Eric Fructuoso does TikTok, sells embutido, and wants a Gwapings reunion

by Jojo Gabinete
Aug 18, 2020
Eric Fructuoso (in photo) wants a new photo with Gwapings co-stars Mark Anthony Fernandez and Jomari Yllana: “I’m pretty and positively sure, kapag lumabas yung picture na yun, ang mga tao magpa-flashback sa buhay na simple pa, noong ‘90s, at makakapagbigay ng good vibes."
PHOTO/S: Instagram / Screen grab from YouTube

Pagbebenta at paghahatid ng embutido sa mga bumibili—hindi ang pamamasada ng tricycle—ang pinagkakaabalahan ngayong may pandemya ng aktor na si Eric Fructuoso.

Ito ang nilinaw ng 43-year-old nang eksklusibo siyang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono, Lunes ng gabi, August 17.

Noong August 11 ay nag-post si Eric ng larawan kung saan nagda-drive siya ng tricycle.

Caption niya rito: “Times like these hindi pwedeng kaartehan ang paiiralin! Basta ligal na pagkakakitaan para sa mga anak, tirahin lang ng tirahin!”

Dahil dito, inakala ng netizens at maging ng ilang entertainment websites na namamasada na siya ng tricycle.

Continue reading below ↓

Pero pinabulaanan ito ng aktor sa kanyang Facebook post noong August 15.

Sa kabila ng maling akala ng netizens, masaya si Eric dahil nagbigay ng inspirasyon at naghatid ng good vibes sa mga tao ang kanyang social media post na nag-viral.

Pahayag ni Eric sa PEP.ph, “Natuwa ako, pero siyempre, ang purpose ko lang is to inspire people at huwag mahiya sa ginagawa nila.

“Alam mo naman ang mga Pilipino, medyo masyado pang nagwo-worry sa iniisip ng ibang mga tao tungkol sa kanila.

“Ang tendency, ayaw nilang magnegosyo at magsipag dahil nag-aalala sila sa sasabihin ng iba—kaibigan o kamag-anak.

“Inili-lift ko lang ang spirit ng mga tao na huwag kayong mahihiya sa mga ginagawa ninyo. Gawin ninyo para kumita kayo dahil, ngayong pandemya, mahirap ang trabaho.”

Diin ni Eric, “Hindi ako namamasada ng tricycle. Naka-post lang, wala naman nakalagay na namamasada.

“Sa social media naman, nakita natin sa Facebook, maganda ang feedback ng mga tao.

Continue reading below ↓

“So, at least, happy ako, hindi puro bashers ang nababasa natin.”

GWAPINGS DAYS

Fourteen years old lang si Eric nang mag-umpisa ang acting career niya noong 1991.

Sumikat siya nang husto nang maging bahagi ng grupong Gwapings, na kinabibilangan din nina Mark Anthony Fernandez at Jomari Yllana.

Ang tatlo ay talents ng yumaong talent manager na si Douglas Quijano.

Continue reading below ↓

Tulad ng kanyang Gwapings co-actors, wala siyang kamuwang-muwang noon sa mundo.

Pagbabalik-tanaw ni Eric, “I was too young nang magsimula ako sa showbiz. I was fourteen years old.

“Wala akong comparison kaya siguro masasabi ko na humble sina Mark at Jomari, kasi nagsimula kami, walang kamuwang-muwang. Ang feeling namin, yun ang mundo.

“It’s normal and natural for us so walang ere na pumasok. Makulit lang.

“May iba kasing nag-artista, may edad na. Medyo nagkaroon ng ere dahil alam niyang nagbago ang kanyang dating buhay, may comparison.

“Ako, lumaki sa industriya. Hindi ko alam kung ano ang normal na buhay. Pero as time goes by, natututo tayo.”

GWAPINGS REUNION

Matagal nang hindi nagkikita at nagkakasama-sama ang Gwapings, kaya gusto ni Eric na magkaroon sila ng reunion nina Mark at Jomari.

Pero imposible itong mangyari sa lalong madaling panahon dahil sa kanilang magkakaibang priorities.

Sa pagkakaalam ni Eric, mahigit sampung taon na ang nakalilipas buhat nang makumpleto ang grupo nila na sumikat noong dekada ‘90.

Continue reading below ↓

“Matagal ko nang kinokontak yung dalawa para kumain man lang, magsama kami to catch up, pero ang hirap pagsamahin.

“Halimbawa, si Jomari, busy masyado. Tahimik na tao, as much as possible gusto niya ng privacy. Konsehal pa siya.

“Kumbaga, nag-social media si Jomari because konsehal siya. Kailangan niya sa kanyang pagiging public servant wherein he’s doing a good job kaya parang hirap niya na hagilapin.”

Konsehal si Jomari sa Parañaque City. Siya ang unang asawa ni Aiko Melendez at ama ng nag-iisa nilang anak na si Andre.

Pagpapatuloy ni Eric, “Iba pa rin yung kumpleto kami. Hindi naman puwedeng kami lang ni Mark. Gusto kong mag-catch up kami, hindi na kami mga bata.”

Pangarap daw ni Eric na muling makasama sina Mark at Jomari sa isang litrato na puwedeng magbigay ng excitement at inspirasyon sa mga tagahanga nila noon.

