“Kasi, naniniwala ako… na huwag naman sana, pero mangyayari’t mangyayari ‘to ulit. So, kailangan talaga, malaking malaking lesson 'to sa lahat.”

Kaya malaki ang pasasalamat ni Ken sa yumao niyang mentor na si German Moreno dahil ito raw ang nagturo sa kanyang magtipid.

Saad niya, “Ito po yung natutunan ko kay Kuya Germs, kay Tatay. Lagi niyang sinasabi sa akin na, ‘Mag-ipon ka. Kung kikita ka ng sampung piso, kailangan mong gastusin lang yung dalawang piso. Yung walong piso, itago mo.’ At ginawa ko po yun at nakatulong po sa akin yun.”

RITA'S STRUGGLE

Sa kabilang banda, mas nahirapang mag-adapt si Rita, 24, gawa ng nagpapagamot pa ang kanyang inang may breast cancer.

May sapat naman daw na ipon ang Kapuso singer-actress. Pero nang tumagal na nang tumagal at hindi pa siya gaanong makapagtrabaho, hindi na naging sapat ang ipon, lalo na’t patuloy pa rin ang treatment ng ina.

“Ang masasabi ko na lang talaga, it’s just really God who makes the way for everyone,” pakli ni Rita. "Ako po, aaminin ko na may ipon, pero hindi po siya talagang parang kahit pumetiks ako ng isang buwan, parang hindi naman po siya ganun.

Continue reading below ↓

“So, magugulat ka na lang din kung paano ka makaka-survive sa araw-araw. Talagang hindi ganun karami ang ginagawa mo, e. Yung talagang si God na lang ang gagawa ng way for you para tulungan ka at makatulong din sa ibang tao.”

Mabuti na lang at mayroon silang sinimulang negosyo na maayos naman daw ang kita kahit paano. Ito ay ang pagdi-distribute ng Beautederm products ng negosyanteng si Rhea Tan.

Ayon kay Rita, “Kasi talagang natulungan talaga kami ng Beautederm, yung life namin, most especially now with this pandemic na, siyempre, humina po yung income natin.

“And malaking bagay na nakakatuwa na sa panahon ng pandemya, napakaraming tao na nag-i-invest sa skincare… So, nakakatuwa.

“And yun po, pinasok namin yung You Tube, so kahit papa’no, meron pa rin.

“And may iba pa pong applications na may mga places pa rin po na mahahanap pa rin na kung saan, kahit papa'no, meron pa ring mapagkukuhanan,” saad ng singer-actress.

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sina Ken at Rita sa virtual story conference ng launching movie ng kanilang love team, ang My First Your Last, Luis (heart emoji) Luisa, noong Linggo, August 16.

DO NOT FALL FOR EACH OTHER

Pumatok ang tambalan nina Ken at Rita sa dating afternoon drama series ng GMA-7 na My Special Tatay, na umere mula September 3, 2018 hanggang March 29, 2019.

Sinundan ito ng primetime series na One of the Baes, na umere mula September 30, 2019 hanggang January 31, 2020.

Ang Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista ang magpoprodyus ng launching movie ng RitKen love team, na malapit nang simulan ang shooting.

Kaugnay nito, hindi maiwasang umasa ang mga supporters nina Ken at Rita na mauwi sa totohanan ang kanilang loveteam.

Pero napagkasunduan na raw ng dalawa na mas pipiliin nila ang magandang friendship kesa sa romantic relationship.

Continue reading below ↓

Lahad ni Ken, “Nag-promise kasi kami ni Rita nung unang-una pa lang, nag-promise kami sa isa’t isa, bago namin gawin yung My Special Tatay…

“Actually, siya ang nagsabi na ‘O, walang mai-in love sa isa’t isa, ha?’ Parang pinangunahan na niya.

“Ako naman, tinandaan ko yun, kahit na mahirap.

“Naniniwala rin kasi kami ni Rita na kapag pure yung pagsasamahan namin, at hindi namin hinaluan ng mas higit pa doon…

Continue reading below ↓

“Kung magkaroon kami ng commitment sa isa’t-isa, feeling ko makakapekto yun sa mga ginagawa namin.

“Proven na po kasi yun, e, at marami na po ang nagsabi sa amin na mga boss at executives, na mga directors, na kung maaari i-treasure namin yung pagiging magkaibigan namin ni Rita.”

Pagbabalik-tanaw naman ni Rita, “I remember sa isang interview, sinabi ni Ken yun, na sabi niya, sa buhay daw, hindi puwede yung isa yung best friend mo at isa yung girlfriend mo. Laging hiwalay daw yun.

“Ngayon, kung na-feel mo raw yun parehas sa isang tao, kailangan mong mamili.

“Sinabi ni Ken, hindi ko makalimutan yun: ‘Kasi pag best friend mo siya, tapos hinaluan mo siya ng love, mawawala yung best friend, matitira na lang yung love.’

“Hindi ko makakalimutan yung sinabi ni Ken, na parang okay. Totoo naman yun, and I respect his decision na talagang… Kami rin naman, na to choose na ganun na muna.

Continue reading below ↓

“Kasi kung darating naman dun, darating din naman at hindi na dapat pilitin.”

Patuloy ng aktres, “Pero right now kasi, masaya kami kung nasaan kami, and ito yung ginagawa namin together.

“And then, naniniwala kami na we stay muna as best friends, at mas malayo yung mararating namin together at mas marami kaming magagawa together.”

Wala raw silang problema sa kanilang friendship dahil nandiyan na ang pagtitiwala.

Pahayag ni Rita, “Wala talaga kaming itinatago sa isa’t isa. Sobrang open kami.

“Iyon yung masasabi naming sikreto namin. Kahit siguro anong kalokohan kaya namin gawin together, at hindi kami nahihiya sa isa’t isa.

“Kaya feeling ko, yun siguro ang isa sa sikreto. Kaya kahit anong pinapagawa sa amin, keri lang, game kami.”

Continue reading below ↓

Ayon naman kay Ken, “We trust each other. Sobrang importante sa akin yung trust ni Rita.

“Kapag kasi may trust ka sa isang tao, makikita yun ng mga tao, ng mga supporters namin, ng mga nanonood sa amin.

“Makikita nila on cam na kumportable kami sa isa’t isa, na wala kaming wall sa isa’t isa.

“Kaya every time na gumagawa kami ni Rita ng mga scenes na intimate, we trust each other. Kaya nagagawa namin nang maayos yung eksena na pinapagawa po sa amin.

“Feeling ko, yun ang ramdam ko na sikreto namin ni Rita. Mahirap makuha sa isang tao ang trust ko.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Daniela on love team with Ken Chan: "Masaya kami kung nasaan kami, and ito yung ginagawa namin together. And then, naniniwala kami na we stay muna as best friends, at mas malayo yung mararating namin together at mas marami kaming magagawa together.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results