FAREWELLS: Anita Linda, Peque Gallaga, other celebrities we lost in 2020

by Rachelle Siazon
Aug 21, 2020
Veteran actress Anita Linda, acclaimed director Peque Gallaga, Hagibis frontman Sonny Parsons, and former Sampaguita star Liberty Ilagan are some of the celebrities who passed away this 2020.
PHOTO/S: File / CTTO / Sonny Parsons Facebook / @happyongpauco_tiu Instagram

Hindi pa man natatapos ang taong 2020, marami nang tanyag na personalidad mula sa mundo ng showbiz at pulitika ang namaalam.

Pero ang iniwan nilang ambag sa industriya, pagmamahal sa kanilang trabaho, at inspirasyon sa kapwa ay mananatiling buhay sa alaala ng kanilang mga tagasuporta.

Narito ang mga personalidad na pumanaw ngayong taon.

ANITA LINDA

Si Anita Linda—o Alice Buenafor Lake sa tunay na buhay—ay pumanaw sa edad na 95 taong gulang.

Heart failure ang ikinasawi ng beteranang aktres noong June 10, 2020.

Si Anita ay unang sumabak sa showbiz noong 1943, at mula noon ay nakagawa siya ng humigit-kumulang 372 pelikula at 15 teleserye.

Una siyang nagkamit ng acting award sa pagganap ng title role na Sisa noong 1951.

Hanggang sa siya ay tumanda ay kinikilala pa rin ang galing niya sa pag-arte.

Sa edad na 83, noong 2008, nanalo siyang Best Actress sa Cinemanila International Film Festival-Southeast Asian Competition para sa pelikulang Adela.

Continue reading below ↓

Noong 2010, nanalo rin siyang Best Actress sa 54th Asia Pacific Film Festival sa Taiwan at Fair International Film Festival sa Iran para sa pelikulang Lola.

Lubos ang pagmamahal ni Anita sa sining ng pelikula. Ang huling pelikulang ginawa niya ay ang Circa, na ipinalabas noong 2019.

Continue reading below ↓

PEQUE GALLAGA

Ang premyadong direktor na si Peque Gallaga—o Maurice Ruiz de Luzuriaga Gallaga—ay pumanaw noong May 7, 2020.

Mga kumplikasyon sa kanyang heart condition ang ikinamatay ng direktor. Siya ay 76 taong gulang.

Kabilang sa mga di malilimutang pelikula ni Direk Peque ay ang Oro, Plata, Mata (1982), na humakot ng awards, kabilang ang Best Picture at Best Director sa Gawad Urian.

Idinirek din niya ang Scorpio Nights (1985), Tiyanak (1988), Aswang (1992), Darna: Ang Pagbabalik (1994), Ang Kabit ni Mrs. Montero (1999), at Sonata (2013).

Kilala rin si Direk Peque sa '90s youth-oriented films tulad ng Batang-X, Baby Love, Magic Temple, at Magic Kingdom: Ang Alamat ng Damortis.

Sa karamihan ng kanyang mga pelikula ay kabahagi siya sa pagbuo ng screenplay.

Nag-artista rin siya sa mga pelikulang Tatlong Taong Walang Diyos (1976), Lucio & Miguel (1992), Jose Rizal (1998), Enteng Kabisote 4 (2007), at Si Agimat at si Enteng Kabisote (2010).

Continue reading below ↓

Bago pumanaw ay nakatapos ng isang pelikula si Direk Peque, ang Ma, gikland, na napili bilang official entry sa Metro Manila Film Festival 2020.


SONNY PARSONS

Pumanaw ang Hagibis frontman na si Sonny Parsons noong May 10, 2020. Siya ay 61 anyos.

Inatake sa puso si Sonny habang sakay ng motorsiklo sa Lemery, Batangas. Ilang oras na umano siyang bumabiyahe patungo ng Quezon province nang mangyari ang insidente.

Continue reading below ↓

Si Sonny ay sumikat bilang frontman ng Hagibis, ang tinaguriang first OPM boyband, na nabuo noong 1979. Ilan sa mga sikat nilang kanta ay ang "Katawan," "Legs," at "Nanggigigil."

Ang "Katawan" ay theme song ng defunct ABS-CBN sitcom na Palibhase Lalake.

Tumawid din si Sonny sa mundo ng pelikula. Actor-director siya sa action films na Capt. Rassul Alih: Hindi Sa 'Yo ang Mindanao (1993), at Bala Para Sa Katarungan (1997).

Continue reading below ↓

LIBERTY ILAGAN

Pumanaw ang dating aktres na si Liberty Ilagan sa edad na 76 anyos.

Binawian ng buhay si Liberty dahil sa kumplikasyon sa sakit nitong chronic obstructive pulmonary disease at cardiac arrest noong March 15, 2020.

Nag-umpisa ang acting career ni Liberty sa murang edad na apat.

Ilan sa mga pelikulang ginawa niya bilang child star ay ang So Long, America, Hindi Kita Malimot, at Selosa.