“For me, yung isang picture na magkakasama kami ngayon—it’s not for us, it’s for the people.

Continue reading below ↓

“I’m pretty and positively sure, kapag lumabas yung picture na yun, ang mga tao magpa-flashback sa buhay na simple pa, noong ‘90s, at makakapagbigay ng good vibes.

“Yun ang gusto ko na sana mangyari. Kaming tatlo ang hindi pa nakikita na magkasama for the longest time, I think more than a decade na.”

TIKTOK VIDEOS

Bago pa man nag-trending ang tricycle post ni Eric sa social media, pinag-uusapan na ang kanyang TikTok videos na maraming mga tao ang pinasasaya.

Ang hindi alam ng followers ni Eric, base sa kanyang mga tunay na karanasan ang ilan sa funny but inspiring TikTok videos niya.

Continue reading below ↓

Saad niya, “Sa akin kasi, kapag napapatawa ko ang mga tao, nakakabawas ng lungkot at problema. It became natural na lang.

“Saka noong pinipilit akong mag-TikTok na ayoko, marami ang natutuwa, marami ang nagsasabing sumasaya sila kahit malungkot.

“So financially, hindi ko masusuportahan yung mga nangangailangan. Pero kung sa tawa, sabi nga, ‘laughter is the best medicine,’ e, bakit hindi ko na lang gawin?

“So, tinuluy-tuloy ko na ang TikTok videos ko. It’s very fun to entertain people, lalo na ngayon sa mga pinagdaraanan natin.

“Yung jokes ko sa TikTok videos, yung iba true-to-life experiences ‘yon. Yung ibang mga payo ko dun, totoo ‘yon. Totoong nangyari sa akin ang mga ‘yon.”

EMBUTIDO BUSINESS

Ayon kay Eric, maganda ang kita sa embutido business nila ng kanyang girlfriend. Ipinagmamalaki niya ang masarap na lasa ng kanilang produkto na mabibili lamang sa ilang bayan sa Batangas.

“Hindi ako nagluluto ng embutido, pero yung preparation lang, kami ang nagde-deliver. I just want to keep it low-key lang.

Continue reading below ↓

“Nagbebenta kami ng embutido, pero hindi ako yung humaharap, hindi na ako yung nagpo-promote.

“Kumikita kami ng ten thousand a day. Kapag sinusuwerte, fourteen thousand…

“Yung girlfriend ko kasi, medyo may followers talaga siya kaya sinusuportahan ko na lang siya.”

Sabi pa ng aktor, “Masarap ang embutido namin, she cooks, and I support her sa marketing minsan, pero hindi ako masyadong pumi-picture.

“Alam mo naman, kapag artista ang humarap diyan, minsan marami ang nangungulit lang kaya iniiwasan ko yung ganoon.”

Tumanggi si Eric na i-publish ng PEP.ph ang Facebook page ng kanilang embutido business dahil, sa ngayon, kuntento silang nakasentro lamang sa Batangas ang delivery nila.

Nangangamba si Eric na hindi sila makapag-deliver sakaling tumaas ang demand sa kanilang produkto.

Saad niya, “Hindi ko muna ipinu-promote kasi kapag nangyari ito, it would be the whole Metro Manila and other provinces which we cannot accommodate.

“Kaya kong palakihin pa ang profit, pero ang sa akin lang naman, I don’t want to make sobrang big money. I just want na merong pumapasok.

Continue reading below ↓

“What I do now, dahil since sinuwerte tayo sa dating show, Kadenang Ginto, nakilala tayo ng medyo younger market. So, mina-maximize ko na lang yun to support yung business ng ibang mga tao.

“I think now is the best time to drop all issues and suportahan ang isa’t isa.

“Ang sabi nila, you cannot please everyone, but if it’s gonna help them survive, why not?”

Ang Kadenang Ginto ang afternoon drama series ng ABS-CBN noong 2018.

Dito napansin ang pagganap ni Eric bilang Alvin Mangubat, na isa lamang sa maraming roles na ginampanan niya mula nang pumasok siya sa showbiz noong 1991.

Kabilang sa mga pelikulang nagawa ni Eric ay ang Gwapings: The First Adventure (1992), Eskapo (1995), Rollerboys (1995), Dino... Abangan Ang Susunod Na Kabanata (1995), Magic Kombat (1995)...

Unang Tibok (1996), Kulayan Natin Ang Bukas (1997), Virgin Island (1997), Manananggal In Manila (1997), at T2 (2009).

Ang ilan naman sa TV shows at teleserye na ginawa niya ay ang Palibhasa Lalake (1991-1998), Tropang Trumpo (1992), Bubble Gang (1995-2000), Super Inggo 1.5 (2007)...

Lobo (2008), Noah (2010), Nasaan Ka Elisa? (2011), Angelito: Ang Bagong Yugto (2012), Apoy Sa Dagat (2013), at FPJ's Probinsyano (2016).

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

sa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eric Fructuoso (in photo) wants a new photo with Gwapings co-stars Mark Anthony Fernandez and Jomari Yllana: “I’m pretty and positively sure, kapag lumabas yung picture na yun, ang mga tao magpa-flashback sa buhay na simple pa, noong ‘90s, at makakapagbigay ng good vibes."
PHOTO/S: Instagram / Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results