Watch Now

Jeric Gonzales insists relationship with Sheryl Cruz is "professional"

by Bernie V. Franco
Aug 18, 2020
Jeric Gonzales on persistent rumors linking him to Sheryl Cruz: "I know Ms. She, and she can handle naman yung mga ganyang rumors kasi matagal na siya sa showbiz. And with me, wala naman dapat ipag-alala, kasi ginagawa lang namin yung mga trabaho namin."
PHOTO/S: @jericgonzales07 and @officialsherylcruz on Instagram

Iginiit ni Jeric Gonzales, 28, na "professional" ang relasyon nila ni Sheryl Cruz, 46.

Ito ay sa kabila ng hindi pa rin mamatay-matay na pag-uugnay sa kanila.

Magkasama ang dalawa sa Kapuso afternoon drama series na Magkaagaw, na pansamantalang natigil ang taping dahil sa enforced quarantine.

Naging tampulan uli sila ng tukso nang mag-post sa Instagram ng sweet birthday greeting si Sheryl para kay Jeric noong August 7.

Sa ipinost na video clip ni Sheryl, kapansin-pansin ang closeness nila.

Bukod sa mga larawan nilang magkaakbay at magkadikit, mapapanood sa isang video na nakasandal ang mukha at kamay ni Sheryl sa balikat ng aktor.

Isa sa mga caption ni Sheryl: “I’m so fortunate to have you for my Leading Man in Magkaagaw.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section, kinilig ang kanilang fans. Habang ang iba, inuusisa kung magkarelasyon ba sila.

May umaasa ring magkatuluyan sila sa totoong buhay.

JERIC ADDRESSES THE ISSUE ANEW

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jeric kung ano ang reaksiyon niya sa matamis na pagbati ni Sheryl sa kanya.

“Masaya and nagulat kasi, of course, Ms. Sheryl Cruz is a very great actress. Nakakatuwa na nagpaabot siya ng pagbati,” sagot niya sa e-mail na natanggap namin nitong August 18, Martes.

Tinanong din namin si Jeric kung ano ang real score nila ni Sheryl.

Sagot ng binata, “Natutuwa kami sa fans and supporters na nagpo-promote sa amin and nag-aabang sa amin.

"Pero Ms. She and I are very professional pagdating sa work.”

Hindi na raw nababahala si Jeric na patuloy na binibigyang kulay ang kanilang pagsasama sa teleserye.

Aniya, “Natutuwa pa nga ako, kasi I know it’s all because of the show, na gusto nila kami and sinusuportahan nila ang palabas namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napag-uusapan ba nila ni Sheryl ang pang-iintriga sa kanila? May payo ba si Sheryl sa kanya bilang mas matagal na ang aktres sa industriya?

“Wala namang payo. I know Ms. She, and she can handle naman yung mga ganyang rumors kasi matagal na siya sa showbiz.

"And with me, wala naman dapat ipag-alala, kasi ginagawa lang namin yung mga trabaho namin,” sagot ng aktor.

Nitong Enero 2020, napabalitang naghiwalay si Jeric at ang karelasyon nitong non-showbiz dahil sa diumano’y namumuong relasyon nila ni Sheryl.

Itinanggi ito ni Jeric dahil wala raw siyang non-showbiz girlfriend.

Sinabi rin ni Sheryl na walang namamagitan sa kanila ni Jeric liban sa magkapareha sa Magkaagaw.

DID JERIC UNFOLLOW SHERYL?

Samantala, sa birthday greeting post ni Sheryl, nagkomento ang isang netizen na in-unfollow raw ni Jio si Veron sa Instagram.

"Jio" ang pangalan ni Jeric sa Magkaagaw, at si "Veron" naman ay si Sheryl.

Sa pagbisita ng PEP.ph sa Instagram account ni Sheryl, wala sa followers niya si Jeric, pero naka-follow ang aktres sa aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nilinaw ni Jeric sa PEP.ph na regular ang komunikasyon ng kanilang grupo sa teleserye.

Bida rin sa Magkaagaw sina Sunshine Dizon at Klea Pineda.

Ani Jeric, “Constant communication through video call. Madalas kumustahan and updates on what’s happening and support na rin sa isa’t isa.”

Naghihintay lang daw sila ng go-signal ng management kung kailan magre-resume ang taping.

“We are hoping to get back soon. Actually, we had several meetings and we tried na gumawa ng paraan para maituloy yung kuwento.

"Pero ang safety talaga ng lahat ang priority ng GMA kaya we will wait kung kailan na talaga pwede.

“But we are all very excited, and I know yung viewers din namin ay excited sa aming pagbabalik kaya natutuwa kami na ituloy yung kuwento ng Magkaagaw,” saad ni Jeric.

BIRTHDAY IN QUARANTINE

Samantala, hindi maiwasan ni Jeric na malungkot dahil inabutan ng quarantine ang kanyang kaarawan.

Saad niya, “Hindi ko naisip na aabutin yung birthday ko. Akala ko matatapos agad ito at makababalik lahat sa normal, pero sobrang unexpected.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Halos lahat ng plans and celebrations na naisip ko, hindi natuloy. I’m still happy and blessed na nakapag-celebrate ako with my family and relatives na malapit lang sa amin.

“Medyo malungkot dahil sa nangyayaring pandemya sa buong mundo. Ang daming nagbago sa trabaho, sa takbo ng mundo, sa lahat, kaya hindi ka rin makapag-celebrate lalo na kapag nakikita mo na mataas ang bilang ng COVID-19 cases araw-araw.

“Pero siyempre, thankful and grateful pa rin dahil God blessed me with another year. I am healthy and safe kami ng family ko. I pray na malagpasan natin itong pandemic na ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaya ng marami, nakakaramdam din daw si Jeric ng walang kasiguraduhan dahil sa health crisis.

“Pinakamatinding hamon siguro is yung uncertainty of how you will survive this pandemic.

“Nandoon din yung feeling na hindi mo alam yung gagawin mo ngayon na natigil lahat ng work at yung routine mo sa labas ng bahay.

“Now, you have to stay indoors for you and your family’s safety and do everything online.”

Pero nabibigyan pa naman daw siya ng ilang trabaho ng kanyang home network.

“Habang wala pang taping, guestings muna online, and other online shows na pwedeng gawin sa bahay,” sabi ni Jeric.

Ginugugol din daw niya ang kanyang panahon sa paggawa ng musika, at balak niyang i-post ang mga ito sa online channel niya.

Sa kabila raw ng pandemya, mas natutunan daw ni Jeric na pahalagahan ang bawat araw.

“Every day we have to be grateful na buhay tayo and cherish every single day and every moment of your life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, para sa akin, kahit planuhin mo na lahat, hindi mo pa rin alam what will happen.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales on persistent rumors linking him to Sheryl Cruz: "I know Ms. She, and she can handle naman yung mga ganyang rumors kasi matagal na siya sa showbiz. And with me, wala naman dapat ipag-alala, kasi ginagawa lang namin yung mga trabaho namin."
PHOTO/S: @jericgonzales07 and @officialsherylcruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results