Arnold Clavio, Bianca Gonzalez, Amy Perez congratulate Anthony Taberna, Gerry Baja after signing contract with DZRH

by Arniel C. Serato
Aug 20, 2020
(L-R) DZBB's Arnold Clavio AND former ABS-CBN colleagues Bianca Gonzalez and Amy Perez send messages of support for Gerry Baja (2nd from right) and Anthony Taberna (rightmost), who officially signed a contract with DZRH.
PHOTO/S: Instagram

Opisyal nang bahagi ng DZRH ng Manila Broadcasting Company (MBC) ang mga beteranong radio commentators na sina Anthony Taberna at Gerry Baja.

Ngayong Huwebes, August 20, pumirma ng kontrata sa MBC sina Anthony at Gerry.

Ire-retain din ang title ng radio program nila noon sa DZMM, ang Dos Por Dos, na tumagal ng lagpas labimpitong taon.

Sa kanilang Instagram, nagbahagi ang dalawa ng mga larawang kuha sa contract signing kasama ang mga ehekutibo ng MBC.

Post ni Anthony, “Bagong bahay ng Dos Por Dos. It’s official, nagkapirmahan na!

“Salamat sa pamilya DZRH ng Manila Broadcasting Company (MBC) sa naglalagblab na pagtanggap.

“Dos Por Dos sa DZRH, susunod na!!!"

Continue reading below ↓

Maiksing post naman ni Gerry sa kanyang Instagram: “FLASH REPORT! Dospordos at MBC DZRH Management, nagkapirmahan na!!”

Kaagad bumuhos ang congratulatory messages mula sa mga kaibigan ng dalawa.

Kabilang sa bumati ang dati nilang kasamahan sa ABS-CBN na sina Amy Perez at Bianca Gonzalez, ang Kapuso broadcaster na si Arnold Clavio, at si dating senador JV Ejercito.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

SMOOTH TRANSFER FROM DZMM TO DZRH

Nagpaalam sa ere ang programa nina Anthony at Gerry sa DZMM noong July 31, matapos ang lagpas 17 taong pagsahimpapawid.

May mga lumabas na ulat na baka sa radio arm ng TV5, ang Radyo Singko, o sa DZBB ng GMA-7 lilipat ang dalawa.

Pero sa ulat ng PEP Troika ng PEP.ph noong August 8, tinalakay rito ang paglipat ng dalawa sa DZRH.

August 11, nakumpirmang sa DZRH nga ang tungo nina Taberna at Baja nang pasyalan nila ang headquarters ng Manila Broadcasting Company sa Pasay City.

Apektado sina Anthony at Gerry sa retrenchment ng ABS-CBN, ang parent company ng DZMM, matapos ibasura ng Kongreso ang franchise application ng Kapamilya network noong July 10, 2020.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) DZBB's Arnold Clavio AND former ABS-CBN colleagues Bianca Gonzalez and Amy Perez send messages of support for Gerry Baja (2nd from right) and Anthony Taberna (rightmost), who officially signed a contract with DZRH.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results