Ngunit mas nakilala siya bilang contract star ng dating film company na Sampaguita Pictures, mula late '50s hanggang '60s.

Ipinakilala siya sa pelikulang Lover Boy (1958), kung saan nakasama niya sina Susan Roces, Romeo Vasquez, at Jose Mari.

Ilan pa sa mga pelikulang ginawa ni Liberty ay ang Tindahan Ni Aling Epang (1961), Kaming Mga Talyada (1962), Alipin ng Busabos (1968), Brainwash (1968), at Umibig Ay Di Biro (1964).

Si Liberty ay anak ni National Artist for Cinema Gerry de Leon. Kilala si Gerry sa classic films na Ang Sawa Sa Lumang Simboryo (1952), Dyesebel (1953), Ifugao (1954), Sanda Wong (1955), Noli Me Tangere (1961), The Moises Padilla Story (1961), Ang Daigdig ng mga Api (1965), at Banaue (1975).

Continue reading below ↓

Kamag-anak ni Liberty ang veteran actor na si Robert Arevalo at yumaong aktor na si Jay Ilagan.

Ang mga anak ni Liberty ay pinsan, sa father's side of the family, ng Kapuso actress na si Heart Evangelista.

Pamangkin din ni Liberty ang singer-comedian na si Janno Gibbs, na anak ng nakababatang kapatid ng aktres na si Maria Fe "Baby" Gibbs.

Continue reading below ↓

ALFREDO "FRED" LIM

Pumanaw si dating Manila Mayor Alfredo Lim noong August 8, 2020.

Nakumpirmang dinapuan ng COVID-19 ang dating alkalde bago siya binawian ng buhay. Siya ay 90 anyos.

Dalawang beses naglingkod si Lim bilang alkalde ng Maynila, mula 1992 - 1998 at 2007 - 2013.

Nagsilbi rin siya bilang senador ng bansa mula 2004 hanggang 2007.

Bago sumabak sa pulitika, kilala si Lim bilang isang decorated bagama't controversial police officer sa loob ng tatlong dekada, bago siya nagretiro bilang major general.

Dati siyang superintendent ng Philippine National Police at director ng Western Point District, na kilala ngayon bilang Manila Police District.

Nagsilbi siyang director ng National Bureau of Investigation (NBI) mula 1989 - 1992, noong panahon ng panunungkulan ni Presidente Corazon Aquino.

Binansagan si Lim na "Dirty Harry" dahil sa kanyang mapangahas na mga kilos at utos sa pagsugpo ng krimen.

Hango ang bansag sa fictional Hollywood police officer na si Inspector Harry "Dirty" Callahan, na ginampanan ni Clint Eastwood, na may reputasyon na lumalabas sa pinapayagan ng batas.

Continue reading below ↓

Noong late '90s, laman ng balita ang paglunsad ni Lim ng "shame campaign," o ang pag-spray paint sa pintuan ng bahay ng suspected drug dealers.

Kilala rin siya sa pagpapasara sa Maynila ng daan-daang pick-up bars.

Apat na beses isinalin sa pelikula ang makulay na kuwento ng buhay ni Lim.

Si Rudy Fernandez ang gumanap na Alfredo Lim sa Alfredo Lim: Sa Kamay ng Ibabaw (1977); si Ramon Revilla Sr. ang bida sa Target Police General: Major General Alfredo Lim Story (1990); si Eddie Garcia si Lim sa Alfredo Lim, Batas ng Maynila (1995); at si Cesar Montano ang lead actor sa Maynila sa Alfredo S. Lim: The Untold Stories (2013).

Noong 1998, naging host din si Lim ng ABS-CBN crime documentary-drama show na Katapat, Mayor Fred Lim.


Continue reading below ↓

JOEY BAUTISTA

Pumanaw ang chinito singer na si Joey Bautista noong March 19, 2020 dahil sa sakit na pneumonia.

Binawian ng buhay si Joey nang hindi nalalaman na nagpositibo siya sa COVID-19, ayon sa Facebook post ng asawa niyang si Belinda Bagatsing.

Si Joey ay may edad na 57 anyos.

Lead singer si Joey ng '90s OPM pop band na Mulatto.

Ilan sa mga kanta ng Mulatto ay "Move it," "Nang Tumugtog Ang Awit Ko," On The Right Track," "Full Circle," at ang remake ng "Growing Up" na bahagi ng soundtrack ng youth-oriented show na T.G.I.S.

Sinasabing trademark ni Joey ang mala-Barry White na singing voice.

Noong 2012, kinanta ni Joey ang madamdaming version niya ng "You Never Love Me The Same Way Twice," kasama ang American jazz pianist-composer na si David Benoit sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Continue reading below ↓

EDUARDO "DANDING" COJUANGCO JR.

Pumanaw ang business tycoon at bilyonaryong si Eduardo "Danding" Cojuangco dahil sa lung cancer, noong June 16, 2020.

Nagdiwang siya ng kanyang ika-85 kaarawan noong June 10.

Si Cojuangco ang chairman at CEO ng San Miguel Corporation.

