Ex-PBB housemate, vlogger Baninay Bautista says she tested positive for COVID-19

by Arniel C. Serato
Aug 19, 2020
Baninay Bautista revealed that she is COVID-19 positive through her YouTube channel last night, August 18.
PHOTO/S: Courtesy: Baninay Bautista on YouTube

Nagpositibo sa COVID-19 ang dating Pinoy Big Brother Lucky 7 housemate at ngayo'y vlogger na si Baninay Bautista.

Ito ang inanunsiyo ni Baninay sa kanyang YouTube account kagabi, August 18.

Nakalagay sa kanyang caption, “hi every bunny, i wanna share with you my journey at mga pinagdaanan ko this past few weeks na hindi ako active dito sa social media lalo na sa youtube.

“i wanna share what's really happening pag naging covid positive ka and please samahan niyo po ako sa journey ko hanggang sa maging okay na ang lahat. love you all!!”

Sa kanyang vlog, ikinuwento ni Baninay na may dalawa siyang kasamahan sa bahay na COVID-19 positive din.

Lahat daw sila ay asymptomatic o walang nararamdamang sintomas.

Ayon kay Baninay, dalawang oras muna ang lumipas bago nag-sink in sa kanya ang resulta ng swab test niya.

“Kanina nung malaman ko, sobrang umiyak ako, kasi natakot ako.

"Naging emosyunal din ako, kasi may fear, kasi alam naman nating walang gamot and all.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero, guys, honestly, sobrang wala akong napi-feel na kahit ano.

"Thank you Lord, yun na lang talaga ang ipinagpapasalamat ko, kasi kahit ubo, sipon, lagnat, wala. Diarrhea, na kasama din daw sa symptoms, wala rin.

"May konting plema lang ako and sore throat siguro, though hindi talaga siya sobrang sakit.

"Parang minsan lang, kapag madami akong nasasabi, kapag salita ako nang salita, minsan sumasakit na rin lalamunan ko, kasi ang lakas ng boses ko.”

Sa huling bahagi ng video, naiyak si Baninay dahil nagkaroon daw ng bakante sa quarantine facility sa kanilang barangay kaya kailangan silang dalhin doon.

Takot daw kasi siyang mag-isa.

WHO IS BANINAY?

Ipinakilala si Baninay sa publiko bilang regular housemate ng PBB Lucky 7 noong October 27, 2016.

Binigyan siya ng bansag na "Bibang Bentang-guena ng Batangas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Baninay ay avid fan ng tambalang James Reid at Nadine Lustre, na kilala sa tawag na JaDine.

Hindi nagtagumpay na mapasama si Baninay sa Big Four, kung saan ang nanalo ay si Maymay Entrata.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baninay Bautista revealed that she is COVID-19 positive through her YouTube channel last night, August 18.
PHOTO/S: Courtesy: Baninay Bautista on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results