Clint Bondad, transwoman billionaire Anne Jakrajutatip on Thai TV to reveal "shocking secret"

by Nikko Tuazon
Aug 23, 2020
Thai trans billionaire Anne Jakrajutatip (left) announces on Instagram on Friday, August 21, that she and Filipino-German model Clint Bondad (right) will appear together in a prime-time talk show on Thai television.
PHOTO/S: Anne Jakrajutatip on Facebook

Sa unang pagkakataon, lalabas si Clint Bondad sa telebisyon matapos maging laman ng mga balita dahil sa kanyang cryptic at strange posts sa social media.

Ang Thai transwoman billionaire na si Jakkaphong "Anne" Jakrajutatip mismo ang nag-anunsiyo nito sa kanyang Instagram account noong Biyernes ng gabi, August 21.

Base sa mga litratong in-upload ni Anne, kasama siya sa unang TV interview ni Clint.

Ngunit hindi nagbanggit ang bilyonarya ng iba pang detalye, gaya ng kung kailan lalabas ang panayam o sa anong programa.

May sariling talk show si Anne sa kanyang bansa na kung tawagin ay Anne Show, na umeere tuwing Sabado ng gabi.

Bukod dito, chief executive officer siya ng JKN Global Media Public Company Limited, isang broadcast company at global content distributor sa Thailand, na nagdadala ng mga teleserye mula sa mga TV networks, kabilang ang GMA-7 at ABS-CBN, sa iba't ibang bansa.

Kilala naman si Clint bilang isang Filipino-German model, part-time actor, businessman at, higit sa lahat, ex-boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Continue reading below ↓

"SHOCKING SECRET"

Sa recent Instagram post, sinabi ni Anne na magiging "shocking" ang "secret" na ibubunyag niya at ni Clint sa programa.

"First interview on Prime Time Talk Show together in Thailand and for sure people will get shocked on our secret. Stay tuned, everyone!!! Shocking for sure!!!!"

Sa hiwalay na Instagram post, hinikayat pa ni Anne si Clint na huwag matakot sabihin ang katotohanan.

Aniya, "Why you have to look so fierce, Santa? Just tell everyone the truth is not that difficult!!!"

Naging palaisipan sa followers nina Anne at Clint kung ano ang ibubunyag nilang lihim.

Sa isa pang hiwalay na post, sinabi ni Anne, "If she supports you, treat her like your queen [emojis]

Continue reading below ↓

"We have the BIG secret to reveal and it’s shocking to know!!! [emojis]

"First time interview on national television together and it’s the biggest event ever.

"Stay tuned!!!"

ANNE JKN suPPORTS CLINT

Buo ang suportang ipinapakita ni Anne kay Clint na itinuturing niyang "brother" at "business partner."

Nitong nakaraang buwan, makailang ulit na ipinagtanggol ni Anne si Clint sa bashers, matapos maging viral sa social media ang cryptic at mala-misteryosong posts ni Clint.

Continue reading below ↓

Tuloy, maraming netizens ang nang-intriga sa closeness nila.

Ngunit noong July 24, 2020, iginiit ni Anne na kapatid lang ang turing nito kay Clint, at nangako pang hahanapan niya ito ng girlfriend.

Nakasaad sa caption ni Anne: "I will find the new girlfriend for my brother, Clint [heart emojis]

"I may as well have to spend more time with him as in the past three weeks I hardly talked to him due to my hectic schedule.

"Don’t find attention somewhere else, my dear. My family and I will be here for you now. Love you as always [kissing emojis]

"Biz partners, you don’t have to worry!!!"

Continue reading below ↓

Sinagot din ni Anne ang mga netizens na nagsabing "hooker" si Clint sa kumpanyang pag-aari ng takaw-eksena ring bilyonarya. Aniya, si Clint ay isang "corporate artist."

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thai trans billionaire Anne Jakrajutatip (left) announces on Instagram on Friday, August 21, that she and Filipino-German model Clint Bondad (right) will appear together in a prime-time talk show on Thai television.
PHOTO/S: Anne Jakrajutatip on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results