Kilala rin siyang sports patron na nagmamay-ari ng tatlong basketball teams sa PBA—ang San Miguel Beermen, Barangay Ginebra San Miguel, at Magnolia Hotshots.

Bukod sa pagiging negosyante ay sumabak din sa pulitika si Cojuangco, na naging founder ng political party na National People’s Coalition.

Naglingkod si Cojuangco bilang gobernador ng Tarlac (mula 1967-1969), congressman ng 1st District ng Tarlac (1969-1972), at ambassador ng Pilipinas sa Amerika sa panahon ni President Ferdinand Marcos.

Kamag-anak si Danding ni Cory Cojuangco Aquino, ngunit kilala siya bilang crony ng pinatalsik na diktador Marcos, ang pinaniniwalaang pumaslang o nag-cover up sa pagpaslang sa asawa ni Cory, si Ninoy Aquino.

Asawa ni Cojuangco si Soledad “Gretchen” Oppen, na mula sa prominenteng pamilya sa Negros Occidental. Mayroon silang apat na anak.

Continue reading below ↓

Hiwalay si Cojuangco sa kanyang asawa.

Naulila rin niya ang kanyang partner na si Aileen Damiles, dating aktres at Bb. Pilipinas-Universe 1996 titleholder. Mayroon silang dalawang anak na babae.

BABAJIE

Pumanaw ang comedian na si Babajieo Alfredo Cornejo Jr. sa totoong buhay—noong May 4, 2020.

Continue reading below ↓

Binawian siya ng buhay sa San Lazaro Hospital sa Maynila dahil sa pneumonia. Siya ay 35 anyos.

Noong pang December 2019 ay na-diagnose si Babajie na may tuberculosis, ayon sa kuwento ng ina ni Babajie sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Lubha siya nangayayat noon, pero bumuti rin daw ang kalagayan bago siya ipinasok sa ICU ng ospital noong May 4.

Sabi pa ng ina ni Babajie, anim na beses itong sinubukang i-revive pero lubhang mahina raw ang katawan ng anak.

Napanood si Babajie sa Kapuso gag show na Bubble Gang.

Sa Kapuso Mo, Jessica Soho, naikuwento ni Babajie na bahagi siya ng fan club ni Ara Mina sa Bubble Gang. Hanggang sa isinama raw siya sa mga taping ni Diego, na isang komedyante sa Bubble Gang.

Nakasama rin si Babajie sa defunct Kapuso sitcom na Beh Bote Nga nina Janno Gibbs at Anjo Yllana.

Continue reading below ↓

KIM IDOL

Pumanaw ang stand-up comedian na si Kim Idol—o Michael Argente sa tunay na buhay—noong July 13, 2020. Siya ay 41 taong gulang.

Naka-duty siya bilang marshal ng Bureau of Quarantine sa Philippine Arena nang magkaroon siya ng AVM o brain arteriovenous malformation.

Isinugod siya sa ospital matapos matagpuang walang malay. Makalipas ang apat na araw ay binawian siya ng buhay.

Si Kim ay nagpe-perform bilang stand-up comedian sa comedy bars na pag-aari ng Eat Bulaga Dabarkads na si Allan K.

Naging bahagi rin si Kim ng 2017 Kapuso variety show na Full House Tonight, na hinu-host ni Regine Velasquez.

May appearances din si Kim sa ilang TV shows tulad ng Eat Bulaga at Sunday PinaSaya.

Bukod dito ay naging contributing writer si Kim ng ilang episodes ng ABS-CBN late-night talk show na Gandang Gabi Vice.

May angking talento, rumaraket din siya bilang writer ng scripts para sa concerts ng mga kilalang comedians.

Continue reading below ↓

EMMAN NIMEDEZ

Pumanaw ang vlogger at part-time-actor na si Emman Nimedez noong August 16, 2020.

Ito ay matapos ng tatlong buwang pakikipaglaban sa sakit na cancer. Siya ay 27 anyos.

Si Emman ay nag-aaral noon ng Broadcast Communication sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) nang sumikat siya bilang YouTuber.

Continue reading below ↓

Noon pang 2011 siya gumagawa ng videos, pero noong 2017 naging viral ang parody niya ng Korean hit series na Goblin.

Napanood din si Emman sa ABS-CBN teen sitcom na Luv U at iWant series na Jhon en Martian.

Nakasama ni Emman ang Kapamilya love team na Maymay Entrata at Edward Barber sa 2017 film na Loving in Tandem. Gumanap si Emman bilang Teddy sa pelikula.

Mayroong 2.49 million subscribers sa YouTube si Emman.

Noon lamang July 30 ipinost ni Emman ang lyric video ng kanta niyang "Uuwian," na mayroong higit 2.7 million views ngayon.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actress Anita Linda, acclaimed director Peque Gallaga, Hagibis frontman Sonny Parsons, and former Sampaguita star Liberty Ilagan are some of the celebrities who passed away this 2020.
PHOTO/S: File / CTTO / Sonny Parsons Facebook / @happyongpauco_tiu Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results