Did Janine Gutierrez take a swipe at “perpetual isolation” of President Duterte?

by Arniel C. Serato
Aug 18, 2020
Janine Gutierrez posts throwback photo on Instagram with the caption "perpetual isolation" hours after Presidential Spokesperson Harry Roque said in his press briefing that President Rodrigo Duterte is in "perpetual isolation."
PHOTO/S: Courtesy: @janinegutierrez on Instagram

Nagpasaring ba si Janine Gutierrez kay Presidential Spokesperson Harry Roque dahil sa sinabi nitong nasa “perpetual isolation” ang Pangulong Rodrigo Duterte?

“Perpetual isolation” din kasi ang simpleng caption ng Kapuso actress sa throwback photo na ibinahagi niya sa Instagram kagabi, August 17.

Naging trending topic ang "perpetual isolation" kahapon dahil hindi nabigyang linaw ni Roque ang ibig sabihin ng kanyang pahayag ukol sa kinaroroonan ng Pangulo, matapos nang maraming haka-haka kung nasaan ito.

Continue reading below ↓

Naitanong ito ng media sa tagapagsalita ng Palasyo dahil nagpositibo sa COVID-19, sa pangalawang pagkakataon, si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Nakasama ng Pangulo si Año sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) meeting sa Davao noong nakaraang linggo.

Sabi ni Roque tungkol kay Duterte, “There is a velvet rope that keeps him at least six feet away from everyone else.

"He’s in perpetual isolation, in the sense that the PSG has done a very good job in making sure that no one really comes close to the President.”

Dagdag ni Roque, hindi masasabing nagkaroon ng close contact sa Pangulo ang DILG secretary dahil magkakalayo raw sila noong meeting. Patuloy rin daw nilang ipinatutupad ang minimum health protocols.

"Malayo po kaming lahat kay Presidente, at naka-face shield at naka-face mask.

"Pero I believe the others po are also in self-isolation now,” sabi ng tagapagsalita ng Pangulo.

Continue reading below ↓

“I SEE WHAT YOU DID THERE”

Marami ang nag-react sa post ni Janine.

Isa na rito ang Kapamilya actress na si Iza Calzado, na paminsan-minsan ay pumipitik din sa mga kamalian ng gobyerno.

Sabi niya, “Hahaha! Good one!” Sinundan niya ito ng tatlong clapping emoji.

Ayon naman sa sikat na fashion designer na si Mark Bumgarner, “I see what you did there,” na sinundan niya ng laugh-cry emoji at apat na pusong pula.

Continue reading below ↓

Komento naman ni Vania Romoff, isa pang sikat na designer, “That caption though,” na sinundan nito ng tongue-out emoji.

Continue reading below ↓

Matagal nang vocal si Janine sa kanyang damdamin sa mga usaping panlipunan.

Kamakailan lang, pinalagan ng aktres, na produkto ng Ateneo de Manila University, ang Anti-Terrorism Act of 2020.

Ayon sa Kapuso star, bilang Pilipino, may karapatan ang lahat na magsalita at makialam sa mga isyung makakaapekto sa atin.

Sabi ni Janine sa kanyang Tweet noong June 15, 2020 (published as is):

“@ comments na ‘sana hindi ka nalang makisali sa political issues’

“to anyone who gets this too, pls don't be swayed.

“It's your right as a Filipino to speak up, question and be involved.

“I will keep repeating THAT YOUR VOICE MATTERS.”

Mabilisang naisabatas ang Anti-Terrorism Act (ATA) of 2020 noong July 18, 2020, na nagbibigay ng extraordinary powers sa ehekutibo upang labanan ang terorismo.

Maraming sektor ang tumututol sa tinawag nilang "vague" at "overbroad" definition ng ATA sa terrorism at kung sino-sino ang matatawag na terrorists.

Nangangamba ang mga abugado, journalists, academics, human rights workers, at pati ang international watch groups na madaling maabuso ang ATA, hanggang sa ang inaaresto at ikinukulong na ay sinumang may reklamo sa gobyerno.

Nagsampa ang lampas sa dalawampu't-limang grupo ng petisyon sa Supreme Court upang ibasura ang Republic Act 11479, ang tawag sa ATA of 2020.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez posts throwback photo on Instagram with the caption "perpetual isolation" hours after Presidential Spokesperson Harry Roque said in his press briefing that President Rodrigo Duterte is in "perpetual isolation."
PHOTO/S: Courtesy: @janinegutierrez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results