Pokwang fuming at Baninay Bautista for causing COVID-19 panic with “late upload” vlog

by Arniel C. Serato
Aug 19, 2020
Pokwang (left) to former PBB Lucky 7 housemate Baninay Bautista (right): "Hoy Baninay wag mong pagkaperahan yang clickbait mo para lang dumami views mo! negative kana diba last aug.2??" Binanggit ni Baninay sa kanyang July 16 vlog na siya'y nagpa-test, ngunit inilabas niyang nag-positive siya sa test na iyon nito lamang August 18.
PHOTO/S: Courtesy: @itspokwang27 on Instagram / Baninay Bautista on YouTube

Galit na galit ang comedienne na si Pokwang sa dating Pinoy Big Brother Lucky 7 housemate at vlogger na si Baninay Bautista dahil sa vlog nitong meron itong COVID-19.

"Late upload" ang vlog, mainit na puna ni Pokwang.

Kahapon, August 18, in-upload ni Baninay sa YouTube ang vlog kung saan sinabi niyang positibo siya sa COVID-19.

Sa Twitter ngayong Miyerkules, August 19, sinabi ni Pokwang na dahil nahuli ang "upload” ni Baninay, nagdulot ito ng nerbiyos at takot sa kanilang lahat sa Fill In The Bank, ang bagong game show nina Pokwang at Jose Manalo sa TV5.

Nag-guest doon si Baninay.

Ramdam ang panggagalaiti ng comedienne sa tweet niya: “dahil sa vlog mo nag panic kmi potah ka! e late upload naman yan at negative naman result mo last aug.2!!

“Wag mong gawin pagkaperahan yang nag ka covid ka may nalalaman kapa na update update sa mga ganap sayo e negative na nga diba?

Continue reading below ↓

"nangdamay kapa ng nerbios at gastos!”

Sa isang bahagi ng kanyang vlog, binanggit ni Baninay na July 16 siya nagpa-test. Pero in-upload niya ang video nito lamang August 18.

Ibig sabihin, halos isang buwan na ang nakararaan mula nang nagpositibo si Baninay sa COVID-19.

Ibig sabihin din, wala na siyang COVID-19.

Continue reading below ↓

Pero dahil inilabas ni Baninay ang balita ngayon lamang August 18, inakusahan siya ni Pokwang na gumagawa ng “clickbait” nang may “pinagkakaperahan.”

Mensahe ng comedienne-host, “Hoy Baninay wag mong pagkaperahan yang clickbait mo para lang dumami views mo! negative kana diba last aug.2??

“July 21 ka nagkasakit tapos aug.2 ok kana negative kana!

“Aug.16 naglaro ka samin nagpanic kmi kanina dahil di mo sinabi sa vlog mo na late upload nayan! pa trending ka!”

Continue reading below ↓

Ayon pa sa Kapatid host, hindi raw alam ni Baninay ang idinulot na takot ng vlog nito sa kanya bilang ina at anak.

"Hindi mo alam ang panic na ginawa mo samin Baninay!

"may anak ako at nanay na 80yrs old!

"sana sinabi mo agad sa vlog mo na nag negative kana last aug.2 dahil aug.16 nag guest ka sa gameshow!

"hindi mo alam pakiramdam ng isang ina na sobrang nag aalala sa ganitong pandemic!”

Continue reading below ↓

Isang netizen ang nagtanong kay Pokwang kung bakit kailangan pa nitong mag-tweet kung alam pala niyang negative na si Baninay sa test at rapid test nito.

Paglilinaw ni Pokwang, ngayon lang umaga niya nalamang nagpositibo pala si Baninay.

Aniya, "nalaman ko ngayong umaga lang kung di pa sya tinanong ng mga staff dahil may mga nakapanood na ng vlog nya! kaya sa takot ko umiyak ako at nag panic".

Himutok pa ni Pokwang, "nauunawaan mo ba na may 2yrs old akong anak at 80 edad na nanay!??? Hindi nyo alam pakiramdam ng isang ina!"

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, "mauunawaan nyo lang ako kapag mga magulang na kayo at may mga anak at pamilya na pinoproteksyunan lalo na sa ilalim ng pandemic na ito. #BeResponsible"

JOHN LAPUS CALLS BANINAY “NAPAKA GAGANG!”

Halos ganito rin ang himutok ng comedian-director na si John Lapus sa kanyang post sa Twitter.

Continue reading below ↓

Bakit daw hindi nilagyan ni Baninay ng “late post” ang vlog nito gayung matagal na pala itong gumaling.

Ang title daw kasi ng latest vlog ni Baninay ay “I AM POSITIVE,” na puwede naman daw gawing “I was positive."

Saad ni John, “Diyos ko nong Latepost daw.

"Dapat nilagay nya 'I was positive' or at least 'Late Post'. Napaka gagang!”

Continue reading below ↓

Wala pang sagot si Baninay dito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang (left) to former PBB Lucky 7 housemate Baninay Bautista (right): "Hoy Baninay wag mong pagkaperahan yang clickbait mo para lang dumami views mo! negative kana diba last aug.2??" Binanggit ni Baninay sa kanyang July 16 vlog na siya'y nagpa-test, ngunit inilabas niyang nag-positive siya sa test na iyon nito lamang August 18.
PHOTO/S: Courtesy: @itspokwang27 on Instagram / Baninay Bautista on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results