Kim Domingo mourns death of guy best friend: “Napakasakit!"

by Jet Hitosis
Aug 22, 2020
Kim Domingo lost her best friend Zacharael to lung disease: “Hindi ko kayang paniwalaan kagabi lang kasama pa kita.”
PHOTO/S: Kim Domingo on Facebook

Nagluluksa ngayon ang aktres na si Kim Domingo dahil sa pagpanaw ng kanyang guy best friend na si Zacharael.

Sakit sa baga ang sanhi ng pagkamatay nito.

Sa isang Facebook post nitong Huwebes, August 20, binigyang-pugay ni Kim, 25, ang kaibigan na ang palayaw ay Gel, 32.

Bungad ni Kim, “Never sumagi sa isip ko na susulatin ko ang mga sinusulat ko ngayon. Dahil para sa akin, masyado pang maaga. Hindi pa ito ang panahon but I guess eto na talaga yun.”

Ibinahagi ng Kapuso star sa kanyang 4.1 million Facebook followers ang mahigit 40 pictures nila ni Gel.

Sa pamamagitan ng mga iyon, binalikan ng aktres ang mga alaala nila ni Gel simula nang nagkakilala sila noong 2010.

THE GUY BEST FRIEND

Ayon kay Kim, hindi raw niya inakalang magiging matalik silang magkaibigan ni Gel. At marami rin daw ang duda na magkaibigan lang talaga sila.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Kim (published as is): “Hindi ko naman inexpect na ikaw pa talaga ang magiging BEST FRIEND ko ay I mean bihira kasi tayo makakita ng babae-lalaki tapos magbestfriend diba.

“So yung iba pag tinatanong ako hanggang ngayon ano mo sya? pag sinasabi ko bestfriend ko napapa-weh na lang sila kasi ayaw maniwala sa atin.”

Sinabi ni Kim na saksi si Gel sa mga pinagdaanan niya sa love life, at ganundin siya sa past relationships ng kaibigan.

Nakasuporta raw si Gel mula noong maging cover girl ang dalaga ng men’s magazine na FHM Philippines, hanggang sa tuluyang pasukin ng aktres ang showbiz noong 2012.

Sa katunayan, kasa-kasama lagi ni Kim si Gel sa out-of-town shows at events.

Naroon rin daw si Gel noong nagsimula nang makaipon si Kim, at nakabili ng sariling bahay at sasakyan.

Kasama rin ng aktres ang kanyang best friend noong una siyang bumiyahe sa Thailand at Macao.

Continue reading below ↓

THE lung DISEASE that killed gel

Kuwento ni Kim, unti-unti nang bumabagsak ang katawan ni Gel nang ipagtapat nito sa kanya na mayroon itong “lung mass” o bukol sa baga.

Naipa-biopsy daw ito, at ayon sa post ni Kim, benign ang bukol.

May mga panahong bumubuti ang lagay ng kaibigan, pero makalipas ang ilang buwan ay muli itong nagkakasakit.

Continue reading below ↓

Kamakailan raw ay sumakit ang likod ni Gel at nahirapan itong huminga.

Nagsimula rin daw itong magsuka at mawalan ng ganang kumain, kaya dinala si Gel sa ospital.

Dagdag ng aktres, negatibo sa COVID-19 ang kaibigan, pero mabilis na naging kritikal ang lagay nito.

Hindi binanggit sa posts ni Kim kung ano ang talagang sakit ni Gel, pero umabot sa puntong na-intubate ito.

Continue reading below ↓

Ang intubation ay ang pagpapasok sa bibig ng tubo patungo sa daanan ng hangin upang makahinga nang maayos ang pasyenteng may malalang sakit.

Makalipas ang halos 24 oras simula nang ma-admit sa ospital, pumanaw na ang binata.

Ang ina ng binata ang nag-text kay Kim ng malungkot na balita.

Hindi tinukoy sa posts ni Kim kung anong petsa pumanaw si Gel.

Gayunman, kasama sa mga ipinost ng aktres ang ilang litrato mula sa burol at libing ng kaibigan.

Nailibing na si Gel nang mag-post si Kim nitong Huwebes, August 20.

“KAGABI LANG KASAMA PA KITA”

Ramdam sa posts ni Kim ang labis na paghihinagpis sa biglaang pagpanaw ng kaibigan.

Hindi man lang daw siya nakapagpaalam nang maayos dito.

At hindi rin nasabi ng aktres sa kanyang guy best friend kung gaano niya ito kamahal.

Nanlumo raw siya nang mabasa ang text tungkol sa pagkamatay ni Gel: “Hindi ko kayang paniwalaan kagabi lang kasama pa kita.”

Continue reading below ↓

“Kung alam ko lang, sana bago ka bumaba ng sasakyan sinabi ko sayo kung gano kita kamahal bes!

“Sana nilingon kita bago ka bumaba! Hindi man lang ako nakapagpaalam!”

Malaking kawalan daw si Gel sa kanya. Isa raw kasi ito sa mga itinuturing niyang “kayamanan” sa buhay.

“Napaka sakit ang laking kawalan mo sa buhay ko! bukod sa pamilya ko ikaw na lang ang kayamanan ko.”

Kuwento pa ni Kim, isa raw sa pinakamasakit para sa kanya ay ang pag-aasikaso ng burol at libing ng kanyang best friend.

“Hindi ko maimagine na ang best friend ko dati pinipilian ko lang ng damit ngayon kabaong na.”

Continue reading below ↓

“NO ONE WILL EVER REPLACE YOU”

Sa kanyang mensahe para sa kaibigan, sinabi ni Kim na nag-iisa lang ang gaya ni Gel sa buhay niya.

Kung may bagong role man si Gel sa buhay ni Kim, iyon daw ay ang maging kanyang “GUARDIAN ANGEL.”

“NO ONE WILL EVER REPLACE YOU, NO ONE!” sabi ni Kim sa kanyang tribute post.

“Ikaw pa din ang nag-iisa kong bestfriend.

“Wag mo na ako isipin kaya ko to! naging strong din ako dahil sayo.

“From now on ikaw na ang magiging GUARDIAN ANGEL ko at naming lahat.”

Continue reading below ↓

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Domingo lost her best friend Zacharael to lung disease: “Hindi ko kayang paniwalaan kagabi lang kasama pa kita.”
PHOTO/S: Kim Domingo on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results